-
Karamihan sa mga nagnanais na magbawas ng timbang ay umiiwas sa kanin at pinapaboran ang tinapay. Pero meron din namang nagsasabi na pareho lang ang epekto ng dalawang uri ng pagkain sa katawan. Kaya marami ang nagtatanong kung nakakataba ba ang tinapay.
Sustansya mula sa tinapay
Kasama ang tinapay at kanin sa grupo ng mga pagkain na dapat kinokonsumo mula 5 hanggang 8 servings ng Pinoy adult na may edad mula 20 hanggang 39 years old.
Ito ay ayon sa daily nutritional guide pyramid na dinisenyo ng Department of Science and Technology Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI). Sinabi rin dito na ang 1 cup cooked rice ay katumbas ng 4 slices ng loaf bread o di kaya 5 pieces ng small pan de sal.
Ayon naman sa Harvard University Dining Services, narito ang nutrition facts ng isang slice ng white bread:
- Total fat: 1 gram
- Saturated fat: 0.2 gram
- Trans fat: 0 gram
- Cholesterol: 0 mg
- Sodium: 148.5 mg
- Total carbohydrates: 14.8 gram
- Dietary fiber: 0.8 gram
- Sugars: 1.5 gram
- Protein: 2.8 gram
- Calories: 80
Nakakataba ba ang tinapay?
Dahil hitik sa carbohydrates o carbs ang tinapay, tinuturing ito na isa sa mga pagkain na nakakataba tulad ng kanin. Pero sabi naman ng mga eksperto, nakadepende sa uri ng carbohydrates ang epekto nito sa pagdagdag ng timbang ng tao.
Kaya suhestiyon nila na imbes na white bread, na hatid ay simple carbohydrates, piliin iyong wholemeal o wholegrain bread na puno ng complex carbohydrates. Marami raw kasi iyong sustansya, gaya ng fiber.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSabi pa ng mga eksperto, walang masama sa pag kain ng tinapay at hindi ito nakakataba. Puwera na lang daw kung isa ka sa mga taong may medical condition na nagbabawal sa pag kain ng tinapay. Mas bigyan mo raw ng pansin ang nilalagay mong palaman sa tinapay dahil baka iyon ang dahilan ng posibleng pagtaba mo.
Imbes na tumaba, puwede raw pumayat dahil sa tinapay
Noong 2020, nagpahayag ang kilalang American TV host na si Oprah Winfrey na pumayat siya dahil sa pag kain ng tinapay araw-araw. Gustong-gusto niya raw talaga ang tinapay, kaya sinikap niyang hanapin ang tamang balanse sa pag kain nito habang nagbabawas ng timbang.
Sumang-ayon sa pahayag ni Oprah ang dietician na si Keri Glassman sa interview nito sa People. Oo ang sagot niya sa tanong kung puwedeng magbawas ng timbang kahit kumakain ng tinapay.
Pero, paalala ni Glassman, puwede ang isang slice ng tinapay kung hindi ka na kakain pa ng kanin, patatas, pasta, o ano mang matatamis sa parehong araw. Ang kadalasang payo niya raw ay isang slice ng whole grain bread na walang halong asukal kada araw kung halos gulay, lean meat, at kaunting fat lamang ang diet.
Bukod sa uri ng tinapay, gaya ng pagpabor ni Oprah doon sa mayaman sa grains, mahalaga rin daw ang tamang oras ng pagkain ng tinapay para makatulong ito sa pagbabawas ng timbang. Pero hati raw ang opinyon ng mga eksperto sa kung dapat bang gawin ito sa umaga o sa gabi.
Sabi kasi ni Dr. Louis Aronne, na doktor naman ng isa pang kilalang American TV host na si David Letterman, “you should eat carbs late in the meal and late in the day.” Magiging “minimal” lang daw ang epekto ng carbs kapag sa gabi kumain.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosAniya sa parehong artikulo, nakaka-stimulate ng appetite ang carbs bilang unang pagkain sa umaga at mahirap nang pigilan ito hanggang tumakbo ang araw. Iyon daw mga taong kumakain ng carbs sa agahan ay 80 percent na mas maraming nakakain sa buong araw kumpara sa mga taong itlog lang ang kinakain sa agahan.
Kontra naman ang dietician na si Glassman dahil daw “easier to portion control and choose the right variety when bread is part of breakfast versus bread with dinner.” Ganoon din si Oprah, na paborito raw ang agahan na avocado, tomato, at turkey toast, kaya hindi na siya nagtatanong kung nakakataba ba ang tinapay para sa kanya dahil pumapayat pa nga siya.
0 Comments