Napanatag Ng Music Na Ito Ang Loob Ni Miriam Quiambao Habang Nanganganak

  • Inamin ni Miriam Quiambao na habang nanganganak siya sa ikalawa niyang anak nitong July 12, 2021 ay nanumbalik ang mga alaala ng una niyang salang sa Cesarean delivery. Naging maselan kasi ang pagbubuntis at panganganak niya sa unang pagkakataon noong 2019 sa edad 43 (basahin dito).

    Kaya naman ngayong 46 na siya, kuwento ng dating beauty queen sa isang Instagram post, “roller coaster of emotions” ang naramdaman niya nang ipinapanganak ang tinatawag na nila ngayong si Ezekial Isaiah “Baby Ziki” Roberto.

    Aniya sa caption, “I was both excited and anxious at the same time. Some fears dared to creep at the back of my mind. I’m so grateful to God’s never-ending grace whose presence never left my side.”

    Mabuti na lang daw, sabi pa ni Miriam, pinayagan siya ng kanyang mga doktor na ipatugtog ang paborito niyang Christian music sa loob ng operating room (OR) habang isinasagawa ang scheduled Cesarean delivery.

    Saad ng motivational speaker at author: “Listening to the ‘Childbirth In The Glory’ album from Spotify helped me be grounded in His word and gave me the faith, the strength and the mindset as I prayed and believed God for a supernatural birth.

    “The doctors were kind enough to allow me to play the album inside the OR and whenever I felt anxious, a timely verse came out from the speakers which gave me renewed faith and strength to face the ordeal ahead.”

    Pagkaraan ng isang linggo, kuwento pa ni Miriam, panibagong challenges naman ang hinaharap niya: “Barely 4 hours of intermittent sleep per night, the pain of engorgement and my C-section, adjustments in the household are just some of the challenges to contend with.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Kaya malaki ang pasalamat ni Miriam sa asawang si Ardy Roberto, na pinayagan ding kumuha ng video sa loob ng OR. Grateful siya “for journeying with me from the beginning til the end: staying with me in the hospital, caring for me and the baby. And now our journey as new parents are just beginning again.”

    Nagpasalamat din si Miriam sa lahat ng kanya doktor at nurse sa Asian Hospital, pati na sa kanyang mother-in-law na namahala naman sa kanilang bahay at mga anak na sina Joshua, 13, at Elijah, 2. (Basahin dito ang pagbubuntis niya kay Baby Ziki.)

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Post a Comment

0 Comments