-
Nitong September 20, 2021, inaprubahan ni President Rodrigo Duterte ang face-to-face classes sa higit 100 na eskuwelahan sa mga lugar na mababa ang banta ng COVID-19 (basahin dito).
Kasunod niyan, sinabi ng Department of Education (DepEd) na hindi requirement ang COVID-19 vaccine para sa mga teacher na lalahok sa trial run (basahin dito).
Maraming magulang tuloy ang nabahala. Sa Facebook page ng SmartParenting.com.ph, halimbawa, may mga comment na nagpapayahag ng digusto sa desisyon ng gobyerno. Sabi nga ng isa sa kanila, importante ang edukasyon pero mas mahalaga ang buhay.
Face-to-face classes sa U.S.
Sa ibang mga bansa, tulad ng United States, nasimulan na ang face-to-face o in-person classes noong 2020. May mga study na ring nagawa tungkol sa naging resulta ng pagbubukas muli ng mga eskuwelahan kahit patuloy pa rin ang COVID-19 pandemic, ayon sa ulat ng New York Times.
Lumabas sa dalawang study na puwedeng maging “low risk” sa virus ang mga eskuwelahan basta ipapatupad ang ilang precautionary measures. Isa diyan ang tinatawag nilang “layered protection approach,” na may sinusunod na requirements. Kabilang ang pagsusuot ng face mask ng lahat, pag-aayos sa mga desk ayon sa social distancing rules, at random COVID-19 testing sa mga bata.
Pero ginawa ang dalawang study na iyon noong hindi pa natutuklasan ang Delta variant, na sinsabing most contagious kumpara sa orihinal na coronavirus at sa mga naunang strains.
May ikatlo kasing study na nagsabing nagkaroon ng COVID-19 outbreak nitong May 2021 sa isang elementary school sa California state dahil sa teacher na tinamaan ng Delta variant. Hindi bakunado ang teacher, ayon sa ulat ng galing naman sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWMay 19 daw nang unang makaramdam ng sintomas ang teacher, pero nagpatuloy pa rin siyang magturo. May pagkakataon pa nga raw na nagbasa siya sa klase na walang suot na face mask. Pagkaraan ng dalawang araw, at saka siya kumuha ng test. Doon nalaman na positibo siya sa virus.
Napag-alaman sa study na nahawa ng teacher ang halos kalahati sa 24 niyang mga estudyante, lalo na raw iyong mga nakaupo sa unang row ng classroom. Naipasa rin ang virus sa anim na estudyante sa ibang grade.
Ang mga nahawang estudyante naman ay naiuwi ang virus at nahawa nila ang ilang kasama sa bahay, gaya ng magulang at kapatid. Kaya umabot sa 26 ang kabuuang nagkasakit. Higit-kumulang na walo ang mga magulang at kapatid na nahawa, at tatlo sa kanila ang fully vaccinated.
Lahat silang nahawa ng teacher ay tinamaan din ng Delta variant, ayon sa pagsusuri ng health state researchers.
Proteksyon para sa mga bata
May pahayag ang isang eksperto sa ulat kung paano mapo-proteksyunan ang mga batang estudyante. Sabi ni Jennifer Nuzzo, isang epidemiologist sa Johns Hopkins University, ang pinakamahalagang gawin ay siguraduhing bakunado ang mga teacher at school staff.
Sa kasalukuyan, binibigyan lamang ng bakuna ang mga batang 12 years old pataas sa U.S. (Binabalak pa lang ito sa Pilipinas.)
May dagdag na paalala ang isa pang epidemiologist, si Tracy Lam-Hine ng Marin County Health and Human Services. Sa Marin Country, California matatagpuan ang elementary school kung saan nagkaroon ng COVID-19 outbreak.
Sabi ng eksperto, mahalaga na may kooperasyon ang lahat. Diin niya, “We have to make sure both schools and individuals are working together to make sure we are safe. It can’t be just one or the other.”
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos
Nagkaroon Ng COVID-19 Outbreak Sa U.S. Elementary School Dahil Sa Hindi Bakunadong Teacher
Source: Progress Pinas
0 Comments