-
Sabi nila, mapalad ang mga inang biniyayaan ng maraming breast milk.
Sang-ayon naman dito ang celebrity mom at certified padede warrior na si Chariz Solomon. Ngunit, pinatotohanan din niya na ang pagkakaroon ng maraming gatas ay mayroon ding mga kaakibat na hamon.
“Noong pinanganak ko si Apollo, sobrang dami [ng breast milk] ko,” sabi ni Chariz nang makakwentuhan namin siya sa episode na ito ng Dibdibang Usapan.
“Meron po akong condition na milk overabundance saka overactive let-down,” dagdag pa niya. “Sobrang projectile siya kapag nag let-down ako.”
Sabi pa ni Chariz, malaki ang pasasalamat niya na marami siyang gatas, ngunit ayaw din naman niyang ikaila na mahirap din ito kapag hindi mo alam ang gagawin mo sa sobrang gatas. “Akala nila ‘pag marami ‘yung milk mo, wala kang problem, wala kang sakit ng ulo, and that is wrong.”
“Oo, maraming milk is better than wala, pero ang hirap din pala niyang i-manage,” kwento niya.
Kwento ng mga nanay sa aming online community na nakaranas din ng oversupply ng gatas, madalas nilang maranasan ang engorged breasts at ang pananakit at pamamaga ng milk ducts.
Kaya naman sa halip na masayang ang kanyang breast milk, puspos sa pagdodonate si Chariz sa mga babies na nangangailangan.
Narito ang sistema niya ng milk donation at kung anu-ano pa ang ginagawa niya para makatulong sa kapwa niya ina.
Kumusta ang iyong breastfeeding journey? Nakaranas ka ba ng oversupply o kulang ang iyong breast milk? Anong naging solusyon mo sa iyong sitwasyon? I-share sa comment section.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makakausap at makakuha ng tips sa iba pang breastfeeding moms.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Chariz Solomon Sa Kanyang Overactive Letdown: ‘Projectile Siya Kapag Lumabas!’
Source: Progress Pinas
0 Comments