Nalampasan Ni Miriam Quiambao Ang Subchorionic Hemorrhage Sa Pagbubuntis Niya Ngayon

  • Pinlano man ni Miriam Quiambao at kanyang asawang si Ardy Roberto ang ikalawa niyang pagbubuntis, nasorpresa pa rin daw sila nang magkatotoo ito. Gusto na raw talaga nilang sundan ang mga anak nilang sina Joshua, 13, at Elijah, 2.

    “Gusto namin mayroon din kaming baby girl,” sabi ni Miriam nang makapanayam siya ng SmartParenting.com.ph. “Nagpe-pray nga kami, ‘Lord, sana masundan na si Elijah, at saka sana, girl naman.’

    “Pero boy binigay ni Lord, pero blessing pa rin naman. After nito, ipagpe-pray namin na sana meron pang pangatlo, pangatlong miracle naman.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Nagkuwento pa ang beauty queen-turned-actress/TV host at ngayon ay inspirational speaker/author tungkol sa kanyang pagbubuntis: “During that time, no’ng mabuntis ako, bandang first week of November [2020] yata ako nabuntis, ’yon ang time na nagpapa-pray na kami sa mga ninong at ninang namin.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Surprise siya in a sense na wala masyadong workups na ginawa para mabuntis, compared kay Elijah. No’ng nagpa-plano na kami sa kanya, meron akong hormonal therapy, may mga injections ako, nag-attempt pa kaming mag-IVF [in vitro fertlization].

    “No’ng around the time na nag-conceive ako kay Elijah, ’yon ’yong may time na may schedule na kami para sa extraction ng egg sa IVF. Pero hindi natuloy kasi ’yong week na ’yon, do’n ako nabuntis.”

    Ngayon daw, pinaplano pa lang nilang magpakonsulta sa kanyang doktor para masimulan ang workups ay nabuntis na siya. Kaya nagulat siya na sa edad niyang 45, naging mas madali at mabilis ang mga pangyayari.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sa kanyang first trimester, hindi nakaramdam si Miriam ng mga senyales tulad ng pagduduwal o morning sickness. Pero nakaranas siya ng subchorionic hemorrhage na, aniya, may dalang panganib na threatened abortion.

    Pagbabalik-tanaw niya, “Mula no’ng first time kung magpa-ultrasound to confirm kung buntis nga po ako, nakita na po nila na merong hemorrhage. Kaya required akong mag-bed rest ng isang buwan.

    “After 1 month, thankfully, by God’s grace, na-resolve ang hemorrhage na ’yun, kaya hindi na po in-extend ang aking bed rest.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Naging maayos na raw ang kalagayan nila ni baby hanggang ngayon sa kanilang ika-anim na buwan. Sa katunayan, mas malaki at mabigat ang sanggol sa kanyang sinapupunan kumpara kay Elijah noon. Nagkaroon naman siya ng antiphospholipid antibody syndrome (APAS) at lubhang maliit si Elijah nang kanyang ipinagbubuntis.

    Lahad pa ni Miriam sa dinadala niyang baby, “Feeling ko nga, ang size ko ngayon na 6 months, ito na ang size ko no’ng nanganak ako kay Elijah. Akala ng mga kapitbahay ko, buntis ako sa twins. Ang laki at saka ang bigat.”

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments