Mga Maaaring Gawin Upang Maging Mentally Strong Ang Mga Anak

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumonsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Bukod sa physical health ng mga anak, importante rin na tutukan ang mental health ng mga bata. Ito ang paalala ng World Health Organization (WHO) kasabay ng paggunita sa World Mental Health Day ngayong Oktubre.

    Kasama sa mga tinalakay ng WHO ang ilang payo sa mga magulang na nababahalang maaaring nakakaranas ng depression ang kanilang anak. Bagama’t sinabi ng WHO na madalang ang mga kaso ng depression sa mga bata, mainam na malaman ang mga palatandaan nito at mga paraan kung paano sila mapapanatiling mentally strong.

    Mga palatandaan ng emotional problems sa mga bata

    Natural na masayahin ang mga bata kaya ang palagiang pagiging malungkot, iritable, at madalas nilang pag-iyak nila ay maaaring senyales na nagkakaroon sila ng problema sa kanilang mental health.

    Maaari ring mag-manifest sa physical health ng mga bata ang kanilang emotional problems at makaranas ng malimit na pananakit ng ulo at tiyan. Nariyan din ang mga pagkakataong hirap silang humiwalay at kailangang palaging nakadikit sa kanilang mga magulang.

    Bukod sa mga ito, ilan pa sa mga senyales ng emotional problem sa mga bata ang mga sumusunod:

    • Hirap sa paggawa ng mga daily activities
    • Kawalan ng gana sa paglalaro
    • Kawalan ng focus o concentration
    • Kawalan ng interes na makihalubilo sa iba
    • Palaging pagod
    • Pagkakaroon ng pagbabago sa kanilang eating at sleeping habits

    Paano magiging mentally strong ang anak?

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Ang mga pagbabago sa buhay ng bata tulad ng pagpasok sa eskuwela at pagdaan sa puberty ang nakikitang madalas na pinagmumulan ng kanilang stress, ayon sa WHO. Mas nararanasan ang mga pagbabagong ito ngayong panahon ng pandemya dahil sa mas maraming limitasyon sa kung ano ang pwede at hindi pwedeng gawin lalo ng mga bata. Dahil dito, pinapayuhan ang mga magulang na iparamdam sa kanilang mga anak na handa silang makinig sa hinaing at nararamdaman ng mga bata.

    Mahalaga rin na tutukan ng magulang na mayroong regular at sapat na tulog ang kanilang anak. Importante rin na bantayan at siguruhin na nakakakain sila ng wasto sa tamang oras. 

    Sa UK, napag-alaman sa isang pag-aaral na mayroong direktang epekto ang pagkain ng gulay at prutas ng mga bata sa kanilang mental health. Nakatutulong umano ang nutrisyong nakukuha sa pagkain ng gulay at prutas upang lumaking mentally strong ang mga bata.

    “There was a really strong link between eating a nutritious diet, packed with fruit and vegetables, and having better mental wellbeing,” ayon sa UK researchers.

    Ang regular na pagkakaroon din ng physical activity ng mga bata ay mainam hindi lang para sa kanilang physical health kung hindi pati na rin sa kanilang mental health.

    Higit sa lahat, mahalaga ang paglalaan ng oras ng mga magulang upang maka-bonding ang kanilang mga anak. Ang suporta at pagmamahal ng mga magulang at mga malalapit sa buhay ng mga bata ang pinaka-importanteng bagay na maiaambag natin sa kanilang mental health. Ang stigma sa depression at pagtingin dito bilang kahinaan ay walang mabuting maidudulot. Huwag rin mag-atubiling kumonsulta sa doktor upang humingi ng professional help.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Huwag magatubiling humingi o humanap ng professional help kung may nararamdamang anxiety, pangamba, helplessness, o matindinig kalungkutan. Narito ang ilang institutions na may psychiatric services.

    What other parents are reading

Mga Maaaring Gawin Upang Maging Mentally Strong Ang Mga Anak
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments