Sipon (Common Cold)

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang sipon o common cold ay isang uri ng infection na dulot ng napakaraming uri ng virus. Ang pinaka-common sa mga ito ay ang rhinovirus. Naaapektuhan ng sipon ang upper respiratory tract, na binubuo ng ilong at lalamunan.

    Karaniwang sintomas ng sipon ang baradong ilong o kaya naman ay runny nose. Kasama rin sa mga sintomas ang pagbahing, pag-ubo, pananakit ng lalamunan, at pananakit ng ulo. Habang tumatagal, pwedeng maging yellowish o greenish ang nasal discharge pero hindi naman ito senyales ng matinding infection.

    Madalas na mga bata ang naaapektuhan ng sipon, pero lahat ng tao ay pwedeng dapuan ng sakit na ito. Mabuti na lang at kusang nawawala ang sipon sa loob ng pito hanggang sampung araw. Meron ding mga home remedies na pwedeng gawin para mapaginhawa ang pakiramdam ng pasyente habang nagpapagaling sa sipon.

    Kung medyo matindi ang kaso ng sipon, pwede ring makabili ng mga over-the-counter (OTC) na gamot katulad ng mga decongestant, antihistamine, at expectorant. Tandaan lang na hindi talaga pinapagaling ng mga gamot na ito ang sipon, kundi pinapaginhawa lang ang mga sintomas.

    Iba’t-ibang characteristics at sintomas ng sipon

    Dahil naaapektuhan ng cold virus ang ilong at lalamunan, sa mga bahaging ito rin nararamdaman ang karamihan sa mga sintomas ng sipon. Kasama na rito ang mga sumusunod:

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa mga nabanggit sa itaas, pwede ring maramdaman ang mga sumusunod na sintomas kung meron kang sipon:

    • sinat
    • pananakit ng ulo
    • pagtutubig ng mata
    • pangangati at bahagyang pamumula ng mata
    • pamamaga ng lymph nodes o kulani 
    • pananakit ng katawan

    Pwede ring makaramdam ang taong may sipon ng malaise. Ito ay ang hindi maipaliwanag na pakiramdam kapag may sakit; minsan ay dine-describe ito bilang “general feeling of discomfort or illness.”

    Karamihan sa mga taong nagkakaroon ng sipon, bata man o matanda, ay kusang gumagaling, lalo na kung malusog ang kanilang immune system. Sa kasamaang palad, sa mga taong may mahihinang immune system, hika, at iba pang respiratory condition, pwedeng mauwi sa ibang mas malalang sakit ang sipon.

    Kapag naman nakaranas ng mga sumusunod na sintomas kasabay ng sipon, pumunta na agad sa doktor o ospital para ma-diagnose nang tama:

    • mataas na lagnat
    • lagnat na umabot na sa limang araw o higit pa
    • kahirapan sa paghinga
    • pananakit ng dibdib
    • pananakit ng tenga
    • matinding sore throat
    • hindi gumagaling na sintomas sa loob ng sampung araw

    Mga pwedeng gamot sa sipon

    Dahil viral ang sipon, wala pa talagang gamot para sa sakit na ito. Ganun din, dahil sobrang daming virus ang pwedeng magdulot ng sipon, wala pang bakuna para rito. Mabuti na lang, katulad ng nabanggit kanina, kusa namang gumagaling ang sipon.

    Marami ring mga home remedy at iba pang simpleng treatment ang pwedeng gawin para mabawasan ang sintomas at mas mabilis na mawala ang sipon.

    Ilan sa mga halimbawa ng mga pwedeng gamot sa sipon ni baby ang mga sumusunod:

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pag-inom ng maraming tubig at iba pang fluids

    Effective din ang mga sabaw at warm water na may lemon at honey para mabawasan ang congestion. Tandaan lang na hindi advisable para sa mga baby na wala pang 1 year old ang honey dahil sa posibleng contamination at infection.

    Pag-suction sa ilong

    Kapag barado ang ilong ng bata at hindi sila makasinga nang maayos, pwedeng gumamit ng rubber-bulb syringe o aspirator para maalis ang sipon. Huwag kalimutang hugasan mabuti ang aspirator pagkatapos gamitin.

    Nasal drops

    Pwede ring gumamit ng saline nasal drops para mapalabnaw ang sipon ng bata. Pagkatapos, i-suction ang ilong o kaya ay pasingahin sa tissue. Itapon nang maayos ang tissue pagkatapos.

    Paggamit ng humidifier

    Kapag masyadong tuyo ang hangin, pwede nitong magdulot ng mas malalang congestion. Gumamit ng humidifier para magkaroon ng sapat na moisture ang hangin at maibsan ang pagbabara ng ilong.

    Pagpapahinga

    Anuman ang sakit ng isang tao, kailangan niya ng sapat na pahinga para lubusan siyang gumaling. Pagdating sa sipon, malaking tulong ang pagpapahinga para mas mabilis maka-recover ang katawan.

    Maliban sa pag-suction sa ilong, applicable pa rin naman sa mga matatanda ang mga home remedy na nabanggit sa itaas. Bukod pa rito, pwede ring idagdag ang pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin para mabawasan ang pananakit ng lalamunan. Nakakatulong din sa paglaban sa infection ang simpleng salt gargle na ito.

    Malaking tulong din ang salabat sa pagpapaginhawa ng ubong kasabay ng sipon. Nababawasan din nito ang pagkahilo at pati na rin ang nausea.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Pagdating naman sa mga OTC na gamot, pwedeng gamitin ang mga sumusunod:

    Decongestant

    Ginagamit ito para mapaluwag ang baradong ilong. Pwede ring gumamit ng mga decongestant nasal spray, pero dapat ay hindi lalagpas ng 5 araw ang paggamit nito.

    Antihistamine

    Kung merong kasabay na pagbahing ang sipon, pwedeng uminom ng mga antihistamine para mabawasan ang dalas ng pagbahing.

    Cough medicine

    May iba-ibang uri ng gamot sa ubo na pwedeng gamitin para mapaginhawa ang pakiramdam. Antitussives o cough suppresants ang mas magandang gamitin kung masyadong madalas ang pag-ubo ng pasyente. Mas okay namang gamitin ang expectorants para makapag-produce ng mas maraming plema at mapaluwag ang pag-ubo.

    Pain reliever

    Para naman sa mga nilalagnat o nakakaramdam ng pananakit ng katawan habang may sipon, pwedeng uminom ng OTC pain relievers.

    Hindi nire-recommend ng mga health experts na bigyan ng mga ganitong gamot ang mga batang wala pang 5 years old. Dagdag pa rito, siguraduhing sundin ang mga instruction sa pag-inom ng gamot.

    Kausapin din ang inyong doktor bago uminom ng mga OTC na gamot kung pwede ba itong isabay sa iba pang klase ng medications. Huwag din basta-basta iinom ng mga gamot sa sipon kung ikaw ay buntis.

    Panghuli at pinaka-importante sa lahat, huwag uminom ng antibiotics laban sa sipon. Tandaan na ang sipon ay dulot ng mga virus, at ang antibiotic naman ay panlaban sa mga bacteria. Ibig sabihin, walang epekto ang antibiotic sa sipon.

    Bukod pa rito, ang maling paggamit ng mga antibiotic ay pwedeng magdulot ng tinatawag na antibiotic resistance kung saan nagkakaroon ng panlaban ang mga bacteria laban sa mga gamot kaya hindi na tumatalab ang mga ito.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Mga sanhi at risk factor ng sipon

    Katulad ng nabanggit kanina, maraming klase ng virus ang pwedeng magdulot ng sipon. Ang pinaka-common ay ang rhinovirus na nagdudulot ng mahigit 50% ng mga kaso ng sipon. Isa ring trigger ang rhinovirus sa mga sakit katulad ng hika at sinusitis. Ang iba pang mga uri ng virus na pwedeng magdulot ng sipon ay adenovirus, ilang uri ng human coronavirus, mga human parainfluenza virus, at respiratory syncytial virus.

    Kumakalat ang mga cold virus sa hangin kapag may taong may sakit na umubo, bumahing, o nagsalita. Kapag nalanghap mo o pumasok sa bibig mo ang mga virus droplets, pwede kang mahawa ng sipon.

    Pwede ring kumalat ang virus sa pamamagitan ng human contact katulad ng pagkamay o sa pag-she-share ng mga gamit katulad ng kutsara’t tinidor, mga bath towel, at iba. Hindi naman kaagad magkakaroon ng sipon ang isang tao kapag nakahawak siya ang isang bagay na may virus dahil kailangan munang makapasok ng virus sa katawan bago ito ma-develop bilang sakit. Dahil dito, effective ang tamang paghuhugas ng kamay para makaiwas sa sipon.

    Pagdating naman sa risk factors, merong mga taong mas madaling kapitan ng sipon. Kasama na rito ang mga batang wala pang 6 years old, pati na rin ang mga bata at matandang may mahinang immune system. Mas mabilis ring magkaroon ng sipon ang mga taong naninigarilyo.

    Tandaan din na kapag malamig ang panahon, mas mabilis kumalat and cold virus dahil mas nagtatagal sa hangin ang mga virus droplets. Panghuli, mas mataas ang chance mahawa ng sipon kapag mas madalas ang exposure sa matataong lugar katulad ng airport, mga mall, at maging sa opisina.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Paano iwasan ang sipon

    Wala mang gamot o bakuna para sa common cold, madali naman itong iwasan sa pamamagitan ng mga simpleng practical lifestyle tips. Nangunguna na rito ang tamang paghuhugas ng kamay, lalo na bago kumain. Iwasan din ang paghawak sa mukha, dahil sa mata, ilong, at bibig ang daanan ng cold virus papunta sa loob ng katawan.

    Mas okay din kung tissue ang gagamitin sa pagsinga. Siguraduhing itapon ito nang maayos para hindi maka-contaminate. Sa pag-ubo naman, gumamit ng tissue para takpan ang bibig o kaya naman ay sa loob ng siko umubo o bumahing para matakpan ang ilong at bibig nang hindi ginagamit ang kamay.

    Sanayin din ang sarili na mag-disinfect ng cellphone, mga light switch, door knob, remote, at iba pang mga bagay na madalas hawakan. Iwasan din ang pagshe-share ng mga gamit katulad ng baso, kutsara, at tinidor. Kapag meron kang sipon, huwag nang lumabas ng bahay para hindi makahawa.

    Panghuli, mas madaling iwasan ang sipon kung malusog ang pangangatawan. Kumain ng balanced diet at mag-exercise para lumakas ang immune system. Siguraduhin din na nakakakuha ka ng sapat na tulog gabi-gabi. Malaking factor ang pagkapuyat sa pagkakaroon ng sakit, sipon man ito o ibang karamdaman.

    Mga komplikasyon ng sipon

    Katulad ng nabanggit kanina, kusang gumagaling o nawawala ang sipon sa loob ng sampung araw; kung medyo malala ang kaso, pwede itong umabot ng 14 araw. Ganun pa man, basta’t malusog ang immune system ay hindi naman dapat mag-alala sakaling magkaroon ka ng sipon dahil makakayang labanan ng katawan ang virus.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sa kabila nito, pwede pa rin magkaroon ng komplikasyon ang sipon kung hindi ito maagapan o kung madalas na sipunin ang isang tao. Kasama na sa mga komplikasyong ito ang sinusitis, lalo na kung palaging barado ang ilong. Ilan pa sa mga komplikasyon ng sipon ang mga sumusunod:

    Otitis media

    Ito ay isang uri ng impeksyon sa tenga kung saan nakakapasok ang bacteria o virus sa espasyo sa likod ng eardrum. Bukod sa pananakit ng tenga, isa sa sintomas ng otitis media ang pagkakaroon ng lagnat at nasal discharge na kulay yellow o green.

    Bronchitis

    Isang uri ng respiratory disease ang bronchitis, kung saan namamaga ang mucus membranes sa mga baga. Sa kabutihang palad, madaling magamot ang sakit na ito.

    Strep throat

    Ang strep throat ay dulot ng streptococcal bacteria. Mabilis itong makahawa, lalo na kung na-expose ka sa taong may ganitong sakit. Pwede ring makuha ang sakit na ito kung nakahawak ka ng isang infected na bagay at humawak ka sa iyong mukha, ilong, o bibig nang hindi naghuhugas ng kamay.

    Sore throat ang number one symptom ng strep throat, kasabay ng lagnat at pamamaga ng tonsils. Para magamot ang sakit na ito, kailangan uminom ng antibiotics.

    Pneumonia

    Pneumonia o pulmonya—o iyong pamamaga ng mga baga—ang pinakamalalang komplikasyon ng sipon. Pwede itong makamatay, lalo na sa mga vulnerable na tao, gaya ng mga bata, senior citizen, at ‘yung mga may preexisting conditions. Tandaan din na sintomas ng COVID ang pneumonia kaya dapat magpunta kaagad sa ospital kung meron kang mga sintomas ng sakit na ito.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sources:

    Mayo Clinic, Centers for Disease Control and Prevention, Healthline, Cleveland Clinic

    What other parents are reading

Sipon (Common Cold)
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments