-
Hindi maaalis sa mga bata na may katakutan. Nariyan ang takot nila sa dilim, kaya ayaw nilang magpatay ng ilaw sa gabi kahit matutulog na. Isa pa ang paghawak sa hayop, kung nakagat na sila dati ng aso. May kanya-kanya silang dahilan, kahit minsan wala naman talagang basehan.
Bilang magulang, kaagad mong aaluin ang anak para mapanatag ang kanyang loob at pagsasabihan din siya na walang dapat katakutan. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, nasa tabi ka ng anak mo at mahaba ang iyong pasensya. Kaya payo ng mga eksperto na mas mainam na tulungan ang anak na mag-isa niyang harapin ang takot.
May paliwanag si Elianna Platt, isang social worker sa Child Mind Institute. Aniya, “normal, healthy part of growing up” ang pagkakaroon ng takot. Kalaunan naman daw ay malalampasan ito ng bata hanggang sa kanyang paglaki.
Paano matutulungan ang bata harapin ang takot
Sabi ng mga eksperto, ang susi sa pagharap sa takot ay ang pagkakaroon ng self-regulation. Isa raw itong “invisible skill” na kailangan “to process and manage our own emotions and behaviors in a healthy way.”
May paalala si Dr. Rachel Busman, isang clinical psychologist sa Child Mind Institute pa rin. Aniya, hindi solusyon ang paglalagay sa bata sa dilim para mawala ang takot niya sa dilim. Kailangan talaga ng bata ang gabay ng magulang.
Kausapin ang anak tungkol sa kanyang takot
Malimit daw na alam ng mga bata kung anong kinatatakutan nila, pero hindi nila maipaliwanag kung bakit. Mainam na usisain ang anak kung bakit siya takot, halimbawa sa dilim. Alamin ang dahilan upang maintindi ang problema at sabay ninyo itong malutas.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSeryosohin ang takot ng bata, pero huwag mapako ang atensyon doon
Mahalaga na masabi mo sa anak na sineseryoso mo ang sinasabi niyang takot upang maramdam niyang hindi siya katawa-tawa. Iwasan daw na sabihan ang anak na, ‘Hindi naman nakakatakot” o di kaya “Wala namang dapat ikatakot.” Mas makakatulong kung ganito ang sasabihin mo sa anak: “Nakakatakot naman talaga” o di kaya “Maraming bata ang takot din sa ganyan.”
Kapag alam ng bata na sineseryoso mo ang kanyang takot, mas dadali ang paghahanap ninyong dalawa ng solusyon sa kanyang takot.
Gumawa ng plano
Magkatuwang kayo ng anak na magkaroon ng “reasonable goals” at gumagawa ng plano para maabot ang mga iyon. Halimbawa, kung ayaw kang paalis ng anak sa kanyang tabi hanggang makatulog mag-isa sa kanyang kuwarto, magkasundo kayo na isang linggo na lang bago niya subukang magpatay ng ilaw mag-isa bago matulog.
Pero bago matapos ang linggo, unti-unti mo siyang sanayin. Siguro sa unang gabi, babasahan mo siya ng dalawang libro at pagkatapos, tahimik ka nang maghihintay hanggang makatulog siya. Sa susunod sa gabi, isang libro na lang babasin mo at tahimik ka nang mahihintay hanggang makatulog siya. Gawin ito hanggang kaya na niyang matulog kahit wala ka na sa kanyang kuwarto.
Bigyan ang anak ng encouragement at habaan pa ang pasensya
Payo ng mga eksperto na isaisip na hindi madaling nawawala ang takot, lalo na sa bata. Patuloy lang daw sa pagbibigay ng encouragement sa bata na harapin ang takot nito hanggang maging matapang na siya.
(Kung toddler ang anak, basahin dito.)
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
0 Comments