-
Nakalakihan sa kulturang Pinoy na maging mas maingat sa anak na babae. Nariyan ang ayaw pasalihin sa physical activities kasi baka madapa, masugatan, at magkapeklat. Sasabihan pa ang bata na dapat makinis ang balat ng babae.
Kahit pa maganda ang intensyon mo bilang magulang, hindi mo namamalayan na malaki ang epekto ng iyong salita sa iyong anak at maaaring dalhin niya sa paglaki.
May iba pang paalala si Dr. Lea Lis, isang child psychiatrist at may akda ng librong No Shame: Real Talk with Your Kids. Aniya sa Pure Wow, narito ang limang bagay na dapat hindi na sinasabi sa mga batang babae.
“Ang ganda mo.”
Kapag kasi raw panglabas na itsura ang mas madalas na pinupuna mo sa anak na babae, maling mensahe ang binibigay mo sa kanya. Subukan na bigyan ng pansin ang kanyang kakayahan at abilidad.
Sabi ni Dr. Lis, mas mainam kung sasabihan mo ang anak ng, “Maganda ang pinili mong damit,” o di kaya “Ang confident ng dating mo.”
“Bigyan mo ng yakap si Tito.”
Ang bata raw mismo ang dapat na magdesisyon kung sino ang hahawak sa kanya para mabuo ang kanilang body autonomy. Ganyan din ang paalala ng Girl Scouts (basahin dito).
Sabi ni Dr. Lis, mas mainam na pagbati sa ibang tao ang handshake o kaya fist bump.
“Nakaka-proud ka.” o “Proud ako sa ‘yo.”
Baka ang mangyari kasi iaasa ng anak mong babae ang kasiyahan niya sa kung paano niya nagagawang proud ka sa kanya.
Sabi ni Dr. Lis, mas mainam kung sabihan ang anak ng, ‘Wow, proud ka sa sarili mo,” para maramdaman niya hindi niya kailangan ng approval o validation mula sa ibang tao.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW“Balang-araw, ang mister mo…”
Puwede kasing pinapangunahan mo na ang “certain sexual orientation” ng bata, kaya nababaon sa isip niya ang iyong standard o expectation sa kanyang paglaki.
Sabi ni Dr. Lis, subukan ang mga salitang “future person” o kaya sabihin na “kapag nagsimula ka nang magkaroon ng relasyon.”
“Kailangan kong magpapayat.”
Posible kasing maging mitsa iyan para sa body-shaming na gagawin ng bata sa kanyang sarili. Baka rin magkaroon siya ng problema sa body image.
Sabi ni Dr. Lis, mas makakatulong kung kausapin ang anak tungkol sa healthy eating. Dagdag pa riyan na ang katawan ng babae ay hindi lang para i-display kung di upang gumawa ng maraming bagay.
(Para sa iba pang tips, basahin dito at upang matulungang lumaking confident ang anak na babae dito.)
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
0 Comments