-
Bagamat normal sa mga bata ang humingi ng atensyon sa kanilang mga magulang, may mga pagkakataon na tila sumusobra silang papansin o masyado silang demanding sa atensyon. Malamang na negative attention ang hanap ng bata, ayon sa parenting educator at author na si Janet Lansbury.
Sa kanyang blog, ginawang halimbawa ni Lansbury ang kuwento ng isang mommy na may three-year-old na madalas maging agresibo sa kapatid nitong one-year-old. Ang hinala ni mommy, ginagawa iyon ng panganay para makakuha ng atensyon.
Ilang beses na raw niya at kanyang asawa na pagsabihan at disiplinahin ang kanilang anak sa pagiging agresibo at magaspang nito. Pero ayaw daw talagang makinig ang bata. Kaya humingi si mommy ng payo mula sa eksperto.
Ibig sabihin ng paghingi ng atensyon ng bata
Sabi ni Lansbury, mahirap daw talaga para sa mga magulang na maintindihan ang pagiging demanding sa atensyon ng anak kung hindi naman sila nagkukulang sa positive attention. Pero dapat daw malaman ng mga magulang na maaaring hindi lang simpleng atensyon ang hanap ng anak.
Kapag daw kasi may ginagawa ang bata na agresibo o negatibo, hindi niya ito planado. Nagiging impulsive, at kadalasang unconscious, ang kanyang aksyon. Ibig sabihin daw, naghihingi ang anak ng affirmation ng iyong assurance, acceptance, sense of security, at strength in leadership.
Mga puwedeng solusyon
Kahit daw humantong sa sigawan, sabi ni Lansbury, mainam pa rin na maiparamdam mo bilang magulang na naririnig mo ang paghingi ng atensyon ng iyong anak.
Gumamit kaagad ng aksyon, hindi lang salita
Kailangaan mong pigilan ang hindi tamang ginagawa ng anak pero dapat mo ring tanggapin ang kanyang nararamdaman at kagustuhan. Kung agresibo ang anak, halimbawa, sa nakababata niyang kapatid, pigilan kaagad ang kanyang ginagawa pero iparamdam sa kanya ang iyong kalinga.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWIwasan ang paulit-ulit na pagsabi ng rules
Kahit daw impulsive ang aksyon ng bata, kalimitang alam niya na sumusuway siya sa iyong mga patakaran. Kaya hindi raw makakatulong kung ipapamukha mo pa ang mali niyang ginawa. Mas makakatulong raw na tanggapin ang kanilang “immature, human impulse” sa pagbali ng mga patakaran.
Pag-aralan ang pinakamakakatulong na paraan sa pagkilala
Kapag may pagkilala (acknowledgement) ka sa nararamdaman (feelings) ng anak, hindi ibig sabihin maitatama na niya agad-agad ang maling inaaasal. Ang silbi raw talaga ng acknowledgement mo ng feelings ng anak ay para kumonekta sa kanya.
Gawing normal ang impulsive behavior ng bata
Imbes daw na bigyan ng special attention ang paghingi ng pansin ng anak, gawin itong pangkaraniwan na lang. Kaya kung nambabato ang bata, simpleng sanggain lang ito at iwasan ang iba pang reaksyon. Hindi raw makakatulong kung dadalhin pa ang bata sa kuwarto para sermonan. Makakatawag lang daw ng pansin ang ganitong pagdisiplina.
(Basahin dito para sa iba pang parenting tips.)
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
4 Na Solusyon Kung Masyadong Papansin O Demanding Sa Atensyon Ang Anak
Source: Progress Pinas
0 Comments