Laruan Sa Kape, Paa Sa Mukha, Tambak Na Labada: Mga Sure Signs Na Nanay Ka Na Nga

  • Usong-uso ngayon sa video-sharing app na TikTok iyong mga kwelang challenges tulad ng ‘Tell me you have a toddler without telling me you have a toddler. May sariling version kami niyan na pwede mong basahin dito.

    Talaga namang nakaka-good vibes at hindi matigil ang kakatawa namin dahil sa simpleng larawan lang ay alam mo na agad na may toddler si mommy.

    Kaya naman naisip naming gumawa ng isa pang version. Ito ang ‘Tell me you’re a mom without telling me you’re a mom’.

    Warning: Siguradong makaka-relate ka at hindi ka makakatigil sa katatawa.

    Narito ang iba’t-ibang larawang ipinadala sa amin ng mga nanay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village nang i-challenge namin sila na ipakita sa pamamagitan ng mga litrato ang pruweba na sila nga ay mga nanay na.

    Tell me you’re a mom without telling me you’re a mom

    Laging may iba’t-ibang baby body parts sa mukha mo

    Normal na sa mga nanay ang magising na may paa, pwet, kili-kili at iba pang baby body parts sa mga mukha nila.

    Akala kasi ata ni baby, upuan si mommy.

    Aray naman, anak.

    PHOTO BY courtesy of Dianne April Menor – Albano

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Kung anu-anong ‘sahog’ ng kape mo

    Relate na relate kahit ang celebrity mom na si Andi Eigenmann dito. Minsan na kasing nilagyan ng anak niyang si Lilo ng barya ang iniinom niyang kape.  

    Sa kaso naman ng mga nanay sa Village, nilalagyan ng mga anak nila ng laruan ang tubig at kape nila. Nagugulat na lang ang mga nanay, may kung anong lumulutang na sa kape nila. 

    Kumusta naman itong kape ni mommy na nilagyan ng anak niya ng lemon. LOL

    PHOTO BY courtesy of Lara Dioquino-Panlaqui Boado

    Laging tumutugtog sa isip mo ang mga nursery rhymes ng anak mo

    Sure sign na talaga na mommy ka na kapag kung anu-anong nursery rhymes na ang naririnig mo kahit wala namang tumutunog sa bahay ninyo? 

    Kwento pa ng mga nanay sa Village, kahit na nakapikit na sila bago matulog, nursery rhymes pa rin ang naiisip nila. 

    Patulog na pero nakakarinig pa rin ng nursery rhymes?

    PHOTO BY courtesy of Maryglor Casiano II

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Marami kang nakakalimutan at hindi napapansin

    Sa sobrang busy mo, minsan nakakalimutan mo na na may kape ka pala. Minsan nakakalimutan mo na kung anong sasabihin mo o anong susunod mong gagawin. 

    May mga pagkakataon ding hindi mo napapansin na nakalabas ka na pala nang walang bra. Maraming mga lutang moments basta nanay ka. 

    Itong si mommy, hindi na napansing magkaiba pala ang nasuot niyang tsinelas.
    PHOTO BY courtesy of Amitah Vi

    Laging may nakasiksik o nakakapit sa iyo

    Kahit saan ka magpunta, kapag mommy ka na, hindi ka na mag-iisa. Lagi nang may nakasiksik sa iyo at lagi nang may iiyak kapag umalis ka. 

    Kwento nga ng mga nanay, kahit sa banyo, kasunod nila ang mga anak nila. 

    Expectation VS Reality! Itong si mommy nag-picture lang, parang pupunta nang ibang bansa.
    PHOTO BY courtesy of Janine Joy
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    Hindi pwedeng umihi si mommy na hindi kasama si baby.
    PHOTO BY courtesy of Jastene Yamat-Prieto

    Nakakaita ka ng mga kung anu-anong bagay sa loob ng bag mo

    Naranasan mo na bang buksan ang bag mo at magulat na may laman itong remote, laruan, o tsinelas at kung anu-ano pa? 

    Anong latest na laruan at kung ano pang bagay ang nakita mo sa bag mo?
    PHOTO BY courtesy of KrĂ­zzy Parbo
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Masagana ka sa mga discount cards

    Bakit nga naman palalampasin mo ang mga discounts, hindi ba? 

    Lahat na yata ng discount cards mayroon si mommy.
    PHOTO BY courtesy of Joanne JM

    Marami pang ibang mga entries sa ‘Tell me you’re a mom without telling me you’re a mom’ challenge namin sa Village. Nakakatuwang makita ang iba’t-ibang interpretasyon ng mga nanay sa mga tungkulin nila. 

    Gusto mo bang sumali? I-share mo na sa comment section ang entry mo sa challenge na ito. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village para makita ang iba pang mga nakakatuwang pictures ng mga nanay. 

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments