-
Welcome to Real Parenting, a space where parents can share the joys, pain, and the mess of parenthood. Want to get something off your chest? Share your parenting journey? Email us at smartparenting2013@gmail.com with the subject “Real Parenting.” Click here to read more ‘Real Parenting’ stories.
Naging emotional si Amy Perez nang mapag-usapan ang pagle-let go ng magulang sa anak na nagde-desisyong bumukod ng tirahan.
“Grabe, tinatanong mo pa lang, naiiyak na ’ko,” sabi ni Amy kay Vice Ganda habang ini-interview nila ang contestant sa “Tawag ng Tanghalan” singing contest sa kanilang noontime program na It’s Showtime.
“Nanginginig na ang boses ko…Noong una talaga, nagulat ako. Kasi siyempre as a mother, gusto mo you can keep all your children na kasama mo sila. Parang ang layo-layo pa sa pag-iisip mo na darating ang araw na magso-solo sila.”
Pag-amin niya, “Oo, never ko ’yun ini-imagine. Gustong-gusto ko ’yung pag sinasabi ng mga anak ko, ‘Mama, I can’t live without you talaga.’ Di ba ang sarap pakinggan kapag naririnig mo ’yun?”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosPero na-realize ni Amy na dumadating talaga ang panahon na humihingi na ng privacy at independence ang anak. Noon daw kasing bata pa ang panganay niyang si Adi, na 24 years old na ngayon, walang kaso kung bigla siyang pumasok sa kuwarto ng anak at magtanong kung kumusta ito.
Nagsimula raw magkaroon ng pagbabago nang tumungtog sa edad 17 ang kanyang anak. Doon daw siya sinabihan ng, “Mama, I think dapat kakatok ka muna,” at saka niya unti-unti napagtanto na, “Oops, teka, ito na ang realization na hindi talaga forever makakasama mo ang mga anak mo.”
Paliwanag ni Amy, na may dalawa pang mas batang mga anak na lalaki rin: “Because at one point, mare-realize mo na parang saranggola sila na kailangan mo silang i-let go at makita mo lang na lumilipad sila. Bilang magulang, masaya ka na.”
Dagdag niya, “Pero ang hirap pala. Drum-drum din ang iniyak ko kay Adi. Kasi no’ng nagpaalam siya sa akin ng ganyan.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPagbabalik-tanaw niya sa mga panahon na iyon: “Sad kasi mami-miss mo ’yung ginagawa n’yo before, di ba? Excited ka as a mom kasi gusto mong makita ’yung itinanim ko ba sa puso at isipan ng anak ko.”
Tinanong niya raw ang kanyang sarili kung husto at epektibo ba ang mga pangaral niya sa kanyang anak.
Ika niya, “Madadala ba n’ya kahit saan s’ya pumunta at mapa-proud ba akong masabi sa sarili ko na ginalingan ko ba bilang nanay kasi natandaan n’ya lahat ng itinuro ko sa kanya, itinanim ko sa kanya?”
Nagbigay pa siya ng mga halimbawa: “Sinasabi ko sa kanya, ‘Adi, pag sasakay ka ng sasakyan, ng taxi, titingin ka sa paligid. Aalamin mo. Pag lumindol, dapat alam mo kung paano maglakad mula sa eskuwela mo pabalik sa bahay.'”
Napabaling si Amy kay Vice at kanilang audience, sabay sabi, “Alam mo ’yung mga simpleng bilin ng nanay? Kasi kahit ano pang sabihin mo, mag-aalala at mag-aalala pala ang magulang.”
Sabi pa niya, “Noong bata ako, hindi ko naiintindihan ’yun. Ngayon, naiintindihan ko na talaga.” Tulad na lang daw kapag dumadalaw siya sa tirahan ng kanyang anak at hindi niya mapigilan ang sarili na maglinis doon.
Lahad niya, habang nakangiti, “Kunwari galit pero gusto ang ginagawa. ‘Ano ba naman ’to, ’nak, nag-solo ka, itong bahay mo, ang dumi-dumi!’ But the nanay or the tatay, kahit sinong magulang, lilinisin ’yun paunti-unti, nire-renovate. Kasi nami-miss namin ’yung dating ginagawa sa mga anak namin.”
0 Comments