Paano Malaman Na May Gonorrhea Ang Babae

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Hindi madalas mapag-usapan ang sexually transmitted diseases (STD), tulad ng gonorrhea, kaya may babala ang health officials. Ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), isang pangkaraniwang sakit ang gonorrhea, lalo na sa mga kabataan may edad 15 hanggang 24.

    Sa Pilipinas, isa rin ang gonorrhea sa mga nangungunang sexually transmitted infections (STI), na “major health problem,” ayon naman sa mga eksperto mula sa Makati Medical Center (MMC). Kaya nagkakasundo ang mga eksperto na maging alerto sa gonorrhea symptoms nang maagapan ang kondisyon.

    Ano ang gonorrhea?

    Isang bacterial infection ang gonorrhea, na kilala rin sa mga bansag na “the clap” at “drip,” kaya tinatawag itong “tulo” ng mga Pinoy. Sabi pa ng mga eksperto mula sa Mayo Clinic, sanhi ito ng bacterium na Neisseria gonorrhoeae. Makukuha ito mula sa taong infected pagkatapos ng sexual contract—maging oral, anal, o vaginal man–lalo na kung walang gamit na proteksyon.

    Bukod sa mga kabataan at adults, maging lalaki man o babae, maaari ring mahawa ang mga sanggol ng kanilang mga nanay na infected ng bacterium (basahin dito). Kaya bilin ng mga eksperto na kailangang mabigyan kaagad ang buntis ng gamot sa tulo upang hindi na mahawa pa ang kanyang sanggol.

    Kalimitang inaatake ng bacterium ang urethra, rectum, lalamunan, at cervix para sa mga babae. Kung sanggol, mga mata naman ang delikado sa pamamagitan ng vaginal delivery. Sa kalaunan, kumakalat ang infection sa ibang parte ng katawan, partikular ang joints.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Bagamat lubhang nakakahawa ang gonorrhea, lahad ng mga eksperto sa Cleveland Clinic, na hindi ito maipapasa sa pamamagitan ng “casual touching,” gaya ng pagyakap o paghalik sa pisngi ng infected na tao. Hindi rin daw ito naipapasa sa paggamit ng common bathroom o cutlery, tulad ng pinggan at kutsara.

    Mga gonorrhea symptoms

    Sinasabing “tricky” ang gonorrhea, ayon sa mga eksperto mula sa Planned Parenthood. Hindi raw kasi sa lahat ng pagkakataon ay may mararamdamang sintomas ang taong infected. Kung meron ka man daw sintomas, kadalasang mild lang o di kaya aakalain mo na ibang sakit, gaya ng urinary tract infection (UTI).

    Para sa mga kababaihan, mainam na maging alerto sa ganitong mga sintomas, bilin ng mga eksperto, lalo na kung nakakaligtaan ang protected sex. Kabilang diyan ang:

    • Kakaibang vaginal discharge, na puwedeng kulay puti o dilaw
    • Pananakit ng puson (lower abdomen) o di kaya sa may pelvis
    • Pagkirot sa pag-ihi (burning sensation)
    • Pagdudugo kahit wala namang regla
    • Pagkakaroon ng infection sa lalamunan (malamang daw mula sa oral sex)

    May kaunting pagkakaiba lang ang gonorrhea symptoms sa mga kalalakihan (basahin dito). Makakatulong din daw na maging alerto sa mga nararamdaman ng asawa o partner upang makasiguro sa ano mang hinala. Pero ang pinakamainam na gawin ay komunsulta sa doktor at sumailalim sa urine test.

    Paano malalaman kung may gonorrhea?

    Bago bigyan ng urine test, magtatanong muna ang doktor tungkol sa mga nararamdamang sintomas. Tatanungin din ang sexual history dahil isang STD ang gonorrhea. Magbibigay din ang doktor ng physical exam upang makakuha ng sample ng fluid mula sa cervix ng para maeksamen ito. Fluid naman mula sa penis para sa lalaking pasyente.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maaari rin daw gumawa ang doktor ng throat o di kaya anal culture upang makita niya kung may infection sa mga parteng iyon ng katawan. Pero mainam daw na pag-usapan pa nang husto ang mga gagawing test.

    Pagkaraan daw ng ilang araw, makukuha na ang resulta ng mga test. Baka raw kasi bukod sa gonorrhea, mayroon ding isa pang STD na chlamydia naman. Puwede raw sabay na umatake ang dalawang infection. Maaari rin daw hilingin ng doktor na sumailalim din ang iyong partner sa mga test kahit wala siyang gonorrhea symptoms.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments