Puwede Nang Pumasyal Ang Mga Bata Sa GCQ, MGCQ Areas!

  • Pinapayagan na ang mga bata sa Metro Manila na bumiyahe sa mga lugar na kabilang sa GCQ and MGCQ. Ito ang sabi ng MalacaƱang nitong Friday, October 8, 2021, habang hinahanda na ang COVID-19 vaccination para sa minors.

    Sabi pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga biyahe para sa mga 18 years old pababa mula Metro Manila ay limitado lamang sa point-to-point travel. Depende pa rin ito sa guidelines at health protocols ng Department of Tourism at ng local government unit ng lugar na bibisitahin.

    Nauna nang sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na simula October 15, bibigyan na ng COVID-19 vaccine ang mga batang may edad mula 15 hanggang 17 years old, lalo na iyong may comorbidities.

    Bukod sa mga bata, puwede na ring bumiyahe mula Metro Manila hanggang sa GCQ at MGCQ areas ang mga bakunadong may edad lampas 65 years, may comorbidities, at mga buntis.

    Sinusubukan na rin sa Metro Manila ang bagong COVID-19 alert level system hanggang October 15. Ito ang tinitignan nilang kapalit ng community quarantines na ginagamit simula pa ng pandemic noong nakaraang taon ng 2020.

    This article originally appeared on Reportr.World. Translation was made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading
    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Puwede Nang Pumasyal Ang Mga Bata Sa GCQ, MGCQ Areas!
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments