-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Dahil maghapong subsob sa trabaho, halimbawa kaharap ang computer at walang tayuan, hindi maiiwasan na sumakit ang katawan at magkaroon ng stiff neck. Hindi kailangang magdusa kung may mga remedyo namang puwedeng gawin.
Ano ang stiff neck?
Stiff neck ang tawag sa panghihina ng muscles sa leeg dahil sa maling posture o di kaya pang-aabuso sa parteng ito ng katawan, ayon sa chiropractor na si Andrew Bang sa Cleveland Clinic.
Nito raw panahon ng COVID-19 pandemic na naging kalakaran na ang work-from-home setup, halos 20% ng populasyon ang nakararanas ng stiff neck. Mula iyan sa datos ng United States Centers for Disease Control and Prevention.
Sabi naman ni Dr. Robert Shmerling, isang associate professor ng medicine, sa Harvard Health Publishing, hindi nalalayo ang stiff neck sa lower back pain na madalas umatake sa mga kalalakihan.
Aniya, “routine muscle strain and sprain” ang dumadale sa leeg dahil sinusuportahan nito ang bigat ng ulo.
Bakit nagkakaroon ng stiff neck?
Ayon naman sa mga eksperto ng United Kingdom National Health Service (NHS), malamang magkaroon ka ng stiff neck kung:
- Mali ang posisyon ng leeg mo habang natutulog
- Hindi tuwid ang iyong likod kapag nakaupo o nakatayo, bad posture ika nga
- Nagkaroon ka ng pinched nerve
- Nagtamo ka ng pinsala mula sa pagkahulog o iba pang aksidente
Mga remedyo na puwedeng gawin para sa stiff neck
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSabi pa ng mga eksperto sa NHS, gumagaling nang kusa ang stiff neck pagkaraan ng ilang linggo. Pero may mga paraan upang makatulong sa mabilis at madali mong paggaling.
Sundin ang stretching exercises
Kung may stiff neck, malamang naninigas din ang mga muscles sa leeg. Kaya sabi ng chiropractor, malaking tulong ang “proper stretching at manipulation.” Ganito raw ang ilang stretching exercises na kayang-kaya mong gawin kahit nakaupo sa desk o sa sasakyan:
- Akyat-baba na ikutin ang mga balikat ng 10 beses
- Hawakan ang ulo at itulak ito palikod sa loob ng 30 seconds
- Ilapit ang tenga sa balikat ng 10 beses, kaliwa’t kanan
- Ipaglapit ang shoulder blades ng 10 beses
Gawin ang hot at cold compress
Sa unang 40 hanggang 72 hours ng pagsakit ng leeg, lapatan ito ng ice pack o di kaya yelong binalot sa tuwalya para sa cold compress treatment. Pagkatapos, hot compress treatment naman.
Kung wala kang heating pad sa bahay, maaari kang maglagay ng mainit na tubig sa garapon at ibalot ito sa tuwalya. Ilapat ito o ang heating pad sa parte ng leeg na masakit.
Sikapin mo lang na huwag makatulog habang nakakatanggap ang iyong leeg ng hot o di kaya cold compress nang hindi naman napinsala ang iyong balat.
Ayusin ang tulugan at pagtulog
Piliin ang firm mattress bilang tulugan. Ibig sabihin, hindi ito sobrang lambot at hindi rin sobrang tigas bagkus nasa gitna lang. Iwasan din ang mataas na unan para sa ulo. Kung maaari nga raw, sabi ng mga eksperto, mababang unan lang kung hindi mo talaga kayang matulog na walang unan sa ulo.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBilin ng chiropractor na iwasan ang pagtulog na nakadapa. Sa ganyang posisyon daw kasi, napipihit ang ulo sa isang side ng ilang oras kaya sumasakit ang leeg. Dagdag pa niya ang posibleng pananakit din ng likuran dahil wala itong suporta.
Mas mainam daw kung matutulog ka na nakalapat ang iyong likod sa kama o di kaya nakatagilid ang posisyon.
Uminom ng over-the-counter pain relievers
Kung hindi mo na raw kayang indain ang kirot, sabi ng mga eksperto, puwede ka naman raw uminom ng over-the-counter pain relivers. Kabilang diyan ang paracetamol o di kaya ibuprofen. Puwede rin daw pahiran ng ibuprofen gel ang nananakit mong leeg.
Itama ang posisyon ng upuan at computer
Makakatulong din sa kondisyon ng iyong leeg kung babaguhin mo ang posisyon ng upuan na ginagamit mo habang nakaharap sa computer o laptop. Dapat daw kasi nasa eye level ang monitor para madali mong makita ito. Hindi iyong kailangan mo pang tumingala o di kaya yumuko.
Kapag hawak mo ang tablet, mainam daw na ipatong ito sa unan, halimbawa, para 45 degrees ang angulo nito. Kung mobile phone naman, hanapan mo ng posisyon na hindi sasakit ang iyong leeg.
Sa sandaling nagpatuloy at lumala pa ang iyong stiff neck, bilin ng mga eksperto na magpatingin ka na sa doktor. Baka raw sintomas na ito ng iba pang mas seryosong kondisyon.
5 Remedyo Na Pwedeng Gawin Kaagad Para Sa Stiff Neck
Source: Progress Pinas
0 Comments