-
Isa sa mga malalaking desisyon na kailangan mong gawin habang buntis ay kung ano at paano magpadede sa isisilang mong sanggol. Marahil may malapit kang kamag-anak o kaibigan na nagbigay sa iyo ng inspirasyon para subukan ang breastfeeding. Hindi naman sila nagkamali dahil tunay na maraming benepisyo ng pagpapasuso.
Sabi ni Chariz Solomon sa kanyang interview sa SmartParenting.com.ph, ang kaibigan at kapwa niya GMA-7 artist na si LJ Reyes ang naging inspirasyon niya. Noon daw kasing bagong panganak si LJ sa panganay nito si Aki, na 11 years old na ngayon, nakita ni Chariz ang halaga ng breastfeeding.
Kaya ipinagdasal ng comedienne na magkaroon din siya ng kakayahan sa breastfeeding, at natupad iyon nang mommy siya sa tatlo na niyang mga anak ngayon: Apollo, 7; Ali, 5; at Andreas, 1 year old sa September 30, 2021. Makailang beses na ring nakapagbigay si Chariz ng donasyon na gatas.
Benepisyo ng pagpapasuso para kay baby
Bukod sa pamatid ng gutom at uhaw, marami pang maibibigay ang breast milk sa iyong sanggol.
Proteksyon laban sa mga sakit
Umaapaw ang breast milk sa nutrisyon ng kailangan ni baby para sa kanyang paglaki, ayon sa American Academy of Pediatrics (AAP). Dahil din diyan, protektado siya sa diarrhea; respiratory tract infection; urinary tract infection (UTI); sepsis (kung preterm ipanganak); childhood obesity; type 1 at type 2 diabetes; ear infections; at meningitis.
Iwas sa allergies
Ayon pa sa AAP, napatunay sa research na may hatid na proteksyon ang breast milk para sa mga sanggol mula sa mga pamilyang may history ng allergies. Mayroon daw kasing immune components ang breast milk kaya mayroon ding panangga si baby laban sa allergies.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPansin naman daw ng ilang mommies na ang protinang taglay ng breast milk ay mas madali para kay baby na ma-digest kumpara sa milk formula. Posible pa raw maghatid ang milk formula ng allergic reactions.
Pagbaba ng panganib sa SIDS
Ayon naman sa ulat ng USA Today, may pag-aaral nailathala sa Pediatrics na nagsasabing ang pagpapasuso sa loob ng dalawa hanggang apat na buwan ay maaaring magpapababa ng panganib sa sudden infant death syndrome (SIDS) ng 40%.
Kapag naman daw sa loob ng apat hanggang anim na buwan ang breastfeeding, 60%; at kapag sa mas mahabang panahon, aabot pa sa 64% na makaiwas sa SIDS.
Mas tatalino si baby
Ayon naman sa Medela, may ilang pag-aaral na nagsasabing nakakatulong ang breast milk sa paglago ng brain ni baby. Isa raw diyan ang pag-aaral na ginawa sa United States, kung saan lumabas na ang toddlers at preschoolers na exclusively breastfed ay ay mga brain na 20% hanggang 30% na mas maraming white matter. Ito iyong kumukonekta sa mga parte ng brain at nagbibigay ng signal sa kanila.
Magiging mas malapit si baby kay mommy
Pinakaimportante raw sa lahat ng benepisyo ng pagpapasuso ang pagbuo ng bond sa pagitan mo at ng iyong sanggol dahil sa skin-to-skin contact. Sabi nga ng AAP, nagpapakawala ng prolactin hormones ang breastfeeding. Ang hormones na ito ang nagpapakalma sa iyo kaya nakaka-focus ka kay baby.
Kasabay niyan ang pagpapakawala rin ng oxytocin, na siya namang nagbibigay ng pakiramdam ng pagmamahal at pag-aaruga sa inyong dalawa ni baby.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBenepisyo ng pagpapasuso para kay mommy
Sa kabilang banda, marami ka ring makukuha habang nagbibigay ng gatas sa iyong sanggol.
Pagbaba ng panganib sa ilang mga sakit
Makakatulong ang breastfeeding para makaiwas ka sa breast cancer o di kaya ovarian cancer, sabi ng AAP. Bukod diyan, maaari ka ring makaiwas sa iba pang mga sakit, gaya ng type 2 diabetes, rheumatoid arthritis, at cardiovascular disease. Kabilang diyan ang high cholesterol at high blood pressure.
Pagbilis ng pagbawas ng timbang
Ilan pa sa mga gawain ng nabanggit na oxytocin ang pabalikin ang uterus sa dati nitong size at pabawasin ang postpartum bleeding. Sa ganyang mga paraan, mas bibilis ang iyong recovery mula sa panganganak.
Maaari ka rin daw pumayat dahil nakakasunog ng calories ang paggawa ng gatas at pagpapasuso nito. (Basahin dito.)
Natural contraceptive ang pagpapasuso
Pansin din ng mga mommies sa ulat ng Parents na nade-delay ang kanilang ovulation habang nagpapasuso kung mayroon ganitong factors:
- Hindi pa bumabalik ang menstruation
- Nagpapasuso nang tuloy-tuloy sa loob ng apat na buwan
- Hindi mo binibigyan ng pacifier si baby, pati na feeding bottle at formula
- Hindi pa lagpas six months ang postpartum
Tipid sa gastos
Dahil libre mong napapasuso ang iyong sanggol, wala kang gastos. Kahit pa may bilhin kang ibang gamit para bumilis o gumaang ang breastfeeding, mas makakamura ka pa rin kaysa bumili ng milk formula.
Walang katumbas ang fulfilment
Iba siyempre ang pakiramdam na ikaw mismo ang nagbibigay ng pangangailangan ng anak. Nandiyan ka sa bawat iyak niya dahil sa gutom at pinagsasaluhan ninyong dalawa ng mga benepisyo ng pagpapasuso.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
10 Benepisyo Ng Breastfeeding Para Kay Mommy At Baby
Source: Progress Pinas
0 Comments