‘Hindi Ipinaglihi Sa Crabs’: Ikinwento Ni Mommy Ang Journey Ng Anak Niyang May Clubfoot

  • Walang magulang na gustong makita ang anak nilang nahihirapan. Sa katunayan, sa pagbubuntis pa lang ay ingat na ingat na sina mommy at daddy.

    Kaya naman kapag nagkakaroon ng mga kumplikasyon, hirap sina mommy at daddy na tanggapin. ‘Yan ang siyang naging karanasan ni mommy Cindylin Baniga Kazama, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village at may anak na nagkaroon ng clubfoot.

    “Grabe ang gulat [ng aming] buong pamilya kasi wala kaming idea tungkol sa clubfoot,” sabi niya sa kanyang post. “Natakot kaming mag-asawa kasi inisip namin [kung] magiging normal, makakalakad, makakapaglaro, at makakapag-aral ba siya katulad ng sa mga ibang bata,” dagdag niya. Natakot din daw sila na baka ma-bully ang anak nila.

    Para sa kaalaman ng iba pang miyembro ng Village, ikinwento rin ni mommy kung ano ba ang clubfoot.

    “Clubfoot is a foot deformity,” sabi ni mommy. “Often so severely that the bottom of the foot faces sideways even upward.”

    “Wala pang certain explanation kung ano ang dahilan ng clubfoot,” paliwanag pa ni mommy. “Mostly, ang theory nila ay genetic o sa posisyon ni baby sa tummy.”

    “It’s not true na naglihi or kumain ka ng crabs,” dagdag pa niya.

    Severe talipes varus daw ang naging sitwasyon ng anak niya. Mayroong apat na variations ang clubfoot: talipes varus, talipes valgus, talipes equines, and talipes calcaneus. Sa talipes varus umiikot ang paa palabas katulad ng letrang L.

    Ipinaliwanag daw ng pediatrician ng anak nila ang sitwasyon at ito rin ang nagrekomenda ng mapagkakatiwalaang pedia ortho. “Inexplain niya sa amin ang lahat ng mga steps, from first to last at mga positive at negative na possibilities na mangyayari through the journey,” pagbabahagi ni mommy.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    May apat na treatment na makakatulong sa mga babies na may clubfoot: casting, tenotomy (if necessary), boots and bar, at tendon transfer (if necessary). “Sa may kilala din na ganito ang sitwasyon, sabihin ninyo sa parents na ipa-check sa ortho ang bata para mabigyan ng treatment. May free treatment ng clubfoot sa Pilipinas.”

    Sa ngayon ay ‘graduate’ na ang anak ni mommy sa clubfoot journey nito. Kwento ni mommy, limang beses na nag-casting ang anak niya na inabot din ng dalawang buwan mahigit.

    Sumunod ang boots and bar stage na siyang pinakamatagal—four years and counting na sila sa stage na ito. “Mahirap sa first few months kasi 23 hours wearing at one hour lang ang pahinga. Graduate na siya sa clubfoot journey niya, but we decided to continue the bracing stage until 7 years old if possible and with a go signal ng ortho.”

    “Dahan-dahan ding bababa ang oras ng bracing hanggang [maging] nighttime wear na lang,” paliwanag ni mommy. “Now he is four years old already—straight feet, very healthy boy,” dagdag pa niya.

    “So far, so good. Walang foot relapse, except sa very slight na metatarsus adductus, which is common na mangyari sa may clubfoot at under observation pa rin namin.”

    “Happy World Clubfoot Day!” sabi ni mommy sa kanyang post. “Sa lahat ng mga magulang na may anak na may kapansanan, big salute sa inyo!”

    “We are so blessed na nabigyan ni Lord ng ganitong baby dahil alam Niya na matapang at malakas tayo. Na kaya nating lampasan ang ganitong pagsubok. Laban lang!”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Gusto mo rin bang ibahagi ang kwento mo, ng anak mo, o ng inyong pamilya? Pwede mong i-send yan sa smartparentingsubmissions@gmail.com . Pwede ka rin sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments