-
Nauso ang menstrual cup nitong mga nakaraang taon bilang eco-friendly alternative sa disposable napkin. Ito iyong maliit na cup na gawa sa rubber o silicone na hugis imbudo (funnel) at sobrang flexible kaya puwedeng isuot sa ari ng babae na parang tampon.
Pero kamakailan may mga kababaihan na nagsasabing nakatulong ang paggamit nila ng menstrual cup para mabuntis. Ilan sa kanila, na pawang nakabase sa United States, ang nagkuwento ng kani-kanilang mga karanasan sa Parents.
Sabi ng isang mommy mula New York, nagsimula siyang gumamit ng menstrual cup dahil mas nakakamura siya kesa sa tampon. Kaya handa siya nang mabalitaan na makakatulong ito para mabuntis siya.
Aniya, anim na buwan na siyang sumusubok ng iba-ibang paraan tuwing ovulation period para tumaas ang tyansa niyang mabuntis pero parati siyang nabibigo.
Kaya halos desperado na siya nang magdesisyon na maglagay ng menstrual cup sa kanyang puwerta pagkatapos nilang magsiping na mag-asawa. Nabasa niya raw kasi na makakatulong ang suot na menstrual cup para mapalapit ang sperm sa cervix.
Laking gulat niya nang mabuntis kaagad sa loob ng isang buwan lamang. Kahit daw sabihin na nagkataon o coincidence lang ang paggamit niya ng menstrual cup, malaki pa rin ang hinala niya na nakatulong talaga ito. Uulitin pa raw niya ang ganoong paraan sakaling gustuhin pa niyang mabuntis ulit.
Paano makakatulong ang paggamit ng menstrual cup para mabuntis?
Nagbigay ng paliwanag si Dr. Sherry Ross, isang ob-gyn, sa parehong artikulo. Naiintindihan niya raw kung bakit kasama na ang menstrual cup sa listahn ng mga mag-asawang sumusubok na magkaanak. Mas mabilis daw iyong paraan at hindi pa nakakabutas ng bulsa gaya ng fertility treatment.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSabi pa ni Dr. Ross, na isa ring women’s health expert, puwedeng gamitin ang menstrual cup bilang sisidlan ng sperm pagkatapos magtalik at saka ipapasok sa puwerta. Puwede ring ipasok kaagad ang menstrual cup pagkatapos na pagkatapos magtalik. Makakatulong pa raw ang parehong paraan sa mga sumusubok din ng artificial insemination.
Sang-ayon si Dr. Ross, na may akda rin ng librong She-ology: The Definitive Guide to Women’s Intimate Health. Period., na may naibibigay na suporta ang paggamit ng menstrual cup sa mga effort ng mga kababaihan na gustong mabuntis.
Sa tuwing ejaculation daw kasi, milyong sperm ang lumalangoy. Kapag nailagay sila sa menstrual cup, lalangoy lang sila sa isang direksyon na papunta sa egg cell. Bibilis pa silang lumangoy sa tulong ng cervical mucus hanggang makapasok sila sa cervix at marating ang uterus hanggang fallopian tube para matagpuan ang egg cell.
Lahad pa ni Dr. Ross na isang sperm lang ang kailangang makapasok sa egg cell para maisakatuparan ang fertilization. Kapag fertilized na ang egg cell, nahahati ito sa maraming cells para makabuo ng embryo. Maglalakbay ito papunta sa uterus para doon na mapirmi habang nagiging fetus at hanggang marating ang panahon ng kapanganakan.
Mga dapat tandaan sa paggamit ng menstrual cup para mabuntis
Paalala ni Dr. Ross na bago pa mapuntahan ng mga sperm ang egg cell, kailangan nilang magtagal muna malapit sa cervix para tumaas ang tyansang makabuo ng bata. Puwede raw mabuhay ang malusog na sperm sa loob ng tatlong araw.
Kapag nagtagal daw ang mga sperm sa may lugar ng cervix at papuntang uterus, lumalaki ang posibilidad na makalangoy sila hanggang fallopian tube at mangyari ang fertilization.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosSa tingin ng doktor, dahil wala namang guidelines sa paggamit ng menstrual cup para pumirmi ang sperm, mainam na hayaan lang muna ang menstrual cup hanggang ligtas ito sa posisyon sa puwerta. Huwag lang daw lalampas ng 12 hours, na siya namang general guidelnes sa paggamit ng menstrual cup.
Kapag lumampas ng 12 hours, baka magdulot naman iyon ng masamang epekto, ayon naman kay Dr. Daniel A. Skora, isa pang ob-gyn at reproductive endocrinologist, pati na infertility specialist sa Fertility Specialists of Texas.
Paliwanag niya sa artikulo pa rin ng Parents, maaaring magbabago ang vaginal pH kapag nagtagal ang menstrual cup sa puwerta. Baka magresulta ito sa yeast infections at bacterial vaginosis (BV).
0 Comments