-
Nitong June 6, 2021, ibinahagi ng radio DJ na si Nicole Hyala at kanyang asawang si Renly Tinana kung bakit ilang linggo silang hindi naging aktibo sa social media. Anila sa kanilang vlog, sinarili muna nila ang pinagdaanang unos nang magkasakit ang panganay sa dalawang anak nilang si Princess.
Naging madamdamin ang kuwento ng mag-asawa nang alalahanin ang mga paghihirap na dinanas nilang pamilya. Pero nangibabaw ang saya at pasasalamat sa tinatawag nilang “testimony of God’s love and miracle.”
Lahad ni Nicole na April 16 nang lagnatin si Princess at nakatulog sa online class nito. Kapansin-pansin din daw ang pananamlay at pagiging antukin ng bata. Mahirap daw kasing patulungin ito at mas gusto pang napupuyat.
Nang umabot ang lagnat ni Princess sa 38.5 at 38.6 degrees Celsius, dinala na siya ng kanyang mga magulang sa ospital. Pero tanging ang Mommy Nicole niya lang ang nanatili sa kanyang tabi bilang pagsunod sa health protocols.
Kuwento ni Nicole, “Yung moments na gising siya, ‘Blah, blah, blah…’ Parang nagba-babble siya. So, sabi ko, ‘Parang may something. What’s happening?” Kinabahan daw siya lalo nang sabihan siya ng doktor na ipatingin ang bata sa espesyalistang neuro-pediatrician.
Sumailalim sa CT scan ang bata, at saka na-diagnose ng doktor na posibleng may meningoencephalitis si Princess. Isa itong sakit na may pamamaga sa brain o brain inflammation.
Pag-amin ni Nicole, “Siyempre nagulat kami. Akala namin lagnat lang. ‘Yun pala, brain inflammation. I know for a fact dahil may experience ako sa sister ko na nagkaroon noon. I know that it’s not an easy disease kasi brain ‘yung tinamaan.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWAng problema pa, walang mabiling gamot para kay Princess sa ospital kaya nanghagilap pa si Renly sa mga drug store, at suwerte namang may tumulong. Pinayuhan na rin silang mag-asawa ng doktor na ilipat ang anak sa mas malaking ospital.
Sumunod naman sila Renly at Nicole, pero nagpatuloy ang kanilang kalbaryo hanggang humantong sa coma ang kalagayan ni Princess. Ginawa naman daw lahat ng mga doktor sa mas malaking ospital ang kanilang makakaya. Binigyan pa ng hospital staff ng birthday celebration ang bata para pagaanin ang loob nito.
Nagtagal ng tatlong linggo si Princess sa intensive care unit (ICU) ng ospital, at himalang nakamit ang recovery, bagamat tuloy-tuloy ang kanyang therapy. Kaya ganoon na lang ang pasasalamat ng kanyang mga magulang, lalo na Diyos.
Sabi ni Renly, “Ang dasal naming mag-asawa, huwag sanang pagdaanan ng iba pa ang pinagdaan namin kasi masakit…Bilang magulang, napakahirap talaga.”
Dagdag payo ni Nicole, “Humble yourselves…Kapit lang kay Lord. Alam n’yo, paulit-ulit n’yo ’yung naririnig pero isapuso po ninyo ang pagtawag. Kasi po tandaan n’yo, si Lord po ang may likha ng lahat.
“Pero kung kailangan mong pagdaanan kasi kailangan may ituro sa ’yo, dapat may baguhin sa ’yo, just hold on to Him. Kami, wala namang nag-wish na mangyari ito, pero nangyari ito…
“Naging closer kami to each other, naging matatag ang aming pamilya, at higit sa lahat, mas matatag ang faith namin kay Lord.”
Mapapanood ang vlog nina Nicole at Renly dito:
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
0 Comments