-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Bagamat mas prone ang mga bata sa nosebleed, hindi nakakaligtas ang adults dito. Wala namang pinipiling edad ang sanhi ng pagdugo ng ilong. Kailangan lang malaman kung paano mapapatigil ito at makaiwas na rin.
Mga sanhi ng pagdugo ng ilong
Malaki ang blood supply sa kaloob-loob ng ilong (nose cavity), maging bata man o adult na, ayon kay Dr. Brandon Hopkins, isang otolaryngologist. Aniya sa artikulo ng Cleveland Clinic, marami sa mga dugo ang dumadaloy sa bandang harapan at ilalim (front bottom) ng nasal septum. Tinatawag din ang parteng ito ng ilong bilang Kiesselbach’s plexus.
Tinatayang 90 percent ng pagdugo ng ilong ay nangyayari sa Kiesselbach’s plexus, na siya namang pinalolooban ng limang arteries. Sa parteng ito rin mayroong mas maraming blood vessels ang mga bata kaysa sa adults, kaya mas prone sila sa nosebleed. Pero maaayos din daw ito sa paglaki ng bata, sabi ni Dr. Hopkins.
Pagkalikot sa ilong
Kapag kinakalikot ang loob ng ilong, sabi pa ng espesyalista sa ear, nose, at throat (ENT), maaaring magdulot ito ng pinsala sa nasal plexus at humantong sa pagdugo.
Pagsinga nang malakas
Tulad ng pagkalikot sa ilong, puwedeng mapinsala ang nasal plexus dahil sa impact mula sa pagsinga.
Pagkakaroon ng minor injury sa ilong
Kung aksidenteng natusok ang loob ng ilong mo, maaaring mapinsala ang nasal plexus at mauwi ito sa pagdudugo.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMainit na panahon
May dahilan kung bakit mas mataas ang insidente ng nosebleed tuwing summer, sabi ni Dr. Hopkins. Nagdudulot daw kasi ang mainit na panahon ng pamamaga ng nasal plexus at pagkairita ng blood vessels.
Pinsala sa kailaliman ng ilong
May mga pagkakataon, kahit bihira, na manggaling ang pagdudugo mula sa blood vessels sa kailaliman ng ilong. Ito ay ayon naman sa mga eksperto ng United Kingdom National Health Service (NSH). Maaari raw mangyari ito kapag nabunggo ang ulo o di kaya sumailalim sa operasyon sa ilong, pati ang paninigas ng arteries at pagkakaroon ng sakit na atherosclerosis.
First aid sa nosebleed
Kung biglang dumugo ang ilong mo, bilin ni Dr. Hopkins na umupo ka at bahagyang yumuko paharap. Iwasan raw ang pagtaas ng ulo para yumuko patalikod. Paliwanag ng mga eksperto, dadaloy ang dugo papunta sa lalamunan at puwedeng masuka ka.
Pagkatapos, gamitin ang hinlalaki (thumb) at hintuturo (index finger) para pisilin ang ilalim na parte ng ilong, iyong malambot na parte. Gawin ito sa loob ng 8 hanggang 10 minuto. Maglagay ka rin ng tissue o di kaya bimpo sa may ilong para mapunasan ang dugo. Puwede ka ring magpatong ng ice pack sa may mabutong parte naman ng ilong para makatulong sa pagpigil na pagdudugo.
Suhestiyon ni Dr. Hopkins na gumamit ng nasal-decongestant spray, na mabibili over-the-counter. Piliin daw iyong may sangkap na oxymetazoline para tumigil ang pagdudugo ng ilong,
Paalala lang niya na gamitin lang ang gamot sa loob ng isa o tatlong araw. Ang matagal na paggamit daw nito ay puwedeng magdulot ng grabeng pagbara sa ilong (rhinitis medicamentosa).
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosKapag hindi bumuti ang iyong pakiramdam, bilin ng mga eksperto na maaaring magpadala ka na sa ospital. Lalo na raw kung may ganitong mga sintomas:
- Tuloy-tuloy na pagdudugo nang higit pa sa 20 minuto
- Malakas ang daloy ng dugo at nawalan ka na ng maraming dugo
- Hirap sa paghinga
- Nakalulon ka ng maraming dugo at nagsusuka na
- Sanhi ng pagdugo ng ilong ang seryosong pinsala mula, halimbawa, sa car crash
Mga paraan upang maiwasan ang pagdugo ng ilong
Makakatulong ang ilang bagay para makaiwas sa nosebleed, gaya ng:
- Pag-iwas sa pagkalikot sa ilong, lalo na kung mahaba ang mga kuko
- Huwag pilitin at itodo ang pagsinga
- Gumamit ng humidifier sa kuwarto
- Magsuot ng head guard kung may gawain na maaaring tamaan ng ilong o di kaya ulo
- Huwag abusuhin ang paggamit ng nasal spray at decongestant nang hindi ito maging sanhi ng pagdugo ng ilong
5 Kadalasang Sanhi Ng Pagdugo Ng Ilong At Paraan Upang Maiwasan Ito
Source: Progress Pinas
0 Comments