-
Natural sa mga magulang na mag-alala sa pangangatawan ng anak, lalo na kung may kaliitan ito kumpara sa mga pinsan o kalaro. Baka kasi maging sakitin ito at hindi pa makapag-aral nang maayos. Kaya madalas nilang itanong kung anong dapat kainin para tumaba ang bata.
Paano malalaman kung underweight ang bata?
May ilang paraan para malaman kung kulang sa timbang (underweight) ang iyong anak. Ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), maaaring subukan ang pamamaraan gamit ang body mass index (BMI). Ito ang sumusukat ng body fat base sa height at weight. Ang batang underweight ay may BMI na hindi umaabot sa 5th percentile.
May praktical namang suhestiyon ang Cleveland Clinic. Iyon ay ang pagsuri ng sukat ng damit ng anak. Madali raw kasing paglakihan ng bata ang damit, kaya kung hindi sumisikip ito, malamang na hindi lumalaki ang iyong anak. Isa pa raw paraan ang pag-obserba kung masyado nang halata ang ribs ng bata.
Anong dapat kainin para tumaba?
Para matugunan ang pagiging underweight ng anak, siguraduhin na nabibigyan mo siya ng tamang nutrisyon. Nagbigay ng dalawang importanteng food groups si Dr. Jose Rodolfo Dimaano Jr., ang Nutrition Medical Director for Asia Pacific ng global healthcare company na Abbott:
- Macronutrients (fats, carbohydrates, proteins)
- Micronutrients (bilang suporta sa chemical processes sa katawan)
Nagbigay naman ng gabay ang Food and Nutrition Research Institute para sa tamang pagkain sa pamamagitan ng Pinggang Pinoy. Sakop nito ang iba-ibang age groups, mula bata hanggang adults, pero lahat ay kailangan ng three basic food groups:
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW- Go foods-nagbibigay ng energy (grains, root crops)
- Grow foods-para lumaki at tumangkad (meat, fish, eggs)
- Glow-panlaban sa mga sakit (vitamins, minerals)
Narito pa ang anong dapat kainin para tumaba na hindi mahirap magustuhan ng bata:
- Rootcrops-kamote, kamoteng kahoy, ube, patatas
- Eggs-pasok ang kahit anong luto ng itlog
- Full cream milk-piliin din iyong fortified para sa karagdagang nutrients
- Nuts-bukod sa mani, meron pang kasuy at iba pa
- Peanut butter-puno ng sustansya ang paboritong palaman sa tinapay
- Cheese-isa pang masustansyang palaman sa tinapay
- Yogurt-may mga pambatang timpla at flavors
- Avocado-masarap itong gawing shake at ice candy
- Mango-masarap din itong sangkap sa cake at ice cream
- Bread-kahit walang palaman, mainam kainin ang tinapay
- Pasta-paborito ng mga bata ang spaghetti at pancit canton
Mga paraan para maenganyong kumain nang tama ang bata
Kung problema mo ang pagpapakain sa anak dahil wala siyang gana o pihikan, may mga suhestiyon si Dr. Dimaano na puwede mong subukan.
Kumonsulta sa doktor
Paliwanag ni Dr. Dimaano na baka may malalim na dahilan kung bakit ayaw kumain ng bata. Kabilang diyan ang physical, medical, at organic illness na dulot naman ng infection, parasites, allergies, at iba pa. Kaya mainam daw na masuri ang bata ng doktor.
Maging creative
Kung walang nakita ang doktor na health issue sa bata, sabi pa ni Dr. Dimaano, maaaring psycho-emotional o behavioral naman ang problema. Kaya kailangan daw gumawa ng paraan ang magulang para maenganyo ang anak na kumain.
Maging good example
Kung nais mo raw kumain ng masustanya ang anak, dapat iyon din ang iyong mga kinakain. Malaki raw ang tyansang pamarisan ka ng bata. Sabi nga ni Dr. Dimaano, “Eat what your child wants to eat.”
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSubukan ang food chaining
Subukan din daw ang technique na food chaining. Simulan sa pagkain na pinakapaborito ng anak, tulad ng fried chicken. Sa susunod mong paghain ng fried chicken, puwede mong lagyan ng side dish na gulay. Sa susunod pang linggo, halimbawa, lagyan mo naman ang fried chicken ng sauce na may gulay din.
Siguraduhing gutom ang bata
Kung may pagkain na bago para sa iyong anak na gusto mong ipakain sa kanya, payo ni Dr. Dimaano na siguraduhin na gutom ang bata bago ito ihain. Mas malaki raw ang tyansa na magustuhan ang anong dapat kainin para tumaba sa ganitong paraan. Baka ang bata pa raw mismo ang humingi ng pagkain dahil gutom na siya.
0 Comments