-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Subok na ang bisa ng maraming halamang gamot para maibsan ang iba-ibang karamdaman. Ang iba nga sa kanila ay ginagawang sangkap sa ilang over-the-counter medicines. Kaya siguraduhin na hindi nawawala ang mga ito sa bahay mo.
Ano ang halamang gamot?
Mga halamang gamot ang tawag sa mga tanim na ginagamit bilang herbal medicine. Kinikilala ang bisa ng mga ito sa maraming bansa tulad ng Pilipinas. Sa katunayan, naipasa noong 1997 ang Traditional and Alternative Medicine Act (TAMA). Nabuo naman mula diyan ang Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC).
Layunin ng PITAHC na palawakin ang paggamit ng traditional at alternative health care sa pamamagitan ng scientific research at product development. Nagtatag din ang Department of Health (DOH) ng Traditional Health Program nang maitaguyod pa ang paggamit ng herbal medicine.
10 halamang gamot na rekomendado ng DOH
Karamihan sa mga halamang gamot sa listahan ay pangkaraniwang nakikita sa bahay, lalo na sa kusina, ang iba naman ay puwedeng itanim o hingin sa hardin ng kapit-bahay.
Akapulko (Cassia alata)
Ginagamit ang akapulko para sa tinea infections, insect bites, ringworms, eczema, scabies at itchiness.
Ampalaya (Momordica charantia)
Mapait man sa panlasa, mabisa naman ang ampalaya laban sa diabetes (diabetes mellitus), hemorrhoids, coughs, burns at scalds, at pati na bilang posibleng anti-cancer treatment.
Bawang (Allium sativum)
Ang paboritong sahog sa lutuin na bawang ay mainam bilang antibacterial, anti-inflammatory, anti-cancer at anti-hypertensive. Isa itong halamang gamot sa sakit sa ngipin. Ayon sa dentista, magdikdik ng isang butil ng bawang, at ipasak ito sa sumasakit na ngipin upang magsilbing pain reliever.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWBayabas (Psidium guajava)
Ang prutas na bayabas ay gamot din bilang antiseptic, anti-inflammatory, anti-spasmodic, antioxidant hepatoprotective, anti-allergy, antimicrobial, anti-plasmodial, anti-cough, antidiabetic, at antigenotoxic sa folkloric medicine.
Lagundi (Vitex negundo)
Tinatawag din ang lagundi bilang “5-leaved chaste tree” at ginagamit kontra sa ubo, sipon, at lagnat. Nagbibigay din ito ng ginhawa sa asthma at pharyngitis, rheumatism, dyspepsia, boils, at diarrhea.
Niyog-niyogan (Quisqualis indica L.)
Isang vine ang niyog-niyogan na tinatawag ding Chinese honeysuckle, at may bisa ito kontra sa intestinal parasites.
Sambong (Blumea balsamifera)
Napatunayang mainam ang sambong laban sa kidney stones, wounds at cuts, rheumatism, anti-diarrhea, anti-spasms, colds, coughs, at hypertension. Isa rin itong mabisang halamang gamot para sa urinary tract infection (UTI). Katulad ng buko, ang sambong ay kilalang diuretic na mabisang pampaihi.
Tsaang Gubat (Ehretia microphylla Lam.)
Ang tsaang gubat ay ginagamit para sa skin allergies, eczema, at scabies. Nakakatulong din ito sa mabilis na paghilom ng mga sugat mula sa panganganak.
Ulasimang Bato o Pansit-Pansitan (Peperomia pellucida)
Mainam na gamot ang ulasimang bato para sa arthritis at gout.
Yerba Buena (Clinopodium douglasii)
Kung tawagin ang yerba buena sa English ay peppermint. Mabisa ito bilang analgesic sa pananakit ng katawan at kasukasuan dulot ng rheumatism at gout. Mabisa rin ito laban sa coughs, colds, at insect bites.
Iba pang halamang gamot
Kahit wala sa listahan ng DOH, may mga herbal medicine na subok na ng marami. Hindi rin dapat mawala ang mga ito sa bahay dahil sa dami ng kaya nilang maibsan na karamdaman.
Luya
Marami hatid na benepisyo ang luya sa katawan. Kabilang diyan ang pagpapatibay ng ngipin at gilagid. Maghiwa lang ng ilang piraso ng luya, nguyain ito hanggang lumabas ang katas at saka ibabad sa masakit na ngipin. Isa rin ang luya na gamot sa sinisikmura herbal. Ilaga ang mga piraso ng luya at inumin ito para kumalma ang tiyan.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosOregano
Hindi nakapagtatakang marami ang nagsasabing mabisa ang oregano gamot sa ubo. Kilala nga ito sa bansag na “wonder herb” dahil sa dami nitong taglay na anti-oxidant properties. Nariyan pati ang rosmarinic acid compound, thymol, at carvacrol na siyang tumutulong panlaban sa ilang uri ng inflammation, bacteria, fungi, at virus.
Sagana rin ang oregano sa flavonoids, triterpenoids, sterols, vitamin C, at vitamin A, kaya may kakayahan itong maibsan ang karamdaman, gaya ng pag-ubo. Katunayan, subok na ng karamihan ang oregano para matugunan ang kanilang problema.
Aloe vera
Ang katas na nakukuha sa aloe vera ay sinasabing mabisang halamang gamot sa napasong balat, sugat, at kagat ng insekto. Madali lang ang paraan para magamit itong panlunas. Kumuha lang ng dalawa hanggang sa tatlong dahon ng aloe vera pagkatapos ay pigain o dikdikin para makuha ang katas nito at ipahid sa naapektuhang balat ang katas aloe vera. Maaari rin itong gamitin na home remedy sa almoranas.
10 Halamang Gamot Na Hindi Dapat Nawawala Sa Bahay
Source: Progress Pinas
0 Comments