Sabi Ng CHED, Wala Nang Balikan Sa Full-Packed Face-To-Face Classrooms

  • Wala ng atrasan sa flexible learning system sa hanay ng higher education na nagsimula bilang tugon sa higit isang taon ng COVID-19 pandemic.

    Ito ang pahayag ni Secretary Prospero de Vera III ng Commission on Higher Education (CHED) sa kanyang pre-recorded video presentation na may titulong “Bayanihan in Philippine Higher Education.”

    Isa siya sa resource persons para sa “Educating Our Children in the New Normal” webinar na inorganisa ng Center for Strategy, Enterprise, and Intelligence (CENSEI) nitong May 21, 2021 sa pamamagitan ng Facebook Live.

    Sabi ni Secretary de Vera III, “flexible learning will be the norm” sa higher education sector, kabilang ang colleges at universities. Hindi na raw sila babalik sa “traditional, full-packed face-to-face classrooms.”

    Sa katunayan, saad ng kalihim, may polisiya na ang CHED na itaguyod ang flexible learning hindi lang para sa kasalukuyang school year 2021 bagkus sa mga darating pang mga taon.

    Bakit pabor ang CHED sa flexible learning

    Nagbigay ng paliwanag si Secretary de Vera III kung bakit flexible learning na ang new normal sa higher education sector. May mga dapat daw kasing isaalang-alang sakaling bumalik pa sa dating sistema, kung saan pumapasok nang sabay-sabay ang mga mag-aaral sa pisikal na silid aralan.

    Bukod sa patuloy na COVID-19 pandemic, mainam daw na maghanda sa posible pang pandemya na dumating na makakaapekto sa mga estudyante, guro, at kawani ng eskuwelahan.

    Isa pang rason, dagdag ng kalihim, masasayang ang mga investment sa technology, teacher training, at retrofitting ng kanilang facilities para maitayod ang online learning.

    Mga dapat malaman sa flexible learning

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Lahad ni Secretary de Vera III, mawawala na ang “old paradigm of face-to-face versus online,” at mangingibabaw ang flexible system. Dito, aniya, “universities will mix and match flexible learning method appropriate to the situation.”

    Iyon daw universities na mas handa para sa full online system ay magpapatuloy na mag-invest sa ganoong uri ng platform. Ang iba namang universities ay maaaring pabalikin ang kanilang mga estudyante sa classroom sa partikular na panahon lamang.

    Inaasahan daw nila sa commission na ang teachers ay makasabay sa new standards ng flexible learning. Dapat daw mayroong “openness to engage and spend time with students” at gamitin ang new technology upang magkaroon ng “better and deeper conversations.”

    Kinakailangan din ang mga guro na gawing regular ang pagbabago ng syllabus at paggamit ng new methodologies sa pagtuturo.

    Lahad pa ni Secretary de Vera III, nakikita nila na ang “transition from exam-based system to that depends on knowledge creation to group works and projects or task-based systems, particularly in determining how we grade our students.”

    Umani naman ng batikos ang CHED mula sa mga grupong tulad ng National Union of Students of the Philippines at Kabataan Party-list.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Post a Comment

0 Comments