-
Editor’s Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
May iba pang dahilan sa baradong lalamunan at hirap huminga kung walang ibang sintomas ng COVID-19 na nararamdaman. Puwedeng panandalian lang ang nararanasan o di kaya simula na pala ng mas seryosong kondisyon. Mainam na obserbahan muna at saka magpatingin sa doktor.
Koneksyon ng baradong lalamunan at hirap huminga
Makakatulong na alamin ang gawain ng respiratory system upang mas maintindihan ang nararamdaman. May paliwanag diyan si Dr. Paul Rilhelm M. Evangelista, isang espesyalista sa pulmonology medicine at interventional pulmonology. Nagbigay siya ng webinar, na may titulong Usapang Asthma, at posted sa Facebook page ng Philippine College of Chest Physicians (PCCP).
Aniya, “Sa tuwing tayo’y huminga, ang oxygen mula sa air ay pumapasok mula sa sa ating ilong at bibig hanggang bumababa sa ating lalamunan at wind pipe (trachea) papunta sa ating baga.
“Mula trachea, tutuloy ito mula sa right at left bronchus. Ang bawat bronchi ay tumutuloy sa magkabilang baga sa pamamagitan ng air tubes o airways. Dito sa airways dumadaan ang oxygen, at ang mga airways ay paliit nang paliit tulad ng mga sanga ng punong kahoy.
“Matapos ang division ng bronchus ay pupunta tayo sa air sacs o ang tinatawag na alveolus. Isa lamang ito sa libo-libo nating alveoli. Dito sa alveoli nagaganap ang gas exchange.
“Papasok at maa-absorb ng walls ng alveoli at papasok naman ang blood sa bloodstream ang oxygen kung saan madadala sa iba-ibang bahagi ng ating katawan. Dito rin lumalabas ang carbon dioxide na waste gas, na puwede namang ilabas sa bawat hinga natin.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOWSa normal na sitwasyon, ang muscles na pumapaligid sa bronchi ng baga ay relaxed at maayos na umaagos ang hangin sa mga daluyan nito sa katawan. Manipis din lang ang lining sa bronchi upang sapat na masala ang hanging pumapasok mula sa ilong at bibig.
Pero sa sandaling magkaroon ng problema sa daluyan ng hangin, gaya ng asthma, napipilitang tumupi ang bronchioles kaya kumikipot ang puwang para sa hangin. Bronchospasma ang tawag sa pangyayari itong sa baga.
Sanhi ang bronchospasm ng pamamaga at pagkapal ng bronchioles. Nagre-resulta naman ito sa edema at inflammation. Bukod diyan, may isa pang problema na hatid ng sobra-sobrang mucus, na kilala bilang plema na bumabara sa ilong.
Mga posibleng dahilan sa baradong lalamunan at hirap huminga
May iba-ibang sanhi ng iyong kondisyon, kaya mainam na huwag munang mabahala.
Atake ng hika
Isinalarawan ni Dr. Evangelista ang asthma bilang “heterogenous, chronic airway inflammatory condition which affects the size and shape of the airways causing breathing difficulties.” Ibig sabihin, malimit ang pamamaga sa daluyan ng hangin kaya nagkakaroon ng paninikip sa parteng iyon ng katawan.
Nagreresulta ito sa atake sa hika o asthma exacerbation, kung saan makakaramdam ang pasyente ng paghuni (wheezing), pag-ubo (asthma cough), at pagkapos sa hiniga (breathlessness).
Labis na plema
Minsan napapadami ang paggawa ng katawan ng mucus, tulad ng phlegm, sabi ng mga eksperto. Matatagpuan ang phlegm o plema sa lungs at lower airways, na pumoprotekta laban sa germs at foreign contaminants, gaya ng iba-ibang uri ng polusyon. Kadalasang nangyayari ang labis na plema sa lalamunan, kapag:
CONTINUE READING BELOWRecommended Videos- Sinisipon
- Iritable ang sinus
- Umatake ang allergy
- Nalantad sa usok at polusyon
- Umatake ang acid reflux
Problema sa upper airway
Kapag may bara sa itaas na parte ng daluyan ng hangin (upper airway), ayon sa impormasyon mula sa United States National Library of Medicine, lumiliit ang espayo para makahinga. Kadalasang apektado nito ang windpipe (trachea), voice box (larynx), at throat (pharynx).
Bukod sa infection at injury sa upper airways, puwedeng magkaroon ng bara mula sa foreign bodies, gaya ng butil na pagkain at piraso ng iba pang bagay. Dagdag pa diyan ang vocal cord problems at pagkalason mula sa substances, tulad ng strychnine.
Pagkakaroon ng GERD
Kapag napuno ng asido ang lalamunan, nagiging barado ito at nahihirapan kang huminga. Nangyayari ito sa sandaling magambala ang valve sa katawan na tinatawag na lower esophageal sphincter.
Kontrolado ng muscle na ito ang lagusan sa pagitan ng esophagus at tiyan. Kapag hindi sumara nang husto ang lagusang iyon, bumabalik sa esophagus ang stomach acid at pagkain na dapat sana manatili lang sa tiyan. Ang resulta niyan ang acid reflux, na kapag nagpabalik-balik ay nagiging gastroesophageal reflux disorder (GERD).
Impeksyon sa baga
Dahil sa impeksyon, maaaring makaramdam ka ng baradong lalamunan at hirap huminga. Nagdudulot kasi ito ng mga sakit sa baga at respiratory system. Kabilang diyan ang bronchitis (acute bronchitis o di kaya chronic bronchitis), pneumonia, at tuberculosis. Kaya mahalaga ng magpatingin ka na sa doktor.
5 Posibleng Dahilan Ng Baradong Lalamunan At Hirap Huminga
Source: Progress Pinas
0 Comments