-
Maraming mga magulang, lalo na sa mga nanay, ang naeengganyong mag-apply sa mga online homebased jobs. Bukod kasi sa hindi mo na kailangan pang umalis ng bahay at iwan ang mga anak mo, maganda rin ang bayad lalo na kung masipag ka.
Sa isang ekslusibong panayam ng Smart Parenting kay mommy Janelle Dominique Swing, ikinwento niya kung paano siya kumikita ng hanggang P200,000 sa isang buwan sa pagtatrabaho online bilang virtual assistant.
Nag-umpisa siya sa sahod na US$3 per hour. Nagtatrabaho siya mula 7PM hanggang 4AM. Ilan sa mga responsibilidad mo bilang virtual assistant o VA ay ang pagsagot sa mga emails, pag-schedule ng mga meetings, paggawa ng mga presentations, at pag-popost sa social media.
Panoorin ang buong panayan ng Smart Parenting kay mommy Janelle dito sa unang episode ng Sweldoserye:
Gusto mo rin bang i-share kung paano ka kumikita ng pera at kung paano mo itinataguyod ang inyong pamilya? Ipadala ang iyong Sweldoserye kwento sa smartparentingsubmissions@gmail.com.
Huwag kalimutang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended Videos
0 Comments