Bakit Mabaho Ang Pusod Ni Baby? Baka May Infection, Ayon Sa Mga Eksperto

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Alam natin na ang umbilical cord ang kumokonekta sa buntis at kanyang pinagbubuntis para magsalo sila sa sustansya. Pinuputol ang umbilical cord kapag naipanganak na ang sanggol at may naiiwan na maiksing parte nito sa pusod ng bata. Pero kung new mom ka, marahil magtaka ka minsan kung bakit mabaho ang pusod ni baby.

    Mga dapat malaman tungkol sa pusod ni baby

    Tinatawag na stump ang kaputol ng umbilical cord na napunta sa sanggol. Halos kalahating pulgada (half inch) ang haba nito at purplish-blue ang kulay. Ayon kay Dr. Ina Atutubo, isang pediatrician, matutuyo ang stump sa loob ng pito hanggang sampung araw hanggang tuluyan itong matanggal mula sa pusod ni baby.

    Sabi pa ni Dr. Atutubo sa panayam niya dati sa SmartParenting.com.ph, dapat alagaan ang umbilical cord stump sa pusod ni baby. Magagawa mo ito kung susundin na ganitong mga hakbang:

    • Maghugas ng kamay bago linisin ang umbilical cord stump.
    • Gumamit ng tubig at sabon sa paglilinis ng stump at paligid ng pusod.
    • Sikapin na saglit lang ang paglilinis ng pusod.
    • Kaagad dampian ang nalinisang pusod gamit ang malinis na pamunas ni baby.
    • Kung paliliguan si baby, sponge bath na lang muna hanggang matanggal ang stump.

    May karagdagang bilin ang mga eksperto ng Raising Children mula sa Australia. Anila, huwag na huwag pilitin na matanggal ang umbilical cord stump. Hayaan lang daw na kusa itong matanggal nang maiwasan ang infection. Huwag din daw mabahala kapag may lumabas ng kulay brown na medyo malagkit at may konting amoy. Bahagi raw iyon ng healing process sa pusod.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Bakit mabaho ang pusod?

    Mahalaga na maging maingat sa stump at pusod ng sanggol, ayon naman sa mga eksperto ng American Pregnancy Association (APA), upang maiwasan ang infection. Bilin nila na maging alerto sa mga ganitong senyales sa stump.

    • Namumula at namamaga ang ilalim ng parte
    • Patuloy na pagdudugo
    • May lumalabas na nana (yellowish, white pus)
    • Mabaho at masangsang na amoy
    • Tila nasasaktan si baby sa bandang pusod

    Maaari raw magdulot ang mga ganoong senyales ng omphalitis, sabi pa ng mga eksperto. Isa raw itong “life-threatening infection of the umbilical cord,” kaya kailangang magamot kaagad. Tawagan ang doktor ni baby, lalo na kung hindi tumitigil ang pagdudugo ng umbilical cord stump at hindi pa ito natatanggal sa loob ng dalawang linggo.

    Paano linisin ang pusod ni baby?

    Kapag natanggal na ang umbilical cord stump at wala itong naiwan na infection, paalala ng mga eksperto na ituloy pa rin ang pag-aalaga sa pusod ni baby. Panatiliin itong malinis at tuyo hanggang tuluyang maghilom ang sugat dito. Suhestiyon nila na huwag masyadong itaas ang diaper ni baby para mahangin ang kanyang pusod.

    Kung may maiwan na itsurang bukol sa may pusod ni baby, maaari raw itong umbilical granuloma. Kulay pula o di kaya pink ito na parang may tumatagas. Kusa raw itong gumagaling basta parating malinis at tuyo ang pusod. Pero magandang ideya rin kung ipapakita mo ito sa doktor ni baby para masuri.

    Kapag naman daw namaga o lumuwa ang pusod ni baby, baka meron siyang umbilical hernia. Mas kapansin-pansin daw ito sa tuwing iiyak o iire ang sanggol. Kadalasan daw, wala itong dulot na panganib pero mainam pa rin na ipatingin sa doktor ni baby.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    May panahong napag-usapan ang paksa tungkol sa paglilinis sa pusod ni baby sa Smart Parenting Village. Kaya nagpalitan ng tips ang mga mommy para makatulong sa new mom na humihingi ng tulong. Kabilang diyan ang:

    • Paliguan ng maligamgam na tubig si baby
    • Linisin ang pusod gamit ang tubig at sabon
    • Gumamit ng cotton swab para siguradong matuyo ang pusod
    • Paminsan-minsan, linisin ang pusod gamit ang basang bimpo at patuyuin gamit ang cotton swab
    • Iwasan na gumamit ng baby care product panglinis ng pusod

    Kapag lumaki na si baby, payo ng mga eksperto na subukan bilang panglinis sa kanyang pusod ang cotton swab na may patak ng 70 percent ethyl alcohol. Pero kung hindi mo pa rin alam kung bakit mabaho ang pusod ni baby, kailangang komunsulta na sa doktor.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments