-
Walang hangad ang magulang kung hindi ang kaligayahan ng anak. Pero hindi rin maiiwasan ang mga pagkakataong makaramdam siya ng pagtanggi (rejection) at pagkabigo (disappointment) dahil hindi niya nakukuha ang gusto.
Kaya ang payo ni Katherine Prudente, isang counselor sa Freedom Institute sa United States, na tulungan ang anak na magkaroon ng pagpupursige (resiliency). Aniya, napakahalaga ng character trait na itong tinatawag din grit sa pop psychology para lumaking matatag ang bata.
Nagbigay ng tips si Prudente sa kanyang artikulo para sa Child Mind Institute kung paano mo matutulungan ang anak na magkaroon ng grit.
Magbigay ng comfort at validation
Kapag nakaranas ng rejection ang anak, mainam na tabihan mo siya at iparamdam na naiintindihan mo ang pinagdadaanan. Maaari mo raw siyang sabihan ng, ‘Nakaka-disappoint naman talaga,” at saka bigyan ng encouragement.
Importante raw kasi sa mga bata na naiintindihan at nabibigyan sila ng pansin para maitaguyod ang kanilang “sense of self.” Iyan daw ang magiging sandata nila para malampasan ang mga pagsubok na haharapin sa kanilang paglaki.
Sa pagdaan daw ng panahon, tumitibay ang kanilang “sense of self” para malampasan ang mga pagsubok na kanilang haharapin pa.
Gawing katanggap-tanggap ang failure
Mainam na manggaling mula sa iyo ang pagkakilala ng anak sa failure bilang parte ng buhay. Makikita niya na may silbi ang pagkatalo para pag-aralang muli ang nagawa at maging mas matatag. (Basahin dito para sa iba pang tips.)
Huwag tumigil sa pagbibigay ng encouragement
Sikapin na nariyan ka para sa kanya sa bawat rejection na kanyang matamo. Ituloy mo lang ang pagbibigay sa kanya ng encouragement para hindi siya huminto sa pagsubok muli.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMas bigyan ng pansin ang character kaysa achievement
Mahalaga na iparamdam mo rin na mas importante sa iyo ang character ng anak kaysa sa kanyang achievement. Makakatulong ito para mas matanggap niya ang rejection na puwedeng dumating.
Relax lang
Natural sa magulang ang pagiging protective sa anak, pero mas makakatulong kung hahayaan na magkaroon ng sariling diskarte ang bata. Ika nga, “take a back seat.” Alalay ka lang sa anak para matuto siyang itaguyod ang sarili hanggang sa kanyang pagiging adult.
(Basahin dito para sa iba pang parenting tips.)
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
5 Paraan Para Maintindihan Ng Bata Na Hindi Parati Makukuha Ang Gusto
Source: Progress Pinas
0 Comments