Vegetarian, Ketogenic, At Iba Pa: Ano Nga Bang Diet Para Magbawas Ng Timbang?

  • Editor’s Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.

    Maraming humahanga sa weight loss journey ni Aiko Melendez (basahin dito). Kaya marami rin ang nagtatanong ng tamang pagkain para sa diet at iba pang paraan para magbawas ng timbang.

    Binabanggit ni Aiko sa Instagram ang food delivery service na naghahatid sa kanya ng mga pagkain na alinsunod sa ketogenic at vegetarian diet. Pero dalawa lang iyan sa mga uri ng diet na popular sa mga nagpapapayat.

    Mga uri ng diet

    Bagamat malawak ang sakop ng salitang “diet” sa usaping pagkain at pangkonsumo ng pagkain, mas madalas itong inuugnay sa pagnanais na magbawas ng timbang. Ayon sa mga eksperto ng Nutrition Ed, napakaraming uri ng diet ang mapagpipilian depende sa rason at panggangailangan.

    Vegetarian diet

    Ang “well-planned vegetarian diet,” sabi ng Mayo Clinic, ay isang malusog na paraan para makamit ang kinakailangang nutrisyon. Ang problema lang daw kapag hindi sariwang gulay bagkus processed ang kinakain.

    Kaya ang payo ng mga eksperto, pumili ng “variety of healthy plant-based foods” tulad ng whole fruits, vegetables, legumes, nuts, at whole grains. Iwasan naman daw ang mga sugar-sweetened beverages at refined grains. Makakatulong din daw na komunsulta sa dietician para mas malaman ang tamang pagkain para sa diet.

    May iba-iba ring uri ng vegetarian diet, gaya ng:

    • Lacto-vegetarian, kung gulay at prutas lang ang kinakain
    • Ovo-vegetarian,  kung kumakain ng itlog
    • Lacto-ovo vegetarian, kung kumakain  ng itlog, gatas, at iba pang dairy products
    • Pescatarian, kung kumakain ng isda
    • Vegan, kung walang halong kahit anong animal sources ang kinakain
    • Semivegetarian o flexitarian, kung halos gulay at prutas ang kinakain pero tumitikim paminsan ng karne at animal sources
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ketogenic diet

    Isang halimbawa ang ketogenic ng low-carbohydrate diet na iniiwasan ang sugary foods, pasta, bread pero pinupuntirya naman ang mga pagkaing mayaman sa protein at fat, pati na healthy vegetables.

    Nauso ang ketogenic diet nitong mga nakaraang taon, pero may ilang sumubok nito ang nagsabing hindi ito “long-term solution” para makamit ang ninanais na timbang at pangangatawan (basahin dito ang karanasan ng isang mommy).

    Paleo diet

    Batay sa “natural way of eating,” ika nga ng mga eksperto, ang paleo diet. Ibig sabihin, hindi puwede ang processed food, o iyong mga pagkain na dumaan sa makina para makain ng tao. Kabilang dito ang processed sugar, kaya ang asukal na mula sa prutas lang ang puwedeng matamis na kainin.

    Blood type diet

    Base sa pag-aaral ng mga doktor, lumabas na makakatulong daw ang pag-match sa tamang pagkain para sa diet ng isang tao base sa kanyang blood type.

    Halimbawa raw para sa mga may type O blood, rekomendado ang mga pagkaing mayaman sa protein. Kaya kung nais pumayat, makakatulong daw sa kanila ang spinach, red meat, seafood, at broccoli para magbawas ng timbang. Pero kailangan nilang umiwas sa dairy products, gaya ng gatas at keso.

    Isa pang halimbawa ang para naman sa may type A blood.  Nirerekomenda sa kanila ng mga eksperto na umiwas sa red meat at kumain na lang ng turkey, tofu, at mga prutas. Tataas din ang tyansa na magbawas ng timbang kung panay soy, seafood, at mga gulay ang kakainin.

    Sa paghahanap ng tamang pagkain para sa diet, payo ng mga eksperto na huwag magpadala sa mga tinatawag na “fad diets.” Para makasiguro, lalo na kung may problema sa kalusugan, mainam na komunsulta muna sa doktor.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bilin nila na walang diet na puwede sa lahat ng tao o ika nga nila “one diet fits all.” Kaya kung umubra kay Aiko ang kanyang diet, maaaring umubra din it sa iyo pero hindi garantisado. (Basahin dito ang iba pang paliwanag ng mga eksperto.)

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments