Dumadami Ang Mga Nearsighted Na Bata At Ito Ang Mga Dahilan: Study

  • Ngayong COVID-19 pandemic, dumadami ang mga batang lumalabo ang paningin at hirap makakita sa malayuan. Nearsightedness o myopia ang tawag sa ganyang kondisyon ng mata.

    Ito ay ayon sa pag-aaral ng mga researcher ng Emory University at University of Michigan sa United States, pati na ng Tianjin Medical University Eye Hospital sa China.

    Nilahukan ito ng 123,535 na mga batang estudyante pagkatapos nilang mapirmi sa bahay ng limang buwan, mula January hanggang June ng 2020.

    Kaya binigyan ng titulong “2020 as the Year of Quarantine Myopia” nang mailathala ito sa JAMA Ophthalmology nitong January 14, 2021 at tinalakay kamakailan ng kolumistang si Jane Brody sa New York Times.

    Bagamat may kinalaman ang genetics sa pagiging nearsighted ng bata, malaki rin ang papel na ginagampanan ng environmental factors kaya dumadami silang lumalabo ang paningin.

    Kulang sa pagpapa-araw ang mga bata

    Ang pangunahing dahilan, ayon sa mga eksperto, ay ang pabawas na pabawas na light exposure sa mga bata. Napatunayan ito nang ilang buwan na hindi nakalabas ng bahay ang  mga bata.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag ni Dr. Neil M. Bressler, isang ophthalmologist sa Johns Hopkins Medical Institutions, malaki ang impluwensiya ng mataas na intensity mula sa outdoor light sa hugis ng mata. Iyan naman daw ang nakakaapekto sa kung paano makakita nang malinaw.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Babad ang mga bata sa screen

    Bago pa man nangyari ang pandemic, nawiwili na ang mga bata sa gadgets, pero lumala ang pagtutok nila sa screen nang magsimula ang remote learning. Ngayon kasi ginagamit na ang computer o tablet hindi lang sa paglalaro ngunit pati na sa pag-aaral.

    Hindi kaagad napapakonsulta ang mga mata ng bata

    Makakatulong ang maagang diagnosis ng doktor para maagapan ang paglabo ng mga mata ng bata. Bukod sa pagsusuot ng salamin o di kaya contact lens, mayroon na ring laser treatment para magamot ang nearsightedness.

    What other parents are reading

Post a Comment

0 Comments