Ito Ang Dahilan Kung Bakit Kailangan Ng Buntis Ang Tetanus Vaccine

  • Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Madalas mapagsabihan ang mga bata na umiwas sa mga bagay na nakakasugat, lalo na iyong may kalawang, para hindi madale ng tetano. Iyan din ang pinag-iingatan sa buntis, kaya kailangan ng tetanus vaccine.

    Ano ang tetano?

    Isang infection ang tetano, o tetanus, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC). Sanhi ito ng isang uri ng bacteria na kilala bilang Clostridium tetani. Nakakalat ang mga maliliit nitong parte sa kapaligiran, tulad ng lupa, alikabok, at dumi. Nakakapasok sila sa katawan ng tao, halimbawa, kapag nasugatan ng kontaminadong bagay.

    Kapag nakapasok sila sa katawan ng tao, nabubuo ang tetanus bacteria. Kadalasan silang umaatake sa mga puwang sa balat ng tao na sanhi ng:

    • Sugat na kontaminado ng dumi at laway
    • Sugat na likha ng matulis na bagay, gaya ng pako o di kaya karayom
    • Pagkapaso (burns)
    • Pagkabunggo (crash fractures)
    • Pinsala na may kasamang dead tissue

    Puwede ring umatake ang tetanus bacteria sa pamamagitan ng mga puwang sa balat mula sa:

    • Mababaw sa sugat o di kaya gasgas lang
    • Operasyon (surgical procedures)
    • Kagat ng insekto
    • Impeksyon mula sa dental procedure
    • Bale sa buto (compound fractures)
    • Pabalik-balik na mga sugat at impeksyon
    • Paggamit ng intravenous (IV) drug
    • Injection sa muscle

    Mga sintomas at kumplikasyon ng tetano

    Kilala rin ang tetano sa tawag na “lockjaw” dahil ang isa sa pinakakaraniwang sintomas nito ang paninigas at mga muscle sa panga. Kaya kapag hindi naagapan ang paggamot sa tetano, puwedeng hindi mo muna mabubuksan ang iyong bibig at mahirapang lumulon at huminga.

    ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW

    Bukod sa lockjaw, may iba pang sintomas, tulad ng:

    • Pamamanhid ng panga
    • Paninigas ng muscles, kadalasan sa may tiyan
    • Pananakit ng muscles sa buong katawan
    • Hirap sa paglunok
    • Pangingisay (seizures)
    • Pananakit ng ulo
    • Lagnat at pamamawis
    • Pagbabago sa blood pressure at heart rate

    Maaaring magdulot ang tetano ng mga seryosong problemang pangkalusugan (basahin dito). Kabilang diyan ang mga sumusunod:

    • Hindi mapigil na paninigas ng vocal cords (laryngospasm)
    • Pagkabali ng mga buto (fractures)
    • Iba pang impeksyon na makukuha sa ospital
    • Pagbabara ng main artery sa lung o di kaya sa isa nitong mga sanga sa pamamagitan ng blood clot, na dumaloy mula sa ibang parte ng katawan hanggang sa dugo (pulmonary embolism)
    • Pneumonia, na isang impeksyon sa baga, lalo na iyong nagmula sa paghinga ng foreign materials (aspiration pneumonia)
    • Hirap sa paghinga na posibleng tumuloy sa kamatayan

    Bilin ng mga eksperto na bigyan ng kaukulang pansin at pag-aalaga kapag nagkaroon ka ng sugat. Siguraduhin na malinis ang mga kamay sa tuwing hahawakan ang sugat. Makakatulong rin ang tetanus vaccine at pagkonsulta sa doktor.

    Tetano sa pagbubuntis at panganganak

    Nahaharap ang buntis sa mataas na panganib ng tetano habang nanganganak, ayon sa World Health Organization (WHO). Nangyayari ito lalo na kung kontaminado o hindi sterilized ang mga ginamit na instrumento sa panganganak. Dagdag pa diyan ang maduming pambalot sa sugat at hindi malinis na mga kamay ng nagpaanak.

    Kapag nadale ng tetano habang buntis pa o di kaya nanganganak na, maipapasa mo ito sa iyong sanggol. Magsisimula ang sintomas sa paninigas ng mga muscle sa panga at mukha ni baby hanggang hindi na siya makadede. Mabilis na kakalat ang impeksyon sa kanyang katawan hanggang mangisay, hindi makahinga, at tuluyang pumanaw. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Tinatawag ang ganyang uri ng tetano bilang maternal at neonatal tetanus. Maraming mga kasong naiulat mula sa rural areas, kung saan may mga nanganganak sa bahay na kulang sa malinis na kagamitan. Kaya nakasama ang Pilipinas sa listahan ng 18 mga bansa na may seryosong problema sa maternal at neonatal tetanus.

    Noong 2017, inanunsiyo ng Unicef na nagbunga nang husto ang tatlong dekada nilang pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) para malabanan ang maternal at neonatal tetanus. Nakamtan na ng Pilipinas ang Maternal and Neonatal Tetanus Elimination (MNTE) status. Ibig sabihin, mas kaunti na sa isang kaso ng neonatal tetanus kada 1,000 live birth sa bawat probinsya o siyudad kada taon.

    Sabi pa ng mga eksperto, maiiwasan ang maternal at neonatal tetanus sa pamamagitan ng hygienic practices sa panganganak at pagputol ng pusod, pati na ang pagpapabakuna ng mga buntis.

    Ayon sa Philippine Foundation for Vaccination (PFV), ang tetanus vaccine ay binibigay sa mga buntis bilang three-in-one shot sa loob ng “properly spaced-out doses.” Kalakip ito ng bakuna para sa diphtheria, pertussis o di kaya whooping cough. May potensyal kasi ang mga iyan na maging life-threatening diseases, tulad ng tetano.

    What other parents are reading

Ito Ang Dahilan Kung Bakit Kailangan Ng Buntis Ang Tetanus Vaccine
Source: Progress Pinas

Post a Comment

0 Comments