Maraming Paniniwala Sa Pagpapasuso Ang Pinoy: Alin Ang Tama At Hindi?

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor o lactation consultant para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Naranasan ko na magsugat ang aking dede. Batay sa paniniwala sa pagpapasuso ng marami, sinabihan ako, “Naku, huwag ka munang magpadede kasi masama na may dugo ang madede ng anak mo.”

    Pero sabi ng pedia, okay lang iyon dahil idudumi lang ito ng baby ko at walang magiging epekto sa kanya. Mabuti pa raw ipagpatuloy ko ang breastfeeding  dahil makatutulong din daw ang baby ko sa mabilis na paggaling ng sugat.

    Nagkaroon din ako ng UTI. Sabi nila, “Wag ka munang magpadede dahil iinom ka ng antibiotic, makasasama sa anak mo ang gamot.” Pero sabi ng doktor ang ibinigay niyang gamot sa akin ay walang direktang epekto sa baby ko kahit na magpasuso ako kaya okay na ituloy ko ito.

    Mga paniniwala sa pagpapasuso sa Pilipinas

    Kapag first-time mommy ka, nariyan ang paghingi mo ng payo o opinyon sa iba sa pangangalaga ng iyong baby lalo na sa pagpapasuso dahil maraming bagay ang kalakip ng breastfeeding. Ang mga Pilipino ay hindi rin nauubusan ng mga pamahiin sa lahat ng bagay at isa na rito ang kanilang mga paniniwala sa pagpapasuso.

    Maraming paniniwala ang mga matatanda na naipapasa pa rin sa kasalukuyang panahon. Ano-ano nga ba ito? Dapat nga bang paniwalaan o may batayan din kaya dapat sundan?

    Pagpapadede nang pagod

    Pinaniniwalaan na pagod o stressed ang breast milk na maipapasa mo sa iyong baby kapag nagpadede ka pagkagaling sa trabaho o sa labas. Hindi naman ito mangyayari ngunit kakailanganin ng sapat na lakas para makapagpadede nang maayos ang isang nursing mom.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sa katunayan, mas maakpetuhan nito ang dami ng supply ng milk na kakailanganin ng baby kaya maigi na kung may makapagpahinga rin muna at maikondisyon ang katawan at isip.

    Pag-inom ng malamig na tubig

    Maipapadede rin daw sa baby ay malamig na breast milk. Hindi naman nagiging malamig ang temperatura ng breast milk dahil parating maligamgam lamang ito. Ang totoo ay dapat uminom ng maraming tubig para hindi matuyuan at patuloy na makapagprodyus ng maraming gatas.

    Pagpapadede ng gutom

    Sinasabi nila na kapag gutom ka na nagpadede, gutom na gatas din daw ang makukuha ng iyong baby o kulang sa sustansiya. Ngunit walang katotohanan na mawawalan ng sustanisya ang breast milk.

    Sa katunayan, ito ang pinakamasustansiyang pagkain ng iyong baby lalo na sa anim na buwan pagkapanganak. Nakagugutom ang pagpapasuso dahil nakukuha nito ang iyong lakas kaya dapat na may laman ang iyong sikmura bago magpasuso.

    Pagpapadede kapag may sipon, ubo o nilalagnat

    Bawal magpadede dahil baka mahawa raw si baby! Nagtataglay ang breast milk ng mga component na anti-bacterial, anti-viral, at anti-parasitic kaya hindi problema ang pagpapasuso kung may sakit. Ang kailangan lamang ay magsagawa ng pag-iingat.

    Makabubuti na magsuot ng face mask at ugaliin laging maghugas ng kamay para hindi maikalat ang sakit o virus. Gayundin, may mga gamot na maaaring inumin na walang epekto sa breast milk pero mahalagang magpakonsulta muna sa doktor.

    Pag-inom ng gatas ng baka para sa dumami ang supply ng breast milk

    Magandang ang gatas ng baka ng pagkunan ng calcium na kailangan ng mommy sa breastfeeding pero hindi ito para sa pagpapadami ng breast milk. Ngunit maaari din itong magdulot ng allergy sa mga baby lalo kung sensitibo sila sa gatas baka.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kaya mas inirerekomenda ang pag-inom at pagkain na lamang ng mga produkto na non-dairy pero maganda pa ring pagkunan ng calcium. Ganito rin ang isipin sa pagkonsumo ng mga pagkain na maaaring pagsimulan ng allegy ng iyong baby kaya mahalagang maisaalang-alang ito sa iyong diet.

    Pag-inom ng kape

    Maaaring uminom ng kape kapag nagpapasuso pero iyong sapat lamang na isa hanggang dalawang tasa sa isang araw. Ang labis na pag-inom ng caffeine ay ang maaaring magdulot ng discomfort sa iyong baby at makaapekto sa content ng iyong breast milk.

    Kanin sa kanan at tubig sa kaliwang dede

    Kapag nagpapasuso dapat daw hindi lamang sa isang dede kundi dapat kabilaan para kumpleto ang meal ni baby. Mahigpit na pinasusubalian na magkaiba ang nutrition value ng magkabilang suso dahil parehas lamang ito.

    Ang totoo, foremilk ang lumalabas kapag nagsisimula pa lang sumuso ang baby at hindmilk naman ang nakukuha niya habang tumatagal ang pagsuso. Mas mabuti rin na magkabilang suso kapag nagpadede at sa isa lamang para parehong matanggalan ng laman para makapagprodyus ulit ng gatas.

    Walang pagtigil o matagal na pagdede ni baby

    Kulang daw o hindi sapat ang nadede ng baby kapag hindi ito umaalis sa pagsuso. Pero, tandan na sa pagpapasuso nakakukuha rin ng comfort ang baby. Isipin lagi na ang breastfeeding ay hindi lamang basta pagpapasuso kundi nakapagdudulot din ito ng kapanatagan sa mga baby dahil sa skin-to-skin contact sa kanilang ina.

    Hindi agad mabubuntis kapag nagpapasuso

    Totoong isang magandang anyo ng natural family planning ang breastfeeding. Pero mangyayari at magiging matagumpay lamang itong paraan kapag nasunod nang maayos ang Lactational Amenorrhea Method (LAM).

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Totoong anuman ang ating ginagawa, kinakain, o iniinom ay tiyak na makaaapekto sa content at supply ng breast milk. Tiyakin lamang na ang mga bagay na pinaniniwalaan sa pagpapasuso ay may batayan.

    Mas makabubuting sumangguni sa mga eksperto kung naguguluhan para hindi makapektuhan ang iyong pagpapasuso. Lalo na iyong mga bagong ina na walang ibang hangad kundi ang kabutihan para sa kaniyang baby

    Sources:

    10 Breastfeeding Myths Debunked

    7 Facts You Didn’t Know about Breastfeeding

    What other parents are reading

Maraming Paniniwala Sa Pagpapasuso Ang Pinoy: Alin Ang Tama At Hindi?
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments