9 Na Bagay Na Kailangang Marinig Ng Mga Batang Lalaki Mula Sa Tatay Nila

  • Hindi maikakaila ang mahalagang role na ginagampanan ng mga tatay na tulad mo sa pagpapalaki ng mga batang mababait, responsable, at may respeto sa kapwa.

    Sa katunayan, lumalabas sa mga pag-aaral na may epekto ang mood mo sa development ng mga bata. Sabi rin ng mga eksperto, ang mga batang hindi nabigyan ng sapat na panahon ng kanilang ama ay maaaring lumaki na nambu-bully ng iba.

    Bukod pa sa mga nabanggit, mahalaga rin ang role mo sa pagpapalaki ng mga batang lalaki. Ang pagkakaroon mo kasi ng magandang relasyon sa iyong baby boy ay makakatulong para mahulma ang bata at maging mabuti, magalang, at may respetong adult.

    Kung gusto mong i-improve ang relasyon mo sa iyong anak na lalaki, narito ang 11 bagay na dapat niyang marinig mula sa iyo.

    Mga mahahalagang aral mula kay tatay

    “Nandito ako para sa iyo”

    Kahit sino ay pwedeng maging tatay, pero hindi lahat ay kayang magpakatatay. Habang bata pa ang anak mo, sabihin at iparamdam mo sa kanya na nakikita mo ang mga pangangailangan niya at nariyan ka para sa kanya.

    Bilang tatay, sa iyo dapat matutunan ng anak mo na ang mga mabubuting lalaki ay maaasahan at responsable.

    “Mahalagang magkaroon ng empathy”

    Ikaw ang dapat magpakita sa anak mo ng kahalagahan ng empathy. Ang pagtuturo nito sa mga batang lalaki ay mahalaga para alam nila ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa at pag-iisip sa kapakanan ng iba.

    “Matuto kang tumanggap ng pagkatalo”

    Sabihin mo sa anak mo na mas mahalaga ang magkaroon ng mga bagong kaibigan at matuto ng mga bagong bagay kaysa manalo sa mga kompetisyon. Magandang paraan ito para mawala sa anak mo ang pangangailangang manalo ano man ang mangyari.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Piliin mong mabuti ang mga taong kakaibiganin mo”

    Magandang alam mo kung sino ang mga iniidolo ng anak mo, maging tunay na tao man sila o karakter sa mga paborito niyang palabas. Ito ang magiging daan para maituro mo sa kanya na mahalagang pumili ng mga kaibigang magiging mabuting impluwensiya sa kanya.

    “Okay lang maglaro ng manika”

    Panahon na para baguhin ang pag-iisip na may mga bagay, gamit, laro, o kulay na para lang sa mga batang babae o batang lalaki. Ituro mo sa anak mo na maraming paraan para maging mabuting lalaki at hindi kasama riyan ang pagpili ng mga ‘panlalaking’ bagay.

    “Kumusta ang araw mo”

    Kapag sanay ang anak mo na kinukumusta siya at alam niyang may handang makinig sa kanya, matututo siyang maging open sa pakikipag-usap. Ito ang paraan para malaman niyang hindi kahinaan ang pagbabahagi ng nararamdaman.

    “Choose your battles”

    Luma na ang paniniwalang kapag lalaki ka, dapat marunong kang makipag-away. Mahalagang manggaling sa iyo ang aral na dapat alam ng anak mo kung kailan siya aatras at kung kailan siya lalaban.

    “Pag-usapan natin ang sex, alak, at drugs”

    Kanino pa ba dapat matutunan ito ng mga anak mo kundi sa inyong mga magulang niya. Huwag matakot sa usaping ito. Magandang sa iyo niya ito marinig at matutunan para sigurado kang tama at may basehan ang impormasyong makukuha niya.

    “Magsabi ka ng totoo”

    Bukod sa pagiging open, kailangang maituro mo sa anak mo ang importansya ng pagsasabi ng totoo at pagiging responsable at accountable sa kanyang mga galaw at desisyon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang mga katagang ito ay makakatulong para maihanda mo ang anak mo, hindi lang sa mga hamon ng buhay, kundi pati na rin sa panahong siya naman ang magiging haligi ng tahanan.

    May mga kataga ka pa bang sinasabi sa anak mong lalaki? I-share ang mga iyan sa comment section. Pwede ka ring makipagkwentuhan sa mga kapwa mo tatay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

9 Na Bagay Na Kailangang Marinig Ng Mga Batang Lalaki Mula Sa Tatay Nila
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments