-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
May iba-ibang dahilan ang pagsakit ng tiyan, na siyang madalas tamaan ang mga bata. Kailangan lang malaman ang talagang sakit nang mabigyan, halimbawa, ng gamot sa gastroenteritis.
Ano ang gastroenteritis?
Ang ibig sabihin ng gastroenteritis, ayon sa Britannica, ay “acute infectious syndrome of the stomach lining and the intestine.” Kilala rin ang sakit na ito bilang acute gastroenteritis (AGE).
May paliwanag si Dr. Minette Reyes-Bautista, isang pediatrician, sa panayam niya noon sa SmartParenting.com.ph. Aniya, ang infection na umaatake sa gastrointestinal tract kaya nagkakaroon ng AGE ay maaaring sanhi ng mga:
- Virus
- Bacteria
- Parasitic organisms
Pero kadalasan daw, virus talaga ang dahilan. Ang rotavirus din ang numero unong dahilan ng dirrhea at dehydration sa mga batang wala pang limang taong gulang.
Nakukuha raw ang sakit na AGE sa pamamagitan ng feco-oral. Nangyayari ito kapag gumamit ang isang tao ng banyo at hindi siya naghugas ng kamay, pagkatapos nagluto at naghanda siya ng pagkain. Ang bacteria/virus/parasite na nakuha niya sa banyo ay maaaring maipasa niya mula sa kanyang mga kamay hanggang sa pagkain.
Sabi pa ni Dr. Reyes-Bautista, ang older kids ay mas tinatamaan namn ng bacteria at parasites dahil mas exposed din sila sa “wider environment.” Kabilang diyan ang pag kain ng street food na hindi maayos ang pagkaluto, paglalakad nang nakapaa sa labas, at paliligo sa ilog.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSa panahon ng natural disasters, tulad ng pagbaha, tumataas daw ang insidente ng acute gastroenteritis dahil sa mga contaminated na pagkain at inumin.
Mga sintomas ng acute gastoenteritis
Ang batang may acute gastroenteritis, ayon kay Dr. Reyes-Bautista ay maaaring makaramdam ng:
- Pagtatae o diarrhea
- Pagsusuka
- Lagnat, kung minsan pero hindi sa lahat ng kaso
Ayon naman sa American Academy of Family Physicians (AAFP) Foundation, dapat bantayan ang mga ganitong sintomas:
- Altered sensorium
- Bilious or bloody vomiting
- Cyanosis
- Inconsolable crying or excessive irritability
- Petechial rash
- Poor peripheral perfusion
- Rapid breathing
- Temperature of 104°F (40°C) or more
- Toxic appearance
- Low body weight
Mainam daw na ipatingin ang bata sa doktor para masubaybayan ang lagay ng tubig sa kanyang katawan o hydration status.
Gamot sa gastroenteritis
Habang nagtatae at nagsusuka ang bata, nawawalan ang kanyang katawan ng tubig at sustansya. Kaya bilang gamot sa gastroenteritis, sabi ni Dr. Reyse-Bautista, binibigyan ang pasyente ng:
- Oral rehydration solution (ORS)
- Zinc supplementation
- Probiotics, kung minsan
Dagdag pa ng AAFP, ang layunin ng treatment para sa acute gastroenteritis ay maiwasan ang dehydration o magamot ito kung hindi napigilan. Isa pa riyan ang pagpigil sa paglala at pagtagal ng mga sintomas.
Para sa mild at moderate dehydration, kakayanin na itong magamot sa bahay kaya hangga’t maaari raw, huwag nang paabutin pa sa severe dehydration.
May guidelines ang Philippine Soceity for Pediatric Gastroenterology, Hepatology, and Nutrition (PSPGHAN) para sa treatment ng acute gastroenteritis sa mga pasyenteng walang sintomas ng dehydration.
Sabi sa guidelines, masasabing hindi nakakanas ng dehydration ang pasyente kung siya ay alerto; nakakainom nang normal; hindi lubog ang mga mata; nakakaluha; nakakahinga nang maluwag; at nakakaihi nang tama.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBigyan daw ng maiinom ang pasyente hanggat sa kaya niyang dami. Pero huwag daw siyang bigyan ng:
- Carbonated drinks (softdrinks, soda)
- Sweetened drinks (iced tea, milk tea, artificial fruit juice)
- Caffeinated drinks (coffee, tea)
- Sports drinks
- Electrolyte drinks not conforming with World Health Organization (WHO) low-osmolarity ORS
Paano maiiwasan ang gastroenteritis
Nagbigay ang PSPGHAN ng mga bilin para masigurong epektibo ang gamot sa gastroenteritis at makaiwas na rin. Para sa mga magulang, siguraduhin na:
- Umiinom ang anak ng malinis at ligtas na tubig lamang
- Hinuhugasan mabuti ang mga pagkaing hindi na niluluto
- Niluluto at iniimbak nang tama ang mga pagkain sa bahay
- Ugaliing maghugas ng kamay ng sarili at ng anak lalo na pagkapos gumamit ng banyo
- Siguraduhing malinis ang banyo
- Sundin ang proper hygiene sa lahat ng oras
0 Comments