-
Ang sabi ng mga kalalakihan, mahirap daw maintindihan at umintindi ang mga kababaihan. Pabago-bago raw ng isip at mood, lalo na kung may dalaw at kapag buntis. Kaya marami ang nagtatanong kung paano lambingin ang babae.
Mga paraan para lambingin ang babae
May mga sagot at payo ang mga mommy sa Smart Parenting Village online community. Halos magkakapareho ang kanilang pananaw at nagkakatugma ang kanilang suhestiyon.
Ipakita at ipadama ang appreciation
Ang pagiging appreciative, ayon sa isang mommy sa Smart Parenting Village, ay sapat na para malambing ang babae ng kanyang asawa o partner. Paliwanag niya, “Parang gaganahan ka lalo pag lagi nagti-thank you si hubby kahit na obligasyon mo naman ginagawa mo.”
Nagbigay ang isa pang mommy ng suhestiyon kung paano mai-express ang appreciation: “‘Yung walang tanong na parang laging kinukwestyun ‘yung ginagawa, but instead, give praise or support.
“‘Yung hindi mo pinaglilihiman kasi feeling mo hindi mo naman makukuha ‘yung yes n’ya kaya ginagawa mo na lang ng patago. ‘Yung hindi mo siya kino-compare sa iba… kahit alam mong hindi talaga s’ya kasing galing, kasing bait, kasing sipag, kasing sinop ng ibang kakilala mo.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSang-ayon ang isa pang mommy sa simpleng appreciation. Aniya, “Minsan di naman kailangan ‘yung mga gifts o cash. Ang mahalaga ma-appreciate ng isang asawa/boyfriend ang asawa/gf niya.”
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosNagbigay siya ng mga halimbawa: “Words of affirmation, purihin sa simpleng pananalita, ‘Ganda mo ngayon.’ Mag-heart-to-heart talk din.”
Tumulong sa gawaing bahay
Pag-amin ng isang mommy sa online community kung paano siya nalalambing ng kanyang asawa: “Kapag sinabi ni Daddy na ‘Mommy, akyat ka na do’n, ako na bahala sa mga mahal natin.'”
Sabi pa ng kapwa miyembro kung paano lambingin ang babae ng katuwang sa buhay, “Bigyan ng oras makapagpahinga at siya na sa lahat ng gawaing bahay.”
Saad ng isa pang mommy tungkol sa kanyang honey, “Basta pag sinabi ni H na, ‘Ako na magluluto,’ kinikilig na ako.”
Sumang-ayon naman ang kapwa nanay, “For me, bentang-benta sa ‘kin ‘yung siya gagawa ng mga gawaing bahay.” Lalo na raw kung aakuin ang pag-aalaga sa kanilang anak at silang mag-ama ang maglalaro.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWHuwag istorbohin ang “Me” time
Sabi nga ni mommy sa online community kung paano siya lambingin: “Giving me ‘Me’ time” kahit 5 minutes na diretso lang masaya na, hehe!”
Para sa isa pang mommy, nalalambing daw siya kapag hinahayaan siyang magpahinga. Pati na raw “makaligo man lang nang maayos ang gerlash at makapagpaganda nang maging good mood siya, ganern lang.”
Daanin sa “small gestures”
Nagbigay ang isang mommy ng ilang halimbawa: “Simpleng back hug lang, okay na. Make her laugh out loud sabay kiliti!”
May iba pang suhestiyon kung paano lambingin ang babae: “Kapag ginagawa niya ang mga bagay na alam niyang makakapagpasaya sa ‘yo. Like ‘yung bibigyan ka ng time na magpahinga at mag-relaks, ipagluluto ka ng paborito mong pagkain, bibigyan ka ng pang-shopping (char, hahaha!), at siyempre, mahigpit na yakap at halik.”
Dagdag pa ng isang mommy na puwedeng gawin ng asawa o partner: “Spending time with her (in my case, I love watching movies with hubby siyempre with food), giving her your full attention, and listening to her.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMinsan daw gusto lang ng babae na may makikinig sa kanyang kuwento, gaya ng mga sinusundan niyang K-drama o di kaya work frustrations. Sapat na raw na may kasalo ang babae sa kanyang pagtawa o di kaya pag-iyak.
Mainam din daw na magsulat ng love letter, kahit hindi na uso iyong handwritten, basta maipahayag ang pagmamahal. Puwede rin daw ang simpleng hamburger o paboritong snacks.
Masarap din daw sa tenga at puso ang makarinig ng “I love you” sa hindi inaasahang pagkakataon, o di kaya “Sorry” kung may hindi pagkakaunawaan.
Alamin ang love language ni misis
Inilista ni Dr. Gary Chapman, isang pastor at marriage counselor, sa kanyang sikat na librong 5 Love Languages ang mga angkop na paraan para makapagbigay at makatanggap ng pagmamahal. Ang mga ito ay:
- Words of Affirmation
- Acts of Service
- Receiving Gifts
- Quality Time
- Physical Touch
Sabi ng ilang mommy sa online community, malaking tulong na alamin ang love language nang malaman kung paano lambingin ang babae.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWPaalala ng isa sa kanila: “Di mo malalaman kung ano kung di mo kinikilala ang asawa mo. Observe her like the game na gusto mong matutunan. Know her like the gadget that you want to buy. Be interested in her.”
0 Comments