-
Isa sa mga pinaka-exciting na nakikita ng mga magulang ay ang pag-abot ng mga anak nila sa mga developmental milestones. Pero sa kabilang banda, pinagmumulan din ito ng stress lalo na kung hindi nakakasunod si baby sa mga milestones at timelines na nakasulat sa mga libro.
Ayon kay Sharon Smile, isang developmental pediatrician sa Holland Bloorview Kids Rehabilitation Hospital sa Toronto, ang mga milestones ang nagsisilbing tanda ng pagiging independent ng anak mo. Ang mga ‘goalposts’ na ito ay malimit na sunod-sunod.
Sabi naman ng ilang eksperto, bagaman magandang gawing gabay ang mga milestones, hindi dapat mabahala agad kung hindi sunod sa libro o timelines ang development ng anak mo. Ang mga bata ay patuloy na nagdedevelop at iba-iba ang oras kung kailan sila nagiging handa.
Pero paano mo nga ba malalamang handa na ang anak mo para maturuan ng ilang malalaking milestones? Narito ang sabi ng mga bihasa sa usaping ito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPagpapakain ng solid food
Inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics at ng Canadian Pediatric Society na pakainin ang baby ng mga solid foods kapag six months old na ito.
Sa panahong ito ay handa na ang mga bata physiologically at developmentally. Ibig sabihin, kaya na ng mga katawan nila ang mga bagong pagkain, textures, at paraan ng pagpapakain.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPagtungtong ba ng 6 months ay automatic nang handa si baby? Malimit, oo. Pero may mga developmental signs na pwedeng tignan para malaman kung tunay ngang handa na sila.
Kabilang riyan ang pagkakaroon nila ng kakayahang igalaw ang mga ulo nila mula sa isang panig hanggang sa kabila o side to side. Kaya na rin nilang iangat at suportahan ang mga ulo nila nang hindi tinutulungan.
Dapat ay may kakayahan na rin silang umupo mag-isa nang hindi inaalalayan. Bukod pa riyan, makikita mong ibinubukas nila ang kanilang mga bibig kapag binibigyan ng pagkain at kaya na rin nilang umabot ng pagkain at ilagay ito sa kanilang mga bibig.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWKung itinutulak pa ng anak mo palabas sa kanyang bibig sa pamamagitan ng dila ang pagkaing isinusubo mo sa kaniya, hindi pa siya handang kumain ng solid food.
Potty training
Malimit itanong ng mga magulang kung kailan ba dapat simulan ang potty training. May mga mommies tulad ng celebrity mom na si Iya Villania ang maagang nagsimula ng potty training. May ilan naman na nag-aantay hanggang maging mas matanda si baby.
Payo ng mga eksperto, pwede kang magsimula kapag isang taon mahigit na ang anak mo. Isang magandang indikasyon ay kapag napapanatili ni baby na tuyo ang diaper niya hanggang dalawang oras.
Magandang senyales din kung nasasabi na niya sa iyo na kailangan niyang gumamit ng banyo. Tanda rin na handa na sila kung inaalis na nila ang diaper nila kapag narumihan ito. Ibig sabihin, alam na nila ang marumi at malinis.
Pagkakaroon ng sarili niyang kama
Kailan mo nga ba dapat ilipat ang anak mo mula sa crib papunta sa toddler bed. Sagot ng mga eksperto, malimit ay sa edad na tatlo pataas.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMagandang indikasyon ay kung paulit-ulit na siyang umaalis sa kanyang crib at lumilipat sa mas malaking lugar. Kung nakikita mo ring masikip na ang kanyang crib para sa kanya at hindi na siya makagalaw ng maayos, pwede mo na siyang ilipat sa toddler bed.
Pwede mo ring kausapin ang anak mo at isama siya sa pagpili ng unan at beddings. Makikita mong pwede na siyang ilipat kapag masaya siyang nakikipili sa mga gagamitin niya.
Asahan mong magpapalipat-lipat pa rin ang anak mo sa kama niya at sa kama mo, pero kusa rin siyang titigil.
Bukod sa tatlong milestones na ito, madalas ding itanong ng mga magulang kung kailan ba okay lang na itigil ang nap time ni baby.
Payo ng mga eksperto, malimit na hindi na nagna-nap ang mga bata pagtungtong nila ng edad 2 hanggang 4. Kahit pagurin mo ang bata sa ganitong edad, mataas ang posibilidad na hindi ito mag-nap.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWTanda ito na pwede mo nang itigil ang afternoon nap ni baby at palitan ng tinatawag na quiet time.
Sabi pa ng mga eksperto, hindi mo dapat pwersahin ang anak mo na maabot o matutunan ang mga developmental milestones na ito batay sa edad na pinaniniwalaan mong tama.
Mas lalong hindi mo sila dapat pwersahin sa kanilang mga milestones base sa mga ginagawa ng mga kaedad nila. Importante na tignan mo ang kanilang developmental readiness.
Stressed ka ba sa developmental milestones ng mga anak mo? Kumonsulta ka sa isang developmental pediatrician kung hindi mapanatag ang iyong anak tungkol sa progress ng anak mo.
0 Comments