-
Kung gusto mong tuloy-tuloy na mabigyan ng breast milk ang iyong baby, isa ang breast pumping sa mga epektibong paraan para mapanatili ang supply ng iyong gatas.
Sa simula, maaaring natatakot o nag-aalangan kang gawin ang breast pumping dahil sa proseso nito. Umpisa pa lang sa paghahanda ng mga kagamitan. Nangangailangan din ito ng paglaanan ng sapat na panahon. Totoong hindi madali, pero hindi naman kumplikado kapag nakasanayan mo na o naging bahagi na ng iyong daily routine.
Isipin mo na lang ang maraming maibibigay na benepisyo ng breast pumping sa iyo:
- Kapag kailangan mong umalis, may maii-store ka na breast milk.
- Kapag bumalik ka na sa trabaho, may maiiwan kang made-dede ni baby.
- Kapag hindi maayos ang pag-latch ng iyong baby o hindi posible direktang pagpasuso.
- Kapag gusto mong mag-donate ng breast milk sa mga hospital.
- Kapag nakakaranas ka ng mastitis at kailangan mong magkolekta ng breast milk para maibsan ang nararamdamang sakit.
Guidelines sa breast pumping
Pero bago ka magsimula ng breast pumping, mahalagang malaman mo muna ang sitwasyon. Kung sapat sa buwan at malusog ang iyong baby, maaaring maghintay ka ng ilang linggo bago ito gawin. Ngunit, kung kulang sa buwan at may sakit ang iyong baby, makabubuting simulan mo agad ang breast pumping para may madede ang iyong baby. Malaki kasing tulong ang breast milk sa kanyang kalusugan.
Breast pumping kapag nasa bahay
Kung nasa bahay ka lang naman, mas marami ang nako-kolektang breast milk sa umaga. Nababawasan ang dami nito hanggang gumabi, batay rin sa karanasan ng maraming mommy. Puwede ka ring mag-pump pagkatapos mong magpasuso, halimbawa pagkaraan ng 30 hanggang 60 minuto.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMabuti rin ang isang oras bago magpasuso para maraming mailaan sa susunod na pagpapasuso. Pero kapag gusto ng baby mo na magdede sa iyo pagkatapos mong mag-pump, okay lang naman din ito.
Breast pumping habang nasa trabaho
Kung isa kang nursing mom na babalik sa trabaho, ipinapayo naman ng mga eksperto na mag-pump ng breast milk kapag 6 weeks old na si baby. Maaaring simulan sa pag-express ng gatas sa kabilang dede habang sumususo si baby sa kabila. Sapat na raw ang dalawang linggo para makuha ang sapat na dami ng breast milk na maiiwan mo kapag bumalik ka na sa trabaho.
Maaari kang mag-pump ng 8-10 beses sa loob ng isang araw. Mas mainam na magtuon sa dami ng bilang kaysa sa pagtitiyak ng 2 hanggang 3 oras na pagitan. Huwag mo lamang hayaan na tumagal ng limang oras na pagitan ang iyong pag-pump. Masasabing matagumpay ka kapag nakakolekta ka ng 25-35 oz (750-1,050 mL) sa loob 24 oras. Kapag nagawa mo ito, ipagpatuloy mo lamang ang iyong nagawang schedule.
Kapag nasa trabaho ka na, nakasaad sa Republic Act 10028 o ang Expanded Breastfeeding Promotion Act, may karapatan ka bilang nursing mom hinggil sa pagpapasuso. Bukod sa lactation station na dapat mayroon sa lugar ng trabaho, may 40 na minuto na nakalaan kada araw para sa lactation periods na maaaring hatiin sa dalawa o tatlong session.
Pag-iimbak ng breast milk
Kolektahin lamang ang mako-konsumo ng iyong baby sa isang pagdede. Ito lamang ang ilagay sa milk bag o bottle. Bigyan ng tamang espasyo ang mga nakolektang breast milk sa refrigerator. Puwede mo ring gawin ang diskarte ng ibang mommy na bumibili ng freezer para pag-imbakan ng breast milk.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosAyon sa Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO), dapat na maayos ang lagayan ng breast milk. Mainam na ilagay ito sa selyadong lalagyan at may tamang temperatura. Batay sa itinakdang pamantayan, kapag nasa 25 degrees Celsius o mas malamig pa na room temperature, tatagal ito ng apat na oras.
Kapag naman nasa loob ng ice box cooler, tatagal ang breast milk ng 24 hanggang 48 oras. Kapag nasa refrigerator na may 40 degrees Celsius, aabot naman ito hanggang apat na araw. Kapag nasa freezer na may -18 degrees Celsius, tatagal ito nang anim na buwan at maaari pa hanggang 12 buwan.
Kapag tinunaw na ang frozen breast milk, tatagal lamang ito ng isa hanggang dalawang oras. Tandaang mabuti na hindi puwedeng ibalik sa freezer o sa refrigerator pa ang breast milk na natunaw na at hindi napadede. Kung hindi naman nakonsumo sa isang pagpapadede, maaaring ipadede ang natira kay baby basta hindi pa lumalampas ng dalawang oras ang lumipas.
Isa pang tip: Lagyan ng tama at maayos na label ng petsa at oras ang mga nakolekta na breast milk bago ito iimbak o itabi.
Pagpili ng paraan ng pagkolekta ng breast milk
Bago ang lahat ng nabanggit, kailangan mong piliin ang paraan na gagamitin mo sa pag-pump para makaipon ng iyong breast milk. Narito ang ilang reminders:
- Pumili ng magandang breast pump, may available sa market na manual at electric pump. May mga branded at mayroon namang abot-kaya ang halaga. Makabubuti ang electric pump para madali ang pagkolekta ng breast milk at maaaring pagsabayin din ang dalawang breast.
- Maaari mo ring gamitin ang iyong kamay o mag-hand express kung walang sapat na budget na pambili ng breast pump. Maganda rin ito dahil hindi mo na kailangang magdala ng aparato. Mas inirerekomenda rin ito ng mga lactation consultant dahil mas nako-kontrol ng iyong kamay ang bigat ng pressure na ilalagay sa iyong dede kaya hindi ito gaanong masakit.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWTagal ng pag-breast pump
Mag-pump ka ng 10-20 minuto sa bawat breast. Ang oras na inilalaan sa pag-pump ay katumbas lamang din ng breastfeeding. Kaibahan lamang nito, mas mangangailangan ng dagdag na oras ang breast pumping dahil kailangan mong maghugas ng kamay, humanap ng komportableng lugar, ihanda ang gagamitin, at linisin ito pagkatapos.
Mahalagang tiyaking malinis, nahugasang mabuti, at tuyo ang mga gamit sa pagkolekta ng breast milk. Tiyakin din na makukuha ang lahat ng laman sa parehong breast.
Kapag napili mo ang breast pumping bilang suporta sa iyong breastfeeding journey, simulan mong palawakin ang kaalaman mo tungkol dito at pag-aralan ang ilang mga bagay na kailangang isaalang-alang. Ihanda rin ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkokondisyon ng iyong isip at katawan.
Sources:
Storing Breast Milk: How Long Does It Last in Room Temp, Ref, and Freezer?
You Don’t Need a Freezer Full of Breast Milk Bags When You Return to Work
Breast Pumping Guidelines: Lahat Ng Kailangan Mong Malaman
Source: Progress Pinas
0 Comments