-
Simula nang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng Delta variant, ang sinasabing “most contagious” na uri ng COVID-19 virus, noong July 2021, lumobo ang bilang ng mga nagkakasakit. Marami diyan ay mga bata.
Katunayan, ayon sa datos ng DOH na ibinahagi ng GMA-7 newscast na 24 Oras kamakailan, halos 30% ang itinaas ng mga kaso sa mga kabataan may edad 17 pababa. Mula 7,993 na kaso (July 7-July 20), umakyat ito sa 10,358 (July 20-August 3).
Noong August 3 din, 6,879 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19. Ang 742 (10.78%) sa mga ito ay mga batang edad 17 pababa. Kabilang sa 742 na kaso ang 21 na mga sanggol, 52 na mga one-year-olds, 20 na two-year-olds, at 28 na mga three-year-olds.
Sabi pa sa ulat, na suportado ng GMA News Research, 21 kaso sa naitalang 216 datos ng Delta variant ay mga bata. Makakatulong sana ang bakuna laban sa COVID-19 dahil may bisa ang lahat ng brand ng vaccine (basahin dito). Pero hindi pa sakop ng vaccination program ng bansa ang mga bata sa kasalukuyan.
May panayam sa ulat si Dr. Jocelyn Eusebio, ang pinuno ng Philippine Pediatric Society. Aniya, malakas ang resistensya ng mga bata laban sa COVID-19, pero “ibang kalaban ang Delta.”
Kaya payo ng doktor sa mga magulang na bantayan ang mga anak kung tumamlay ang mga ito. Kapag trangkaso o flu, gagaling ang mga bata pagkatapos ng tatlo hanggang limang araw ng pagkakasakit. Pero kung lumala ang nararamdaman ng mga bata, baka mas seryoso na ang kalagayan nila.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSabi naman ni Dr. Beverly Ho ng DOH sa ulat pa rin, na kapag dumami o naging stable ng supply ng COVID-19 vaccine sa bansa, isasama na ang mga bata sa mga babakunahan.
Dagdag pa sa ulat, ang Pfizer brand pa lang ang nabigyan ng emergency use of authorization ng Food and Drug Administration (FDA) para mga bata, at naga-apply pa lang ang ibang brand, gaya ng Sinovac.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Dumadami Ang Mga Batang Tinatamaan Ng COVID-19: DOH Data
Source: Progress Pinas
0 Comments