-
Hindi maiiwasan na magkaroon ng conflict sa pagitan ng magulang at anak. Ang resulta nito, sa toddler halimbawa, ay kanyang pagta-tantrum. Kaya hindi nakakapagtaka na maubos ang pasensya mo at uminit ang ulo.
Sa ganyang sitwasyon, may payo ang parenting educator na si Janet Lansbury. Aniya sa kanyang blog, makakatulong ang pagkakaroon ng ganitong frame of mind: rise above it. Ibig sabihin, tumindig ka at mangibabaw sa sitwasyon.
Mangibabaw sa triggers, wounds, past patterns
Kapag may tantrum ang anak, mainam na huwag magpadala sa kanyang inaasal at bumaba sa kanyang level. Magagawa mo raw ito kung lalabanan mo ang triggers, wounds, at patterns ng nakaraan. Iyan daw ang susi sa pagkalas mo sa negative cycles upang magkaroon ng healthy perception sa iyong anak at ang papel mo sa kanyang buhay.
Mangibabaw sa takot na baka masaktan ang anak at hindi ka na mahalin
Basta raw magbigay ka ng “reasonable, respectful limits,” hindi naman mababawasan ang pagmamahal sa iyo ng anak kung mainis ka sa kanyang pagta-tantrum.
Mangibabaw at intindihin ang pinagdadaanang stages ng anak
Mahalaga raw na maintindihan mo na kailangang pagdaanan ng anak ang punto sa kanyang pagkabata na lumalaban (resist), tumututol (defy), at tumatanggi (reject). Umpisa raw iyan ng pagtulong mo sa bata na gawing healthy ang kanyang pamamaraan.
Payo ni Lansbury na mag-set ka ng “honest personal limits.” Halimbawa raw sabihan ang anak na aalis ka sa kuwarto kung magpapatuloy sa pagta-tantrum. Pero huwag ka raw matakot o di kaya personalin ang inaasal ng anak na angkop naman sa kanyang edad.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMangibabaw sa pag-iksi ng pisi
Kung paubos na ang iyong pasensya o sadyang maiksi ang iyong pisi, sikapin daw na matimpi pa rin. Sa ganyang paraan mo rin daw maitututo sa anak kung paano maging mapagpasensya at maunawain. Tandaan daw na bilang magulang, ikaw ang modelo ng anak sa magandang pag-uugali.
Mangibabaw sa mga pangamba
Bilin ni Lansbury na huwag magpatalo sa mga pangamba at alinlangan para mapalaki mo ang iyong anak na may tiwala. Lalawak din daw ang iyong paraan sa paggabay sa kanyang physical at cognitive development, pati na sa paglalaro, pagpapakain, at pag-aaral.
Mangibabaw sa udyok na humusga
Mainam daw na pigilan ang sarili na hindi maging mabilis sa pagtatama at paghuhusga. Sa ganyang paraan ka raw magiging trusted confidant ng iyong anak. Kaya mas madali at maluwag siyang makakapagsabi sa iyo ng kanyang mga saloobin at problema.
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
0 Comments