Paano Pigilan Ang Sarili Para Hindi Madala Sa Galit At Manigaw

  • Sa dami ng intindihin sa bahay at trabaho, hindi malabong minsan ka nang nakadama ng matinding galit. Ika nga nila “tao lang” at may hangganan ang ating mga pasensya.

    Ngunit bago pa man may ibang masaktan sa tuwing nakakaramdam ng galit, maaaring makatulong ang mga payong ito mula kay Angela Santomero, isang creator ng mga educational shows tulad ng Blue’s Clues at Daniel Tiger’s Neighborhood.

    Alalahanin na “kindness pays off”

    Hindi talaga maiiwasan na may mga pagkakataong may nagagawa ang iyong anak na labis mong ikakagalit. Ayon kay Santomero, sa mga ganitong pagkakataon makakatulong umano ang pagsasabuhay ng “radical kindness” o ang paniniwala na may taglay na kabutihan ang bawat tao.

    Sa ganitong paraan, mas humahaba ang iyong pasensya dahil mas nagiging bukas kang intindihin ang pinagdaraanan ng iyong anak.

    “It empowers you to look at your child with empathetic eyes, realizing how hard it is to be little and not in control of almost anything,” ayon kay Santomero.

    Huminto at huminga 

    Tuwing nakakaramdam ng galit, alalahanin mong sabihan ang iyong sarili ng “taympers muna.” Madalas kasing nagiging sarado ang ating mga tenga tuwing nagagalit at naging dahilan ng lalong hindi pagkakaintindihan ng iyong anak.

    Kaya kumbinsihin ang iyong sarili na huminto at huminga bago muling makipag-usap. Sa paghinto, mas nararamdaman ng iyong anak na handa kang makinig sa kaniyang hinaing.

    Dagdag ni Santomero, paraan din ang paghinto upang makapagmuni at matanong ang sarili kung paano maaayos ang sitwasyon imbes na puro puna ang masambit sa anak. Sa ganito ring paraan, natuturuan din ng magulang ang anak sa kahalagahan ng respeto at pagkakaroon ng simpatiya sa kapwa.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Paano Pigilan Ang Sarili Para Hindi Madala Sa Galit At Manigaw
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments