‘Always Choose To Be Kind’ Ang Laging Bilin Ni Mommy Sa Anak Niyang Nakakaranas Ng Bullying

  • May kasabihang ‘Sticks and stones can break bones, but words can shatter the soul.’

    Hindi lang ang pisikal na pananakit ang nag-iiwan ng marka. Malimit, mas malaki pa ang pinsala na nagagawa ng mental at emotional na pang-aabuso.

    Sa panahon ngayon ng Internet at social media, napakadali na lang magbitiw ng mga salita, mabuti man o masama. Madalas pa ay nakakalimutan na ng mga tao na isaalang-alang ang nararamdaman ng taong may-ari ng account na nilalagyan nila ng comment.

    ‘Yan ang siyang naging karanasan ni mommy Madel Salvador. Kamakailan ay nag-trending sa social media ang post niya kung saan idinedetalye niya ang usapan nila ng kanyang anak na si Eros.

    Sa naturang post, ikinwento ni mommy na tinanong siya ng anak niya kung naniniwala ba siya na pangit ito.

    Nag-ugat ito sa isang sagot sa Facebook My Day ni mommy kung saan nilitratuhan niya ang anak niya.

    Kwento ni mommy sa Smart Parenting sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview, nakaugalian na niyang litratuhan ang anak niya tuwing may bagong damit ito.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ipinost niya ang litrato sa kanyang ‘My Day’ na siya namang nireplayan ng isa sa kanyang mga Facebook friends ng “Hi, Kirat.”

    Hindi maganda ang naging dating ng reply kay mommy. Kahit sino nga namang ina ay masasaktan kung may hindi magandang sasabihin tungkol sa anak nila—sinasadya man o hindi.

    At dahil ginagamit din paminsan-minsan ni Eros ang cellphone ni mommy, nakita niya ang usapan ni mommy at ng Facebook friend nito tungkol sa naturang comment.

    “It’s not the first time na na-bully ang anak ko,” sabi ni mommy. “The reason why he got affected by the ‘haha’ reply is because na-bubully at pinagtatawanan na siya sa school.”

    Ito ang larawang i-nupload ni mommy sa Facebook account niya. “Confident pa si Eros dito,” sabi niya.
    PHOTO BY Madel Salvador

    “Buti na lang, very vocal ang anak ko,” sabi ni mommy. “[‘Yung picture niya] na naka-pajama siya, that’s the night of his birthday. May nag-regalo ng pajama sets kaya sinukat niya.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nalaman na lang daw ni mommy na nabasa ni Eros ang comment tungkol sa kanya kinabukasan. “Hindi naman nagbago ang kilos niya kaya wala akong clue na affected siya.”

    “Dahil nag-‘haha’ ang [Facebook friend] ko, naisip [ni Eros] na pangit siya,” pagbabahagi ni mommy.

    “Nagtawa pa siya sa akin,” sabi raw ni Eros kay mommy. “Ibig sabihin, pangit ako.”

    “Burahin mo na lang ang [picture], mommy. Ayusin ko ang mata ko para pogi na ako at wala nang [tatawa] sa akin kapag pinost mo ang picture ko,” sabi pa ng bata.

    Pero mas nadurog ang puso ni mommy nang sabihin ni Eros na: “Sana, mommy, hindi na lang ako kirat para wala nang [nag-cocomment ng pangit sa akin]. Huwag mo na lang akong i-post sa Facebook mo, mommy para hindi ka na mapahiya.”

    Ito ang pangalawang larawan kung saan sinabi ni Eros na ‘aayusin’ niya ang mata niya.
    PHOTO BY Madel Salvador
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Maraming ginagawang hakbang ang mga magulang ni Eros para siguraduhing magiging maayos ang pag-iisip ng bata sa kabila ng bullying na nararanasan nito.

    “We always make him feel loved and accepted,” sabi ni mommy. Noong sinusundo pa ni mommy si Eros sa school, hindi siya pumapalya sa pangungumusta sa araw ng anak niya.

    PHOTO BY Madel Salvador

    “Tinatanong namin siya kung kumusta siya. He is honest and vocal, siguro dahil alam niya that we are always here for him.”

    Kinakausap agad ni mommy ang mga magulang ng mga nam-bubully sa anak niya at nahihinto naman ang bullying.

    “Siguro may effect kay Eros ang ganoong nangyayari,” sabi ni mommy. “Conscious siya if may [mga tumatawa]. ‘Yun ang napansin ko sa kanya.”

    “Sabi ko sa kanya, ang tao, parang cake. Mayroong cake na hindi maganda ang design at hindi rin masarap ang lasa. Mayroong cake na bongga ang design pero hindi masarap. Mayroon namang cake na hindi masyadong perfect pero ang lasa, masarap.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    “Iyon siya. Hindi siya perfect, pero ang importante, mabait siya.”

    PHOTO BY Madel Salvador

    Kahit daw nakakaranas ng bullying ay hindi naisip ni Eros na gumanti, bumawi, o maging unkind.

    “Alam niya ang feeling ng batang na-bubully at napagtatawanan, so dapat huwag niyang hayaan na may maka-feel noon na iba.”

    “Walang taong perfect. Walang mali sa pagiging kirat as long as mabuti kang bata.” Ito raw ang laging sinasabi ni mommy sa anak niya.

    “Basta lagi ko pong reminder sa kanya, always choose to be kind.” Sa mga kapwa naman magulang, ang payo ni mommy, “If we want our children to learn, we should try showing them good examples.”

    “We encourage him to always look at the good and bright side of everything. Kung gaano siya ka-swerte,” sabi ni mommy.

    “Hindi kasi lahat ay mayroong nag-aalaga na parents. Mas mahalaga ‘yung mga hindi material things na nabibigay sa kanya tulad ng time, pag-aalaga, at love ko sa kanya.”

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Mayroon ka bang kwentong tulad ng kay mommy na gusto mong ibahagi? Ipadala sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

‘Always Choose To Be Kind’ Ang Laging Bilin Ni Mommy Sa Anak Niyang Nakakaranas Ng Bullying
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments