Paano I-Handle Ang Anak Na Dinadaan Sa ‘Fake Crying’ Para Makuha Ang Gusto

  • Ang pag-iyak ang tanging paraan ng baby para maiparating ang gusto niyang sabihin. Pero kung toddler na ang iyong anak at dinadaan pa rin niya ang lahat sa pag-iyak, kahit walang luha, baka kailangang pagtuunan ng pansin kung ano talaga ang gusto niyang sabihin.

    Para sa parenting educator na si Janet Lansbury, hindi ginagamit ng bata ang “fake crying” para manipulahin ang mga magulang. Paliwanag ni Lansbury sa kanyang blog, ginagawa lang ng bata kung ano ang alam niya para sa sitwasyon. Wala pa naman daw kakayanan ang toddler na laruin ang ganoong sistema.

    Paliwanag pa ni Lansbury na ang pagtingin natin sa bata ay mahalagang panimula sa tamang pagbasa sa inaasal nito. Kailangan din daw kasi ng batang maitaguyod ang human-to-human relationships sa kanyang magulang o tagapangalaga sa pamamagitan ng honesty, empathy, at trust.

    Tips kung paano i-handle ang anak

    Kung sa tingin mo umiiyak ang toddler para makuha ang kanyang gusto, may mga payo si Lansbury na puwede mong subukan.

    Siguraduhing nakakapahinga ang bata

    Kapag kulang sa tulog ang bata, hindi talaga siya makakakilos nang tama, kahit makapag-relax man lang para makaidlip sa tanghali. Iyan daw ang nagagawa ng sobrang pagod.

    Mainam daw na may sinusunod ang bata na limitasyon pag dating sa oras ng pagtulog. Makakatulong din daw kung mabibigyan ang bata ng “secure, predictable environment” sa pagtulog. Isa pa ang pagdinig sa “uncomfortable feelings” at pagbibigay laya sa kanyang sabihin ang mga ito para mapag-usap ninyo.

    Gawing normal ang pagsasabi ng nararamdaman ng bata

    Sa palagay ni Lansbury, hindi dapat husgahan ang feelings ng isang tao, kahit toddler pa ito. Ang pinakatamang sagot daw ay ang pagtanggap at pagkilala sa feelings na iyon. Sa ganyang paraan mo maaaring malaman kung bakit siya talaga umiiyak at hindi lang basta makuha ang gusto niya.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Sikaping huwag sumuko at maging matatag

    Kailangan talaga ng pag-unawa at pasensya sa pagpapalaki ng anak. Huwag muna raw magdesisyon na needy, helpless, at kaawa-awa ang bata, bagkus isang taong kayang maglabas ng strong opinion.

    Kaya imbes daw na sabihin ang bata na “kawawa ka naman” kapag umiiyak ito bago ka umalis ng bahay, mas makakabuti raw kung sasabihin na naiintindihan mong ayaw niyang umalis ka. Maging matatag sa pagpapaliwag sa bata at kilalanin ang pagiging matatag din ng bata sa pagtanggap ng sitwasyon.

    Bilin pa ni Lansbury, mainam na tigilan ang pagsasabing “fake crying” ang ginagawa ng anak para makuha ang gusto nito. Mas mainam daw na kilalanin ang anak na may “healthy toddler will.”

    Basahin dito para sa iba pang parenting tips.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Paano I-Handle Ang Anak Na Dinadaan Sa ‘Fake Crying’ Para Makuha Ang Gusto
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments