Galing Ni Mommy! P300 Lang Ang Nakakabilib Na DIY Cardboard Race Car Na Ito

  • Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparentingsubmissions@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.

    Tunay na kahanga-hanga ang mga nanay dahil sa dami ng mga kaya nilang gawin at isakripisyo para sa kanilang mga pamilya. Pero ang isa sa mga pinaka hinahangaan sa kanila ay ang pagiging creative at resourceful nila sa maraming bagay—kabilang na riyan ang paggawa ng mga DIY projects.

    Suki na sa DIY si mommy Modesty Domingo. Pero ngayong taon, mas kinailangan pa niyang maging wais. “My son [recently] celebrated his birthday,” kwento niya sa Smart Parenting sa pamamagitan ng isang email. “Due to the pandemic, I have to be a resourceful mom.”

    “He wanted a race car-themed [party] since he loves cars and driving. As a mom, I have to find a way to give him the best that I can give,” kwento pa niya.

    Dati nang gumagawa ng mga DIY projects si mommy at talaga namang nakakabilib ang mga ito.

    Noon pa man ay gumagawa na si mommy ng mga DIY cardboard creations para sa kanyang anak.
    PHOTO BY Modesty Domingo
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    Kahit ang mga costumes at props, pinagtiya-tiyagaan ni mommy na gawin.
    PHOTO BY Modesty Domingo
    Manghihinayang ka ring kainin ang mga gawa niyang ‘fruit cakes’ dahil sa ganda ng mga ito.
    PHOTO BY Modesty Domingo
    Laging enjoy ang mga anak ni mommy sa mga gawa niya.
    PHOTO BY Modesty Domingo
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ngayong taon, talagang mas hinusayan niya pa para maging mas masaya ang kanyang anak.

    Gumawa siya ng isa Formula 1 race car gamit lamang ang cardboard at mga stickers na kinuha niya online.

    Nasa Php300 ang kabuuan ng kanyang nagastos. Narito ang mga ginamit niya: 

    • Cardboard from the television box (FREE)
    • Glue gun stick Php24 x 5 packs = Php120
    • Paint (Red) Php100
    • Paint Brush Php30
    • Cartolina (Black) Php30
    • Bond paper Php20
    • Printed race car logos from the internet

    “Ang pattern ko po ay inspired sa Formula 1 race car since mahilig po talaga son ko sa mga cars,” sabi niya.

    Inabot siya ng tatlong araw para mabuo ang kanyang DIY Formula 1 race car. “I worked for a combined total of 24 hours,” pagdedetalye niya.

    Sulit naman dahil napakaganda ng nabuo niya at talaga namang masayang-masaya ang kanyang anak. Hindi talaga matatawaran ang mga kayang gawin ni mommy basta para sa pamilya.

    Iisipin mo bang cardboard lang o dating kahon ng refrigerator ang ginamit ni mommy diyan?
    PHOTO BY Modesty Domingo
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    Isang happy na birthday nanaman ang nairaos ni mommy para sa kanyang anak. Kita namang masayang-masaya si baby sa kanyang race car.
    PHOTO BY Modesty Domingo

    Proud ka rin ba sa mga DIY projects mo? I-share ang iyong mga creations sa aming email address na smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments