Safe Ba Ang Withdrawal Method? Sagot Ng Mga Mommy At Eksperto

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Kung ikaw at ang iyong asawa o partner ay nagpaplano ng dami at agwat ng mga magiging anak, malamang iniisip niyo kung safe ba ang withdrawal method. Kahit na hindi ito tinuturing na isang paraan ng modern method of family planning, ayon sa Department of Health (DOH).

    Ano ang withdrawal method?

    Isang napakalumang paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis ang withdrawal method, na tinatawag ding pullout method at coitus interruptus sa wikang Latin. Nangyayari ito bago ang ejaculation ng lalaki kapag binunot (pull out) niya ang kanyang ari (penis) mula sa ari (vagina) ng kanyang katalik at palayo sa external genitals ng babae.

    Ang layunin ng withdrawal method, ayon sa Mayo Clinic, ay mapigilan ang sperm na makapasok sa vagina nang hindi nito makarating sa egg cell at humantong sa pagbubuntis. Kaya ibayong self-control daw ang kailangan para maisakatuparan ito (basahin dito).

    Malimit pa rin daw gamitin ang withdrawal method, lalo na sa mga bansa na kulang ang access sa modern methods ng contraception o ayaw lang gamitin ang mga ito. Iba pang dahilan ang pagiging libre at walang side effect na dulot ang withdrawal method.

    Safe ba ang withdrawal method?

    Bagamat walang side effect ang withdrawal method, paalala ng mga eksperto na hindi ito nagbibigay ng proteksyon laban sa sexually transmitted infections. Hindi rin daw ito epektibo sa pagpipigil ng pabubuntis.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag pa nila, puwede pa ring makalusot ang sperm sa pagpasok sa vagina kung mali ang timing ng pabunot sa penis at mayroon ng sperm ang pre-ejaculation fluid.

    Kahit pa raw tama ang timing, ang failure rate ng withdrawal method ay hindi kataasan kumpara sa paggamit ng condom. Mayroong 4 percent ang withdrawal method at 2 percent naman sa condom. Ibig daw sabihin nito, 4 sa 100 kababaihan na umaasa lamang sa withdrawal method ay mabubuntis sa loob ng isang taon na paggamit nito.

    Diretsong sabi ni Michael Eisenberg, ang director ng male reproductive medicine and surgery sa Stanford University School of Medicine, sa popular science magazine na Scientific American: “We know that pulling out is not effective at preventing pregnancy.”

    Payo ng mga eksperto mula sa Planned Parenthood, mainam na gamitin ang withdrawal method kasabay ng iba pang contraceptive methods, tulad ng condom. (Basahin dito ang iba pang contraceptives.) Mas tataas daw ang tiyansa na maiwasan ang pagbubuntis.

    Karanasan ng mommies sa withdrawal method

    Maraming mommies ang nagkuwento sa Parent Chat online community ng SmartParenting.com.ph na nasubukan na nila ang withdrawal method. Pero hati ang kanilang mga opinyon.

    Sabi ng isang mommy, “So far, okay pa naman sa ‘kin ang withdrawal. 4 years ang gap ng first babies ko. I think nasa partner din talaga ng control.  According to my hubby, ramdam naman daw ‘yon. In our case, we are so thankful na di pumapalya.  Nabuo namin mga babies namin sa time na gusto na talaga namin.”

    Halos pareho ang karanasan ng isa pang mommy at kanyang asawa. Aniya, “We’ve been employing this kind of contraception during my unsafe days, so far effective naman. Kaya lang si hubby lang ang may control nito. Pag gusto niya akong buntisin, puwede rin.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kontra naman ang iba pang mga miyembro. Himutok ng isa sa kanila, “Ako, pumalya na sa withdrawal. Akala ko noon di ‘yun mabubuo kasi ‘lam ko safe talaga. Pero mali pala, kasi di mo alam meron pa rin nakakalusot, hihi!”

    Sang-ayon ang isa pang mommy: “Dami nako kilalang pumalya sa method na ‘yan. Never rely on it alone. Prepare other ways of contraception.” At ito pa: “Hindi s’ya effective para sa ‘ken considering regular pa period ko, as in walang mintis. Pero heto, I am now a mom of a 5 month old baby boy. No regrets naman.”

    Payo ng mga mommy sa mga nagtatanong sa online community kung safe ba ang withdrawal method, komunsulta muna raw sa doktor. Ika nga nila, “Consult mo na lang OB regarding what is the best option.”

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments