-
Editor’s note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Ang “rashes” ay isang medical term na tumutukoy sa pagka-irita, pangangati, at minsan ay pagsusugat ng balat.
Kadalasan, nagma-manifest ang rashes bilang mapupulang butlig pero meron ding klase ng rashes na nagdudulot ng pangangaliskis o scaliness ng balat. May mga sitwasyon din na nauuwi sa mga paltos o blisters ang rashes.
Bukod pa rito, pwedeng localized o sa isang bahagi lang ng katawan lumabas ang rashes at pwede rin namang maapektuhan ang iba-iba at mas malaking portion ng balat.
Rashes: Sakit lang ba sa balat?
Maraming bagay ang pwedeng maging sanhi ng rashes, katulad na lang ng mga irritant gaya ng alikabok at mga chemical o kaya ng mga allergens kagaya ng ilang uri ng pagkain.
Pwede kang magkaroon ng rashes at hindi ito related sa sakit sa balat. Halimbawa rito ay ang lupus. Ang meron nito ay nagkakaroon ng hugis butterfly na rashes sa kanyang mukha. Meron ding mga skin infection na nagdudulot ng mga butlig at rashes.
Tandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay lumalabas agad ang rashes pagkatapos ma-expose sa irritant o allergen. Sa kaso ng matinding allergy, halos instant ang pagkakaroon ng rashes. Sa ibang sitwasyon naman, pwedeng abutin ng ilang araw bago magkaroon ng rashes.
Maraming pwedeng treatment para sa rashes. Kung hindi kaagad mawala ang rashes pagkatapos uminom ng antihistamine o maglagay ng cream o ointment, kumonsulta sa doktor o dermatologist para malaman kung ano ang pinaka-effective na treatment. Meron din namang mga kaso na hindi na kailangan ng gamot at kusang nawawala ang pamumula at pangangati.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWIba’t-ibang characteristics at sintomas ng rashes
Kagaya ng nabanggit kanina, ang pinaka-common na itsura rashes ay ‘yung mapupulang butlig sa balat. Minsan naman ay hindi nagkakaroon ng butlig ang taong may rashes, pero namumula at nangangati pa rin ang balat. Meron namang mga rashes na pulang spots o patches ang itsura. Madalas na flat ito o parang sa ilalim ng balat nabubuo.
May rashes din na nagdudulot ng pagka-crack at pangangaliskis ng balat. Pwede itong mauwi sa pagsusugat, lalo na kung numipis na ang balat dahil sa matinding irritation. Sa ibang sitwasyon naman, nagkakaroon ng blisters o paltos ang balat, depende sa kung ano ang nagdulot ng rashes.
Meron ding rashes na nagdudulot ng pangangapal ng balat na para bang magaspang na leather na ang pakiramdam nito kapag hinawakan. Dulot ito ng sobrang pagkamot at trauma sa balat. Kasabay nito, pwede ring magkaroon ng discoloration ang balat dahil sa rashes.
Sintomas na dapat bantayan kung may rashes
Kadalasan, hindi naman life-threatening ang rashes. Ganun pa man, bantayan ang mga sumusunod na sintomas. Kapag nangyari ang mga ito, pumunta sa doktor para malaman ang tunay na kondisyon at magamot ito agad:
- lagnat
- pananakit ng lalamunan
- pananakit ng joints
- pagkakaroon ng nana sa area kung saan may rashes
- sobrang pananakit at pamamaga ng balat sa paligid ng rashes
- kung nakagat ka ng hayop o insekto bago namuo ang rashes
Kung mangyari naman ang mga sintomas sa ibaba, baka meron ka nang medical emergency. Agad na pumunta sa ospital para mabigyan ng tama at agarang treatment:
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos- mabilis na pagkalat ng rashes sa katawan
- hirap sa paghinga
- pakiramdam na parang nagsasara ang lalamunan
- sobrang taas na lagnat
- pamamaga ng mukha, kamay, paa, at mga daliri
- matinding pananakit ng ulo, leeg, o lalamunan
- pagkahilo o pagkalito
- pagsusuka
Mga pwedeng gamot sa rashes
Depende sa sanhi ng rashes, pwedeng hayaan lang ito hanggang mawala. Para naman sa relief ng pangangati, pwedeng gawin ang mga sumusunod:
Paglalagay ng anti-rash cream o ointment
Maraming mga gamot na pwedeng ipahid para mabawasan ang pangangati at pamamaga ng balat. Kasama na rito ang diaper cream para sa mga baby. Meron ding mga over-the-counter cortisone creams na pwedeng magamit. Kung kailangan ng mas matapang na gamot, magpakonsulta muna sa doktor para mabigyan ng tamang reseta.
Paggamit ng antifungal cream
Kung fungal infection ang sanhi ng rashes, magrereseta ang doktor ng antifungal na gamot. Sundan ang instructions ng kahit anong gamot para masigurado ang paggaling.
Cold compress
Para mabawasan ang pangangati ng balat, gumamit ng cold compress. Maganda itong gamitin sa mga bata dahil mas mahirap para sa kanila na hindi kamutin ang kanilang rashes.
Huwag takpan ang bahaging may rashes
Hanggang maaari, huwag takpan ang balat na may rashes para “makahinga” ito. Kapag nakulob at pinawisan ang balat, mas maiirita ito at baka lumala pa ang rashes. Magsuot din ng preskong damit katulad ng mga gawa sa cotton para maiwasan ang pagpapawis.
Pagkatapos maligo, huwag kuskusin ang balat para matuyo
I-pat lang ito para ma-absorb ng towel ang tubig. Kapag kasi kinuskos ang balat na may rashes, baka magkasugat ito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMaghalo ng baking soda sa tubig panligo
Effective daw ito para sa bungang-araw o prickly heat. Sapat na ang 3 hanggang 5 na kutsarang baking soda sa isang timbang maligamgam na tubig.
Gamot sa rashes para sa mga matatanda
Karamihan sa mga tips sa itaas ay pwede ring gawin ng mga matatanda. Bukod dito, pwede ring gawin ang mga sumusunod para mas mabilis mawala ang rashes at mabawasan ang iritasyong dulo nito:
Pag-inom ng antihistamine
Meron ding antihistamine na formulated para sa mga bata. Pero mas magandang kumonsulta muna sa doktor para masiguradong safe ang ipapainom na gamot.
Umiwas sa mga sabon at lotion na may added fragrance
Sa halip, piliin ang mga unscented na variant. Madalas kasing nagdudulot ng irritation ang mga artificial chemicals na ginagamit pampabango.
Panatilihing moisturized ang balat
Kung eczema o iba pang condition na nagdudulot ng dry skin ang sanhi ng rashes, gumamit ng tamang moisturizer. Kagaya ng nabanggit sa itaas, iwasan ang mga produktong may added fragrance para hindi tumaas ang risk ng irritation.
Gumamit ng baby skin care products
Mas gentle ang formulation ng mga sabon, lotion, at body oil na pam-baby kaya mas mababa ang risk na magkaroon ng rashes kapag ito ang ginamit. Pwede ring humanap ng skin care products na para sa sensitive skin.
Magsuot ng maluwag na damit
Iwasang magsuot ng damit na masyadong dikit o hapit sa balat. Pumili din ng telang breathable kagaya ng cotton at ilang uri ng polyester. Meron ding mga athletic clothing na mas nakaka-absorb ng pawis at moisture.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWLabahan muna ang mga bagong biling damit bago isuot
Baka kasi merong mga chemical at iba pang irritants na naiwan sa tela. Sa paglalaba, gumamit ng gentle detergent. Iwasan din ang mga sabon at fabric conditioner na merong matapang na fragrance.
Huwag munang gumamit ng makeup
Merong mga makeup na nagdudulot ng rashes, lalo na kung hindi ka hiyang. Kapag nawala na ang rashes, huwag nang gamitin ang dating make-up at humanap ng brand na hypoallergenic. Meron ding mga mineral makeup na hindi nakakairita sa balat.
Meron ding mga bagay katulad ng oatmeal at aloe vera na pwedeng ilagay sa balat para mabawasan ang pangangati at pamamaga.
Mga sanhi at risk factor ng rashes
Isa sa mga number one causes ng rashes ang allergy. Halimbawa, kung allergic ka sa hipon at nakakain ka nito, pwede kang magkaroon ng rashes at pamamaga ng balat. Meron ding tinatawag na contact dermatitis, kung saan naiirita ang balat kapag nadidikit sa mga bagay katulad ng chemicals, metals, halaman katulad ng poison ivy, at iba pa.
Meron ding mga gamot na nagdudulot ng rashes. Pwedeng dahil ito sa allergic reaction sa gamot, o isang side effect ng gamot kaya mayroong skin irritation. Meron ding medications na nagdudulot ng photosensitivity, na pwedeng magdulot ng rashes kapag na-expose ang balat sa mga UV rays.
Ang iba pang pwedeng sanhi ng rashes ay ang mga sumusunod:
- kagat ng insekto
- eczema
- psoriasis
- impetigo
- iba pang skin diseases
- mga fungi katulad ng ringworm
- scabies na dulot ng mites
- mga viral disease katulad ng chickenpox at measles
- lupus
- scarlet fever
- Kawasaki disease sa mga bata
- acne
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMeron ding mga risk factors ang rashes. Halimbawa, ang mga taong merong autoimmune conditions ay mas mataas ang risk na magkaroon ng rashes at iba pang skin conditions.
Kapag may history ang pamilya ng mga allergy, tumataas din ang chance na magkaroon din ng allergy ang mga susunod na henerasyon. Ganun din, kapag palaging exposed ang isang tao sa mga allergen at irritant, mas nagiging prone sila sa pagkakaroon ng rashes.
Panghuli, mas madalas na magka-rashes ang mga bata dahil mas sensitive pa ang balat nila.
Paano iwasan ang rashes
Ang pinaka-effective na paraan para hindi magkaroon ng rashes ay ang pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot nito. Halimbawa, kung alam mong meron kang allergy sa nickel, umiwas sa mga alahas at iba pang bagay na merong nickel.
Kung sakit ang nagdulot ng rashes, dapat gamutin muna ang sakit para mawala din ang rashes. Kung chronic condition naman ang sanhi, katulad na lang ng eczema, ang pinakamabuting gawin ay sundin ang maintenance tips ng doktor o dermatologist para hindi lumala ang rashes.
Mga komplikasyon ng rashes
Katulad ng nasabi, hindi naman life-threatening ang rashes. Kailangan lang siguraduhin na hindi ito magkakaroon ng mga sugat, na pwedeng maging sanhi ng mga infection.
Kung meron kang underlying condition katulad ng diabetes, hindi magandang umabot sa ganitong stage ang rashes dahil mas mahihirapang gumaling ang mga sugat. Mas mabilis din lumala ang mga infection, na pwede ring kumalat sa ibang bahagi ng katawan.
Kung madalas kang magka-rashes, isa ring complication nito ang pagnipis ng balat. Ang resulta, mas madali itong mairita at magkasugat.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSa kabilang banda, pwede ring kumapal ang balat dahil sa paulit-ulit na pagkamot dulot ng pangangati. Ang tawag dito ay lichenification. Madalas ay nag-iiba ang kulay ng makapal na balat. Minsan ay nagiging mas maitim ang balat, pero meron ding pagkakataon na namumuti naman ito.
Pwede namang mawala ang lichenification; humingi ng payo sa dermatologist kung ano ang pinakamabisang treatment.
Panghuli, pwede ring magkaroon ng peklat at discoloration ang parteng nagkaroon ng rashes. Hindi naman maituturing na serious complications ang mga ito, pero pwedeng makaapekto ito sa self-confidence. Merong namang mga skin treatment na pwedeng makapag-restore sa dating kinis at kulay ng balat. Kumonsulta sa doktor kung ano ang pwedeng gamitin para masigurado ang effectiveness nito.
Sources:
Medline Plus, Medical News Today, Mayo Clinic, American Academy of Dermatology Association, Nemours Kids Health, American College of Allergy, Asthma & Immunology
0 Comments