7 Delikadong Baby Nursery Design Trends Na Kailangan Mong Iwasan

  • Anu-ano nga bang mga kailangan mong bilhin para paghandaan ang pagdating ni baby? Para sa mga bagong magulang, malimit mahirap malaman kung anu-ano nga ba ang mga dapat ihanda.

    Mas nakakalito pa ngayon dahil sa dami ng mga guides at baby nursery design trends na makikita sa Internet at social media. Maganda mang tignan ang mga ito, malimit ay hindi pala sila ligtas para sa iyong newborn baby. Narito ang mga design trends para sa kwarto ng anak mo na dapat mong iwasan.

    Baby nursery design trends that you need to avoid

    1. Moses baskets o ano pang kakaibang baby bassinets

    Alam mo bang may mga safety requirements din ang mga baby bassinets? Kabilang dito ang pagkakaroon ng malinaw at maayos na label kung saan mo makikita ang edad at timbang ng sanggol na pwedeng gumamit nito.

    Kailangan din na mayroon itong breathable sides, matibay na base o bottom, at smooth surface. Dapat walang ano mang pako, staple wires, o hardwire na naka-expose, at dapat ay firm o bahagyang matigas ang mattress nito.

    Bukod pa riyan, wala dapat gap o awang sa gilid para kapag gumulong, gumalaw, o umikot si baby, hindi siya maiipit.

    May mga moses baskets na masyadong malambot ang foam na maaaring maging sanhi ng suffocation.

    Ang mga moses baskets din na hindi balanse ay maaaring tumumba o tumabingi. Magiging sanhi pa ito ng injury sa iyong newborn.

    2. Nap loungers o sleep pods

    Ito iyong mga cute na unan na pinaglalagyan ng mga babies at malimit ipinapatong sa lamesa. Maraming mga safety alerts, recalls, at bans na ang inilabas para sa mga produktong ito dahil bukod sa maaari itong maging suffocation risk sa iyong baby, madali rin itong itaob kung nakalagay sa lamesa o sa kama.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ayon sa mga eksperto, hindi ligtas ang mga ito dahil karamihan sa kanila ay masyadong malambot at hindi stable.

    3. Mabibigat na frames o shelves malapit sa crib

    Nakakatuksong lagyan ng magagandang picture frames o framed mirrors ang tapat ng crib ng baby ninyo.

    Paliwanag ng mga eksperto, hindi ligtas ang mga ito dahil halos lahat sa kanila ay hindi childproof. Sa pagdating ng panahon ay maaaring lumuwag ang mga turnilyo o pako na humahawak sa mga ito. Maaaring mahulog ito sa baby mo.

    Ganoon din ang mga maaaring mangyari sa mga shelves na malapit sa crib ni baby. Payo ng mga eksperto, huwag lagyan ng mga shelves o frames malapit sa crib ni baby para maiwasan ang ano mang aksidente.

    4. Crib bumpers

    Kahit pa sabihin sa label ng crib bumpers na nabili mo na “breathable” ang mga ito, hindi pa rin sila nirerekomenda ng mga eksperto.

    Ayon sa mga eksperto, tataas ang risk of suffocation at strangulation sa crib ng baby mo kung pupunuuin mo ang mga ito ng crib bumpers.

    Bukod pa riyan, ang mga cribs ng mga babies ngayon ay ginawa na magkakadikit ang mga bars para maiwasan ang risk na maipit ang mga kamay at paa ni baby.

    Huwag mag-alalang mauuntog si baby dahil sa newborn o baby stage ay hindi pa siya masyadong gumagalaw sa loob ng crib.

    5. Kumot, unan, at mga stuffed toys

    Kung titingin ka ng mga magagandang litrato ng mga cribs online, makikita mo na mayroong kumot, unan, at stuffed toys ang mga ito. Huwag gayahin dahil malimit at pampaganda lang ang mga ito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hindi pa kailangan ng iyong newborn baby ang mga unan at kumot. Magiging dahilan lang ang mga ito para hindi siya makahinga—lalo na kung mahuhulog ito o tatakip sa kanyang mukha.

    6. Mga pailaw at pasabit

    Hindi kailangan ng iyong newborn baby ng mga fairy lights o string lights sa kanyang crib. Maaari lang maging dahilan ang mga ito na makuryente ang anak mo, lalo na kung hindi maganda ang wiring o pagkakakabit.

    Iwasan ding ilapit ang crib sa mga bintana na may kurtina o blinds dahil maaari rin itong malalaglag o mahila ng anak mo lalo na kung gumagalaw-galaw at umaabot-abot na siya ng mga bagay-bagay.

    7. Mga halaman

    Okay lang ang mga paso o vase ng halaman sa loob ng nursery ni baby, basta hindi malapit ang mga ito sa kanyang crib.

    Tandaan na ang nursery ni baby ay dapat na isang ligtas at tahimik na lugar para sa kanya. Pinakamahalaga dito ay maging safe sleep space ito ng iyong anak.

    Hindi kailangan ng mga magagarbong design na maganda lang sa litrato ngunit hindi naman ligtas para sa mga bata.

    Ikaw, paano mo pinapanatiling ligtas ang nursery ng iyong newborn? I-share ang iyong mga tips sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makahanap ng ibang paraan para panatilihing ligtas ang baby nursery.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments