-
Ang almoranas o hemorrhoids (minsan ay tinatawag ding “piles”) ay ang pamamaga ng mga ugat sa puwet. Pwede itong mangyari sa balat sa paligid ng puwet o kaya naman ay mismong sa loob ng rectum. Nagdudulot ito ng pangangati at pananakit ng puwet. Madalas din na nahihirapan dumumi ang mga taong may almoranas.
Lahat ng tao ay merong hemorrhoids, o ‘yung mga cluster ng ugat na makikita sa ilalim ng mucus membranes sa pinaka-ibabang parte ng rectum. Kapag lumaki at namaga ang mga cluster ng ugat na ito, ito na ang tinatawag na sakit na almoranas.
Para lang din tonsils at tonsillitis ang almoranas, kung saan lahat ng tao ay merong tonsils sa lalamunan at nagkakaroon lang ng tonsillitis kapag may infection sa bahaging ito. Pwede ring ikumpara ang almoranas sa pamamaga ng varicose veins sa binti.
Ang kadalasang sanhi ng almoranas ay ang sobrang strain o pressure sa mga ugat. Tumataas ang risk na magkaroon nito kung madalas kang makaranas ng sakit sa tiyan gaya ng constipation.
Mataas din ang risk ng almoranas sa buntis, lalo na kung nasa third trimester na dahil lumalaki ang uterus at nadidiinan nito ang ang mga ugat sa bandang puwet. Malaking factor din ang genetics at ganun din ang obesity sa pagkakaroon ng almoranas.
Mabuti na lang at madaling gamutin ang sakit na ito. Sa katunayan, pwedeng hindi na uminom ng gamot para sa almoranas dahil maraming effective na mga home treatment at lifestyle changes para rito.
Iba’t-ibang characteristics at sintomas ng almoranas
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWNakadepende sa kung anong klase ng almoranas ang mga sintomas na pwedeng maramdaman ng pasyente. Kung external hemorrhoids ang nararanasan, ang pinaka-common na sintomas ay pangangati at iba pang irritation sa puwet.
Pwede ring makaramdam ng pananakit, lalo na habang umuupo o dumudumi. Kung minsan, pwede ring mamaga ang paligid ng puwet at makaranas ng padurugo.
Kapag naman internal hemorrhoids ang nararanasan, walang masyadong pananakit na mararamdaman. Sa halip, ang pinakamadalas na sintomas ng kondisyong ito ay ang pagkakaroon ng dugo sa dumi.
Pwede ring may lumabas na hemorrhoid sa puwet habang dumudumi — ito ang pwedeng magdulot ng pananakit.
Panghuli, merong tinatawag na thrombosed hemorrhoids, kung saan may namumuong blood clot sa external hemorrhoid. Matinding pananakit sa puwet ang number one symptom nito, bukod pa sa matigas na bukol sa puwet. Pwede ring magkaroon ng pamamaga sa paligid ng bukol.
Katulad nang nasabi kanina, madali lang gamutin ang almoranas. Pwede itong mawala nang kusa, o sa tulong ng ilang simpleng treatment. Hindi rin life-threatening ang almoranas.
Kaya lang, kung meron kang almoranas at sobra ang pagdurugong nararanasan o kaya naman ay sobrang itim ng dumi, mas mabuting magpakonsulta na sa doktor. Baka meron ka nang ibang sakit bukod pa sa almoranas.
Mga pwedeng gamot sa almoranas
Kung ang nararanasan mong sintomas ng almoranas ay mild pain at pamamaga, maraming home treatments ang pwedeng gawin. Ilan dito ang mga sumusunod:
Pagkain ng mas maraming prutas, gulay, at whole grain
Ang mga pagkaing ito ay mayaman sa fiber, na may kakayahang makapagpalambot sa dumi. Ang resulta, hindi ka maii-strain sa pagdumi at mababawasan ang irritation.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPainitan ang puwet
Magandang gumamit ng tinatawag na sitz bath na pwedeng ilagay sa ibabaw ng inidoro. Lagyan ng maligamgam na tubig ang sitz bath at maupo rito for at least 10 to 15 minutes.
Pwede rin ang warm compress. Ipatong ang compress sa ibabaw ng unan at upuan ito para makabawas sa pananakit. Pwede rin dumapa sa kama at ipatong ang compress sa puwet.
Hemorrhoid cream o suppository na may hydrocortisone
Maraming hemorrhoid creams at ointments ang pwedeng mabili over-the-counter para mabawasan ang pananakit. Tandaan lang na kung may steroids ang ginamit na cream o ointment, huwag itong gamitin na lagpas sa isang linggo dahil pwedeng numipis ang balat. Meron ding suppository na merong numbing agents para sa internal hemorrhoids.
Oral pain relievers
Pwede ring uminom ng mga gamot katulad ng mga over-the-counter drugs gaya ng acetaminophen, aspirin, at ibuprofen para mabawasan ang nararamdamang pananakit.
Sa tulong ng mga treatments na ito, pwedeng mawala ang mga sintomas ng almoranas sa loob ng lime hanggang pitong araw. Kung hindi maging effective ang mga home remedies na ito, magpakonsulta na sa doktor.
Surgical procedures para sa almoranas
Para sa mga mas malalang kaso ng almoranas at meron nang namuong blood clot, pwedeng sumailalim sa tinatawag na external hemorrhoid thrombectomy. Isa itong minor surgical procedure kung saan tinatanggal ng doktor ang hemorrhoid na nagkaroon ng blood clot.
Kung paulit-ulit kang nagkakaroon ng almoranas o kung sobra ang pagdurugo at sakit na nararanasan, pwedeng kang sumailalim sa iba pang surgical procedures katulad ng mga sumusunod:
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWRubber band ligation
Isa itong simple at minimally invasive procedure. Tatalian ng doktor ng rubber band ang puno o base ng hemorrhoid para mapigil ang circulation ng dugo papunta rito. Pagkatapos ng ilang araw, matutuyo at kusang matatanggal ang hemorrhoid.
Coagulation techniques
Sa procedure na ito, gumagamit ng infrared light o laser beam para manigas at matuyo ang internal hemorrhoids.
Sclerotherapy
Pinapaliit nito ang hemorrhoids sa pamamagitan ng pag-i-inject ng isang chemical solution.
Hemorrhoidectomy. Para ito sa mga malubhang kaso ng almoranas. Sa operasyong ito, tatanggalin ang sobrang tissue na nagdudulot ng pagdurugo at pamamaga.
Stapled hemorrhoidopexy
Tinatawag din itong hemorrhoid stapling, na ginagawa para mapigilan ang pagdaloy ng dugo papunta sa hemorrhoidal tissue. Medyo mataas lang ang risk nito para sa mga komplikasyon katulad ng severe bleeding kaya dapat magpakonsulta muna sa doktor para malaman kung ito ba ang pinaka-effective na treatment.
Mga sanhi at risk factor ng almoranas
Katulad ng nasabi kanina, ang sobrang pressure sa mga ugat sa paligid o loob ng puwet ang kadalasang dahilan ng almoranas. Ang dagdag o sobrang pressure na ito ay pwedeng sanhi ng mga sumusunod:
- sobrang pag-ire kapag dumudumi dahil sa constipation
- paulit-ulit na pagdumi dahil sa diarrhea o LBM
- sobrang tagal na pag-upo, na common sa mga taong nag-oopisina o may sedentary lifestyle
- madalas na pagbubuhat ng mabibigat na bagay
Meron ding mga risk factor ang almoranas, katulad ng:
- pagbubuntis, lalo na kung nasa late stages
- pagiging overweight o obese
- hindi sapat na fiber sa diet
- anal intercourse
- family history ng pagkakaroon ng almoranas
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWTandaan din na tumataas ang risk ng pagkakaroon ng hemorrhoids habang tumatanda. Dahil ito sa paghina ng mga tissue na sumusuporta sa mga ugat sa paligid at loob ng puwet. Sobrang rare na magkaroon ng almoranas ang mga bata, at madalas ay meron din silang ibang sakit kung sakaling magkaroon nito.
Paano iwasan ang almoranas
Para maiwasan ang almoranas, dapat panatilihing malambot ang dumi para mas madali itong mailabas. Narito ang ilang tips para mapaganda ang bowel movement pati na rin iba pang paraan para hindi magkaroon ng almoranas:
Pagkain ng high-fiber foods
Bukod sa prutas at gulay, mayaman din sa fiber ang whole grains na katulad ng wheat at oats. Pwede ring uminom ng supplements kung hindi sapat ang fiber sa diet.
Pag-inom ng maraming fluids
Makakatulong ang pag-inom ng maraming tubig at iba pang non-alcoholic liquids para maging malambot ang dumi.
Huwag magpigil ng dumi
Nagiging dahilan ng pagtigas ng dumi ang pagpipigil dito dahil natutuyo ito sa loob ng katawan. Kapag matigas ang dumi, mas mahirap itong ilabas at nai-irritate din ang balat sa paligid ng puwet.
Mag-exercise
Iwasan ang pag-upo nang matagal dahil nadagdagan ang pressure sa mga ugat sa puwet. Tumayo at maglakad-lakad kung medyo matagal na ang iyong pagkaka-upo.
Mabuti rin ang mag-exercise para mabawasan ang timbang. Tandaan na isang risk factor ang pagiging overweight o obese sa pagkakaroon ng almoranas. Kung mababawasan ang timbang sa tulong ng exercise, mababawasan din ang risk ng sakit.
Iba’t-ibang uri at mga komplikasyon ng almoranas
Kagaya ng nabanggit sa itaas, may dalawang uri ng almoranas: internal at external. Pwede ring ituring na pangatlong uri ng almoranas ang thrombosed hemorrhoids, pero technically ay isa itong komplikasyon ng external hemorrhoid.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSa kabutihang palad, dahil madali lang magamot at mawala ang almoranas, napaka-rare na magkaroon ito ng mga komplikasyon. Ganun pa man, dapat pa ring mag-ingat para maiwasan ang mga sumusunod:
Blood clots
Ang pamumuo ng dugo sa almoranas — ito ang thrombosed hemorrhoid na nabanggit kanina — ay pwedeng magdulot ng matinding pananakit. Depende sa sitwasyon, kailangan i-drain ang blood clot para mabawasan ang sakit na nararamdaman ng pasyente.
Strangulated hemorrhoid
Nangyayari ito sa internal hemorrhoid kapag naputol ang blood supply dito. Pwede itong maging dahilan ng pananakit.
Anemia
Pwedeng magdulot ng blood loss ang mga extreme na kaso ng almoranas, na pwedeng maging dahilan naman ng anemia. Ito ay isang medical condition kung saan nagkukulang ang red blood cells na nagdadala ng oxygen sa buong katawan.
Sources:
Mayo Clinic, Healthline, Harvard Health, Cleveland Clinic, NIH.gov
0 Comments