Couple Advice Mula Kay Mayor Isko Moreno Kung Pressured Sina Nanay At Tatay

  • Napakahirap magtaguyod ng pamilya ngayong may COVID-19 pandemic. Bukod kasi sa limitado ang galaw ng mga tao, marami rin ang nawalan ng trabaho at naging mahirap sa karamihan ang paghahanap ng mapagkakakitaan.

    Nakakaapekto sa pagsasama ng isang mag-asawa ang hirap ng buhay, aminin man ninyo ito sa isa’t-isa o hindi. Sa katunayan, malimit nga itong pinagmumulan ng hindi pagkakaintindihan.

    Sa nakaraang panayam ng mga Summit Media journalists kay Manila Mayor Isko Moreno, sinabi niya na ang kailangan ng mga mag-asawa o mag-partner ngayon ay ibayong pang-unawa sa pinagdadaanan ng isa’t-isa. “Halimbawa, ‘yung tatay na naghaharimunan, pressured ‘yan,” kwento niya.

    “Biruin ninyo ‘yung toxicity level noon? Pagsakay niya ng jeep, natatakot siya kung mahahawa ba siya. Pagdating niya sa trabaho niya, hindi niya alam kung may proteksyon ba. Hindi pa niya alam kung magsu-survive ba ang kumpanya nila.”

    Maraming iniisip ang mga padre de pamilya ngayon, sabi pa ni Mayor Isko. “Then all of a sudden, aawayin ninyo,” pagpapatuloy niya.

    “You need each other,” payo ni Mayor. Sabi pa niya, dapat kasi ay consistent ang mga husbands. Kung noong nanliligaw pa lang ay handang gumawa ng kahit ano, dapat kapag asawa na ay ganoon pa rin.

    “You have to be patient,” dagdag pa niya. “You have to be consistent. Especially nowadays, all you need is each other’s understanding, love, and care.”

    Panoorin ang kabuuan ng panayam dito:

    What other parents are reading
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Post a Comment

0 Comments