Julia Barretto, Dennis Padilla Masinsinang Pinag-usapan Ang Dating Hinanakit Sa Isa’t-Isa

  • Nagtapatan ang mag-amang Dennis Padilla, 59, at Julia Barretto, 24, tungkol sa mga hinanakit nila sa isa’t isa upang tuluyang maghilom ang sugat ng pagkakaroon nila ng broken family.

    Sa vlog ni Julia nitong Sabado ng gabi, May 1, nagkaroon ng pagkakataon si Dennis na sabihin sa anak na biggest frustration niya noon na sarado ang komunikasyon niya kay Julia.

    Lilipas daw ang tatlo o apat na araw na walang nagre-reply sa tuwing nagpapadala siya ng text message sa anak.

    Si Julia ay anak ng dating mag-asawang sina Dennis at Marjorie Barretto. Ang dalawa pang anak nina Dennis at Marjorie ay sina Claudia at Leon.

    Dennis on Julia’s change of name petition

    Sa puntong ito naungkat ni Dennis na lubha siyang nasaktan noong panahong nais ipatanggal ni Julia ang apelyidong Baldivia.

    Taong 2014 nang magsumite si Julia ng petisyon sa korte na palitan ang kanyang apelyidong Baldivia at gawin itong Barretto.

    Baldivia ang tunay na apelyido ng ama ni Julia na si Dennis.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Nais daw ni Dennis na direktang makausap si Julia para kausapin ito tungkol sa isyu, pero wala raw sumasagot sa makailang-beses niyang padala ng text messages.

    Kalmadong lahad ni Dennis: “Actually, ang babalikan ko dun, Julia, ganito iyan… Remember yung issue na tinatanggal niyo yung family name ko?

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Di ba, you went to court that you want to take off my family name? That was a dagger.

    “Hindi lang dahil sa pangalan yun, ha? It’s not the pangalan itself, that’s my blood. Kaya masakit yun.

    “Kasi kumbaga, ano pa ba gusto niyo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, e. You are already well known as a Barretto. Bakit mo tatanggalin yung apelyido ko?”

    Dennis on his two marriages

    Ipinaliwanag ni Julia na ang pinag-ugatan kaya nais niyang magpalit ng apelyido ay dahil naging “illegitimate children” daw sila ng kanyang mga kapatid nang mapawalang-bisa ang kasal ni Dennis sa ina nilang si Marjorie Barretto.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ito ay sa kadahilanang kasal si Dennis sa unang asawa na si Monina Gatus bago pa ikinasal sina Dennis at Marjorie noong 1997.

    Ipinaliwanag ni Dennis na hindi raw valid ang wedding ceremony nila ni Monina dahil “nahuli” ang nagkasal na Christian pastor sa kanila na “illegitimate” ang pagiging wedding minister nito.

    Ayon kay Dennis, alam daw ni Marjorie ang tungkol sa kanyang previous marriage bago sila ikinasal.

    Napag-alaman din daw noon ni Dennis na hindi narehistro ang unang kasal niya dahil nakakuha siya ng Certificate of No Marriage (CENOMAR) mula sa National Statistics Office noong magpapakasal sila ni Marjorie.

    Hanggang sa naghiwalay raw sila ni Marjorie noong Good Friday ng April 2007 ay lehitimo ang church wedding ng mag-asawa.

    Noong panahong iyon ay papatapos na ang third term ni Dennis bilang konsehal sa Caloocan City, at si Marjorie naman ang tumatakbo bilang konsehal para sa May 2007 elections.

    Hiwalay na raw si Dennis kay Marjorie nang pirmahan niya ang dokumento para ma-recognize ang anak niya kay Monina na si Dianne.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Balik-tanaw ni Dennis: “E, ang dami kong pinipirmahang mga papel, including the council resolution at iba pang dokumento. There’s a paper that I signed that Dianne is my daughter.

    “Ipinasok nila sa NSO yun. Pagpasok sa NSO, dun pa lang ako nagkaroon ng dalawang paper. The one with your mom, and ten years after, dun pa lang pumasok yun [kay Monina].

    “You know, Julia, I was thinking nga, kung ipinaglaban ko yun, my marriage with your mom would become legal. That was the legal marriage.”

    Julia: ‘Everybody was coming from a painful place’

    Balik sa change of name petition noon ni Julia, sinabi ni Julia kay Dennis na kaya hindi siya sumasagot noon sa mga text messages ng ama ay dahil sa mga aksiyon nitong nakakasakit daw sa kanya bilang anak.

    Malumanay na katuwiran ni Julia: “I think, at the time, well, you made kuwento naman the story about your marriage with mom being null and void, because you didn’t know anymore what you were signing.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “But Pa, also you said, na parang you would try to message… I think yung panahon na yun, na you would try to message and then wala ka na maririnig na response, I think it’s because yung history ng mga misunderstandings natin is magte-text ka lang pag may nasaktan ka na.

    “Pag magti-text ka, nasaktan na ako, e. Nagawa na yung action. Nabigyan na ng action yung mga bagay bago pa nakapag-usap nang maayos.

    “I think everybody was coming from a painful place.”

    Nakuha naman ni Dennis na tila ang sinasabi ni Julia na aksiyong ginawa niya ay ang paglalabas niya ng sama loob sa media tungkol sa isyu nilang mag-ama.

     Paliwanag ni Dennis, “Alam mo, Julia, bago ako nagpa-interview dati yung sa apelyido, kaya ako nagpa-interview kasi walang gustong makipag-usap sa akin.

    “Number one, I tried calling you. I want to ask, ‘Is it true that you are removing my family name?’ Ilang text yun. Marami yun.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Nung di ako makapasok sa inyo, anak, I even texted the secretary of Mr. M, ‘Totoo ba na tinatanggal nila yung apelyido ko?’

    “Ang sinagot sa akin ng office, ‘Ayaw namin makialam diyan, Dennis, kasi personal na iyan.'”

    Si Mr. M, o Johnny Manahan, ang dating chairman emeritus ng ABS-CBN talent management arm na Star Magic.

    Si Julia ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Star Magic bago siya lumipat ng Viva Artists Agency noong September 2020. Si Dennis ay isa ring Viva artist.

    Malumanay na pagpapatuloy ni Dennis, “So, sa madaling salita, I was frustrated no one wants to talk about it. Walang gusto kumausap sa akin, ‘Oo, Papa, pinapatanggal namin apelyido mo.’

    “‘Tsaka, hindi ko maintindihan bakit kailangan ipatanggal, e, Baldivia ka naman talaga dahil ako ang tatay mo. Hindi ko alam kung bakit kailangan ipatanggal.

    “Makakabawas ba ito sa pagkatao mo? No. Makakabawas ba ito sa popularity mo? No.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Julia tells dad about her past hurts

    Dito na sinabi ni Julia na malalim ang sugat na naidulot sa kanya ng paraan ni Dennis ng pakikipag-usap sa kanya noon.

    May mga hindi raw magandang salita ang ama na nakasakit sa kanya bilang anak.

    Pagtatapat ni Julia kay Dennis: “But then again, Pa, just to repeat myself, when you signed those papers to make your marriage with mom null and void, ultimately, that made us your illegitimate children. So we were trying to correct your mistake.

    “But, I think one of your frustrations is you think you didn’t get the communication that you wanted…

    “I think one of the things that you are missing here, there are so many moments before…

    “You always question why you feel like nobody’s responding to you. You always feel, like, ‘I’m not hearing from everyone’ not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before trying to talk to us.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Because at that point, we were already too pained. We were already too scared of you.

    “Pa, I wish that you would also acknowledge the fact that, ‘Okay, maybe I have done something to scare my kids off.'”

    Malaking hadlang daw sa relasyon nilang mag-ama noon ang kawalan ng maayos na komunikasyon.

    Paliwanag pa rin ni Julia: “Before, when we would speak on the phone—you know this, Pa—you wouldn’t have the best tone and the best choice of words.

    “If I’m being honest—I’m gonna talk for myself, not for my other siblings—of course, that scarred me. That traumatized me. Of course, that scared me.

    “But you see, Pa, even despite all those painful words and actions, I still fought hard to keep a certain relationship with you.

    “I didn’t ever give up on our relationship. I was never, ‘Okay, he hurt me. He traumatized me. I’m never gonna try with my relationship with him again.’

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Because if I had given up, we wouldn’t be talking right now.”

    Pero hindi raw tuluyang sinukuan ni Julia ang ama sa kabila ng hinanakit niya rito noon.

    Kalmado pero direktang patuloy ni Julia, “But I kept trying and that was painful for me.

    “I was fighting so hard for our relationship despite all the words thrown at me by my own dad.

    “I understand your frustration nobody was talking to you. But you have to look at why aren’t we talking to you, why are we so scared to talk to you.

    “You have to understand there was so much pain, there was so much fear.”

    Journey to forgiveness

    Malalim man ang sugat ng pagiging broken family nila, sinabi ni Julia na nagkapatawaran na silang mag-ama.

    Sabi ni Julia: “I mean, all is well and forgiven now. I’m so glad that you have a good relationship with me, Clau, and Leon, and with all of your kids now.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “I’m so proud of you. Because I saw the change after your journey with COVID and I appreciate all of our conversations now.

    “Everybody’s so much humble, forgiving, understanding. I’m really proud of you. I want you to know that.

    “I’m really proud of you because I saw the change of heart.”

    Sinabi kasi ni Dennis na nang dapuan siya ng COVID-19 at pneumonia noong Marso 2021 ay may puntong akala nito ay katapusan na niya at nag-flashback sa kanya lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay.

    Napagtanto raw ni Dennis na isa sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ni Marjorie ay ang mga sakit na dinaanan nito dahil sa kanyang ugali na pagiging mainitin ang ulo.

    “Actually, I’m the one to be blamed. Walang kasalanan nanay mo. Kasalanan ko yun,” ani Dennis.

    Ayon kay Julia, malaking bagay na inako ni Dennis hindi lang ang pagkukulang nito sa mga anak, kundi pati na rin kay Marjorie noong mag-asawa pa sila.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni Julia: “Because I feel like you’re in a really good place now, your heart and your mind is in a good place after your journey.

    “Because you’re a so much better person now, and I can see it. And I’m happy that you reached this point, honestly.”

    Matamang pinakinggan ni Dennis ang paglalahad ni Julia, at hindi napigilang mapaluha dahil sa sinserong heart-to-heart talk nila ngayon.

    Umaasa naman si Dennis na makabawi siya sa mga anak ngayon.

    Sabi niya: “I got a lot of prayers when I was critical in the hospital.

    “You know, one of my friends was telling me that, ‘Dennis, ang daming nagdadasal sa iyo, sobra. You know the most powerful prayers na bumuhay sa iyo are the prayers your children did. Sa dami ng anak mo, lahat yun nagdasal.’

    “Yun lang pinagpapasalamat ko, na nabuhay muli ako.

    “Sana mabigyan ako ng chance na makabawi pa sa inyo.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ang isinalaysay ni Dennis kay Julia ay tugma sa ikinuwento ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 2020, na pakiramdam niya ay may “wall” sa pagitan nila ni Julia sa tuwing susubukan niyang magkaroon sila ng heart-to-heart talk.

    Sinabi rin noon ni Dennis na huling pagkakataong nag-heart-to-heart talk sila ni Julia ay noon pang nagkaisyu tungkol sa petisyon ni Julia na palitan ang apelyido nito.

    Nabanggit noon ng PEP.ph kay Dennis na posibleng may pinanggagalingang sugat si Julia dahil sa pagiging broken family nila.

    Sabi naman noon ni Dennis, “Korek, merong pinagdadaanan.”

    At ngayon, sa pamamagitan ng vlog ng mag-ama, ay natupad ang ninanais noon ni Dennis na magkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ni Julia.

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

Post a Comment

0 Comments