Uso Pa Ba Ang Alkansya? Heto Ang Gamit Ng Mga Nanay At Kung Paano Sila Nag-Iipon

  • Sa panahon ngayon, hindi na sapat ang maging masipag. Kailangang maging wais na rin ang mga nanay at tatay para makaipon ng sapat para sa kanilang mga pamilya.

    Kaya naman para matulungan ang mga mapagpursiging mommies at daddies sa aming online community, nagtanong kami sa mga miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village kung anu-ano ang mga ginagamit o ginagawa nilang paraan para makapagtabi.

    Uso pa nga ba ang alkansya? O mas maganda nang sa mga bangko na lang ilagay ang pera? Kung naghahanap kayo ng mabisang paraan para makaipon, narito ang mga tips at techniques ng ibang mga nanay at tatay.

    Anu-anong mga mabisang paraan para makapag-ipon?

    Gumamit ng alkansya

    Kwento ng mga moms and dads sa Village, gumagamit pa rin sila ng mga alkansya lalo na para sa mga barya.

    Maganda rin daw itong paraan para maturuan ang mga maliliit na bata na mag-ipon. Sabi ng isang mommy, gumagamit sila ng mga recycled bottles na siya nilang pinaglalagyan ng tigli-limang piso at iba pang mga sukli. Nakakaipon sila ng hanggang Php10,000 na siya naman nilang inilalagay sa bangko.

    Hindi rin kailangan ng bonggang alkansya sabi ng mga nanay. May ilan sa kanila na gumagamit ng lata ng gatas, galon ng tubig, money organizer, at ang classic na piggy bank.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pagbibida ng mga nanay, nakakaipon sila ng mula sa Php20,000 sa isang buwan at may ilan namang nakakaipon ng hanggang Php115,000 sa isang taon. Sabi pa nila, nakakabili sila ng mga importanteng gamit tulad ng carseat, study table, at marami pang iba.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa mga makeshift alkansya, gumagamit din ang mga nanay ng sobre at ang paborito ng marami, ang envelope method.

    Ayon pa sa isang nanay, ang kagandahan ng pagkakaroon ng alkansya, hindi mo namamalayang nakakaipon ka na. Lagay ka lang nang lagay, magkakaroon ka na ng halagang pwede mong ilagay sa iyong savings account.

    Gumamit ng mga money apps

    May app na ngayon para sa halos lahat ng bagay. Kung techie kayo ni daddy, pwedeng-pwede sa inyo ang mga apps tulad ng GCash.

    Paliwanag ng isang nanay, GSave ang gamit niya na mayroon nang scheduled deductions para sa ipon nila.

    Auto transfer din ang gamit ng isang nanay para hindi nila makaligtaan ni tatay ang paghuhulog sa kanilang savings account.

    Magbukas ng magkakaibang savings accounts

    Payo naman ng isang mommy, hiwa-hiwalay ang mga ipon nila sa magkakaibang savings accounts.

    May account sila para sa ipong nakatalaga sa kanilang dream home, mayroon silang account para sa kanilang mga anak, at mayroon din silang account para sa kanilang pangarap na resthouse.

    Nakahiwalay din ang kanilang account para sa mga pang-araw-araw na pangangailangan.

    Karamihan sa mga magulang sa Village, bagaman may maliit na alkansya sa bahay, ay mas tutok sa mga savings account sa bangko. Maganda raw kasi na maaga pa lang ay maituro na sa mga bata na huwag ma-intimidate sa pagbubukas at pagma-manage ng savings account.

    Ano man ang paraan ninyo ng pag-iipon, ang mahalaga ay nagsisimula kayong magtabi ng halaga linggo-linggo o buwan-buwan—gaano man ito kalaki.

    Kayo, anong mas gusto ninyong paraan ng pag-iipon? I-share ninyo ang inyong technique sa comment section. Pwede rin kayong sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments