Bukod Sa Buntis, Prone Din Ang Teenagers At Menopausal Women Sa Gum Diseases

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Isa sa mga senyales ng pagbubuntis ang pagkakaroon ng problema hindi lang sa ngipin pero pati sa gilagid. Nariyan ang pamamaga, pagdudugo, at pagkakaroon ng sugat sa gilagid. Madalas ding mangyari iyan sa mga kabataan pagtungtong ng puberty at mga kababaihan na dumadanas ng menopause.

    Sakit at sugat sa gilagid

    Nagkakaroon ng sakit sa gilagid dahil sa bacteria na magtatagpuan sa plaque at  tartar, ayon sa mga eksperto ng Mayo Clinic. Tinatawag na plaque iyong malagkit na kumakapit sa ngipin. Taglay nito ang bacteria, mucus, at tinga mula sa pagkain.

    Kapag daw hindi natanggal ang plaque, tumitigas ito bilang tartar at pinamamahayan ng bacteria. Ang bacteria naman ang nagdudulot ng pamamaga sa gilagid, na kilala sa tawag na gingivitis.

    Magkakaroon din ng pamumula sa gilagid at pagiging sensitibo nito. Kaya kahit hindi madiin ang pagsisipilyo, maaari pa ring dumugo ang gilagid. Kusa raw gumagaling ang gingivitis, sabi pa ng mga eksperto, basta gawing tama ang pagtu-toothbrush at pagfo-floss ng mga ngipin.

    Pero kapag hindi naagapan ang gingivitis, maaaring lumala ang pamamaga at pagdudugo ng gilagid. Tinatawag ang kondisyong ito bilang periodontitis. Nagsisimula nang humina ang gilagid at humihiwalay na ito sa ngipin. Nagkakaroon din daw ng gum pocket, habang tumataas ang panganib ng infection at bone loss. Kaya mahalaga raw na magamot ito ng dentista.

    Kapag napabayaan, tutuloy ito sa advanced periodontis. Lumalalim na ang gum pockets at gumagrabe na ang pagkasira ng buto na pinagdidikitan ng mga ngipin. Hihina at tuluyang uuga ang mga ngipin kung hindi magagamot ang buto na sumusuporta sa kanila.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Bantayan ang ganitong mga sintomas na may seryosong problema sa gilagid:

    • Mabahong hininga
    • May pamumula, pamamaga, at sugat sa gilagid
    • Lumalayo ang gilagid sa ngipin (receding gums)
    • Pananakit ng gilagid kapag ngumunguya
    • Sensitibo at umuugang mga ngipin

    Ibang sanhi ng problema sa gilagid

    Nagbigay ng paliwanag si Dr. Evangeline de Guzman-Calimlim, isang dentista na may klinika sa Marikina City, sa SmartParenting.com.ph. Aniya, “Ang mga kadalasang dahilan ng pagmamaga ng gilagid ay maling pagsisipilyo at paggamit ng floss. Kung minsan ay nagkakaroon din ng singaw dahil sa pagsisipilyo.”

    Sabi pa ni Dr. Calimlim, nagiging sensitibo ang gilagid sa mga ganitong dahilan:

    • Pagkakaroon ng gingivitis, infection, o gum disease
    • Iritasyon sa kagamitan sa ngipin (dental appliance)
    • Hormonal changes sa panahon ng puberty, pregnanc, at menopause

    “May tinatawag tayong hormonal gingivitis,” lahad ng may-ari ng Calimlim Dental Clinic. “Dahil ang menopause ay maaaring magdulot ng dry mouth na nakakapag pataas ng risk na magkaroon ng gum disease.y

    “Ito ay sa kadahilanang kapag dry ang bibig, hindi makagawa ng sapat na laway upang mahugasan at maalis ang oral bacteria at food debris sa loob ng ating bibig. Sa kadahilanang ito, tumataas ang posibilidad na magkaroon ng gingivitis.”

    Sabi din ng mga eksperto, tataas ang tyansa na magkaroon ng gum disease kung:

    • Naninigarilyo o di kaya ngumunguya ng chewing tobacco
    • May sakit na diabetes
    • May iniinom na partikular na gamot
    • Nasa lahi (heredity)

    Pangangalaga sa gilagid

    Para makaiwas sa problema sa gilagid, bilin ni Dr. Calimlim, “Maaalagaan natin ang gums sa pamamagitan ng katamtamang bilis at maingat na pagsipilyo. Kapag mayroong suot na braces, dapat masipilyohan ang pagitan ng mga bracket at maalagaan ito ng mabuti.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Healthy ang gilagid kung ito ay ‘pink and firm,’ at nasa mabuting hugis. Healthy rin ito kapag hindi nagdurugo ang gilagid sa tuwing tayo’y nagsisipilyo. Senyales din ng healthy gums ang hindi pamamaga nito at ang hindi pag-uga ng ngipin.”

    Dagdag ng mga eksperto na malaking tulong ang tamang pagkain, tulad ng mayaman sa calcium, para sa oral health. Isa pang dapat gawin ay ang regular na pagbisita sa dentista kahit walang problema, tulad ng sugat sa gilagid.

    Basahin dito kung paano mawalan ang sakit ng ngipin at dito kung pwede bang magpabunot ng ngipin ang buntis.

    What other parents are reading

Bukod Sa Buntis, Prone Din Ang Teenagers At Menopausal Women Sa Gum Diseases
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments